VOCAL #18

122 1 0
                                    


Pagtapos nang gabing iyon hindi ko na muling kinausap pa si Raizle. Bakit ko pa siya kakausapin? Para saan pa?

Hangga't maaari gusto ko muna makapagisip-isip kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Kahit si Jameah ay binigyan ako ng oras para sa sarili ko ilang araw rin niya akong hindi binash.

Honestly, until now I'm still confused about how I feel for Raizle. Hindi na nga ako mapakali kakaisip, tila ba binabagabag ako sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi ko kay Raizle noong gabi iyon.

Raizle texted me-but I just ignored it. I don't want to reply to him because it only makes my mind more confused. He wanted to talk to me to explain, but I chose to refuse.

Ginulo-gulo ko ang buhok ko habang patuloy na iniisip ang mga nangyari sa sega. Halo-halong iba't-ibang emosyon at kahihiya ang nararamdaman ko ngayon. At naiinis ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang kiligin sa mga text niya sa akin.

Ano naman ba kasi ang punto niya para magpaliwanag? May girlfriend naman pala siya bakit may oras pa siyang makipag-usap sa katulad ko? Ano ba ako sa kaniya? Wala naman, hindi ba?

Isang linggo mahigit na ang nakalipas mula nang mangyari iyon, tapos na rin ang SU Fair na hindi ko naman na-enjoy dahil naging laman lang ng buong utak ko ay si Raizle at sa feelings ko na parang roller coaster.

Buti na lang at hindi nagtatanong ang mga kasamahan ko sa club. Nakikita naman nila siguro na most of the time wala ako sa mood kumausap. Ewan ko ba.

At isang linggo mahigit na rin akong wala sa sarili at laging lutang. Tuwing papasok ako sa school kinakabahan ako ng malala dahil baka makasalubong ko si Raizle o kaya makita ko ang mga ka-banda niya.

Kinukulit na rin ako kahapon ni Jam kung ano ba raw talagang nangyayari sa akin nitong mga nakaraan dahil ang weird ng mga kinikilos ko. Hindi ko na rin nasasamahan madalas si Primrose dahil wala ako sa mood palagi.

Na-guilty na nga ako dahil feeling ko wala akong kwentang kaibigan para sa kaniya. Tinext ko na lang siya na babawi ako sa kaniya bago matapos ang semester. Hindi naman kasi pala tanong si Primrose, hindi katulad ni Jameah na kulang na lang siya pa ang magalit dahil hindi ako nagku-kuwento.

Kung maka-react akala mo naman siya ang umire sa akin. May hint naman daw siya na si Raizle ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Akala niya umamin ako na gusto ko si Raizle at na basted ng malala. As if naman aamin ako sa kaniya sa ganitong sitwasyon

Ayoko na lang pinatulan ang kaibigan ko. Tsaka may balak naman ako sabihin sa kanila, kumukuha lang ako ng lakas ng loob para mag kwento. Hirap kasi mag-open kapag sa mga ganitong bagay. Hindi ako sanay.

Hindi pumasok si Raizle sa klase namin kanina, nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero mas mabuti na rin na taguan ko siya nang ganito at huwag magpakita ng anino sa kaniya.

Let's say... hindi pa talaga ako handa na makita siya. Feeling ko anytime manghihina ako kapag nakasalubong ko siya sa hallway o corridor. Araw-araw tuloy ako nagpra-pray na sana hindi kami magkita sa school. Nakakaparanoid din pala mag-isip.

"Ano na, Samonte? Matatapos na ang semester hindi ka pa rin okay? Lutang pa rin ba?" sunod-sunod na tanong ni Jam.

Vacant naming dalawa since kaklase ko siya ngayong araw sa isang major subject. Ang dami niyang chika tungkol sa naka-away niya sa comment section sa Facebook. Kahit kailan talaga pala-away si Jam.

Napa-face palm na lang ako at hindi siya pinansin.

"Uy si Raizle!" aniya at nakatingin sa likuran ko at nakanguso.pa.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon