Thank you for reading my story kung mayroon man. Feel free to leave a comment po. Enjoy reading! Love you all.
Halos patakbo na akong maglakad papuntang headquarters para lang maka-abot sa meeting sa club. Hindi ko kasi agad nabasa ang chat ni Janice sa group chat namin.
Sobrang hilong-hilo na ako sa mga ganap ko sa buhay. School. Condo. Work. Repeat. Nakakapagod na rin ang ganitong routine ko sa buhay, pero hindi pwedeng sumuko, focus lang sa goal.
Mahirap naman talaga maging isang working student, mahirap i-balance ang sched lalo na kapag sabay-sabay ang mga pinapagawa sa school. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawa makatulog ng mahimbing.
Oo, mahimbing talaga ang tulog ko, dahil na rin siguro sa pagod. Pero keri lang, basta may income ako at nakakapag-aral pa rin naman mabuti.
Naabutan ako ni Martin na tumatakbo papasok sa loob ng headquarters, halos kasabay ko lang din pala siya dumating. "Dahan-dahan lang, Israh, baka madapa ka po," babala niya.
Ngumiti na lang ako ng pilit. Hindi ko na siyang magawang sagutin pa dahil hingal na hingal talaga ako. Halos kumpleto naman na sila sa loob, wala pa ata si Rachelle.
"Bakit haggard tayo, mamsh?" si Clariza.
"Oo nga mamsh. Hindi nakaka-fresh itong pagiging busy ko sa school at work," sabi ko nang makaupo ako sa tabi niya.
Hindi pa naman nagsisimula ang meeting namin dahil may ibang wala pa. Hinanap ng mata ko si Raizle pero wala siya, wala rin si Cole na madalas mauna palagi pag may meeting. Sobrang active niya rin kasi.
Mabuti na lang din at wala si Raizle, hanggang ngayon kasi ay iniiwasan ko pa rin siya. Feeling ko nga nitong mga nakaraan lagi siyang nakaabang sa akin. O baka nag a-assume lang ako?
Lagi ko kasi siyang natatanaw sa labas ng campus nan aka disguise ang suot, alam kong siya 'yon dahil alam na alam ko kung paano siya manumit. Tsaka pag hinihiram ko sasakyan ni Jameah, nasa tabi ng macan niya si Sydney.
Magalin lang talaga siguro ako magtago.
Sinikap ko na rin talaga makadalo sa meeting, ilang beses na rin kasi akong absent kapag may mga ganap. Hindi ko na rin natutugunan ang pagiging member ko sa club, buti na lang hindi ako officer.
Bilib din talaga ako kay Janice na masipag sa club, president lister pa every sem.
"Guys, hindi nag text sa akin si Rai, mukhang busy sila sa gig ni Cole. Alam niyo na at famous ang mga head officer's ng club natin. Papunta na rin pala si Haide, kaka-text lang sa akin," anunsyo ni Janice.
Nakipag chikahan na muna kami nila Clariza sa mga iba naming ka-member at officers. Madami silang baon na kwento ngayon, lalo na si Martin na sobrang nakakatawa kung mag joke. Bentang-benta kila Rachelle ang mga jokes niya.
Ilang minuto lang at dumating na rin si Miss Haidee sa headquarters, medyo nag-iba ang tingin ko sa kaniya dahil nalaman ko na kapatid niya pala si Demi. Mas lalo tuloy akong humanga sa ganda ni Miss Haidee, mapapasabi ka na lang talaga na, sana lahat.
'Di hamak na mas matangkad si Demi kaysa sa kaniya, sa pagkaka-alam ko, magkasing tangkad lang kami ni Miss Haidee. She's a third-year, tourism student, nakadepina sa kaniyang mukha ang pagiging likas na mestiza dahil sa mala-porcelana nitong kutis, may lahi din kasi itong kastila.
Naging matagal din ang naging meeting namin sa headquarters, pinag-usapan namin ang mga upcoming events sa school at sa mga project sponsor ng Music Club, pero ang pinaka pinag-usapan namin ang nalalapit na foundation.
Matagal pa naman pero may mga nakahandang plano na. Nauna na akong lumabas g headquarters dahil nagmamadali talaga ako. Ang ganap ko na sa buhay ay magmadali palagi. Nagpaalam naman ako kila Janice bago umalis.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomansaIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...