VOCAL #14

141 1 0
                                    


"Kumusta naman ang puso mo ngayon, Raizle?"

Kasalukuyan akong nanunuod ng mga old interview videos ni Raizle sa YouTube. Napanuod ko na ito dati noong nasa Cebu pa ako.

Napadaan lang ako rito sa mga video interviews niya dahil ito ang sumunod na videos na lumabas sa YouTube. Balak ko lang talaga manood ng live performances ng Algorithm at mga video vlogs nila.

He pursed his lips first before he answered the question. "As of the moment, I'm not in a relationship with anyone," aniya sabay ngumiti sa babaeng nag i-interview sa kaniya.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya rito sa isang talk show. As if maniniwala akong wala siyamg girlfriend lalo na at nahuli ng dalawang mata ko kung paano niya halikan iyong babae.

I turned to look at the woman awe transformed in her face "So wala ka man lang special someone? Nagpapasaya sa'yo ngayon?" sunod na tanong sa kaniya.

Kitang-kita ko kung paano umiling ang ulo ni Raizle. Na pause ko muna ang video na pinapanuod ko, pakiramdam ko kasi may kung anong kumikiliti sa tiyan ko.

"I'm not interested right now," he said quickly.

Hindi raw interesado pero may kahalikan. Kung hindi ko pa siguro siya nakikilala sa personal baka mamatay na rin ako sa kilig katulad noon. For sure noong unang beses ko ito napanuod, kinilig siguro ako.

Lalo at at sumentro kay Raizle ang kuha ng camera kaya makikita mo talaga ang pagiging gwapo niya. Pati ang magkabilang dimples niyo ay tanaw na tanaw ko!

Masyadong close up. Nagiging marupok na naman ako! Dapat kong isantabi ang nararamdaman ko dahil hindi ito ang oras para kiligin.

"Ang gwapo mo pa rin kahit naiinis ako sa'yo," bulong ko sa sarili ko. He looks so genuine kasi habang ini-interview siya.

When you talk to him, he really stares at you eye to eye contact. It's like his eyes is glistened better than to sparks.

Nilantakan ko muna ang binili kong doughnuts malapit lang dito sa inuupuahan naming dorm, bago ko i-play ulit ang video.

Close up pa rin ang kuha ng camera kay Raizle, sumilay ang mapanlinlang niyang mga ngiti bago sumagot sa tanong.

"I don't have special someone," aniya sabay ipinakita ang pinaka sweet at gwapo niyang smile sa madla.

Lumakas lalo ang mga sigawan at tilian ng mga tao sa loob studio at sa kanila na nakatutok ang camera. May sigaw pa akong narinig na 'Akin ka na lang, Raizle!' tapos mayroon pa isang bakla na sumigaw ng 'Mahal ka namin, Raizle'

Pumalakpak ng bahagya ang babae, parang teenager kung kiligin sa harap ni Raizle. "Naku! Ang dami yatang natuwa na single ka. At focus ka talaga sa career mo?"

Raizle just chuckled.

"Parang hindi ako maniwala na wala kang girlfriend! Sa gwapo mong iyan at talented imposibleng walang magparamdam sa'yo!" natatawang biro sa kaniya.

He shook his head immediately. "Wala po talaga," agap ni Raizle.

"Ako rin hindi naniniwala!" mahinang sigaw ko sabay subo sa bavarian doughnut ko.

"Your career is your priority, huh?"

He bit his lower lip. "Yeah... Actually, my fans are also one of my priorities aside of my band. They are my lucky charm because If it weren't for the support that they provide I wouldn't be able to come here where I am today."

So, priority niya pala ako dahil isa ako sa libo-libong mga fans niya. Pero hindi pa rin mababago ng interview na ito ang nakita ko sa rockwell. I know he's lying! He has a goddamn girlfriend!

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon