VOCAL #15

144 2 0
                                    

"Jam, gising na," sabi ko habang tinatapik siya ng mahina para gisingin.

Ang hirap pa naman gisingin ng babaeng 'to. Mamaya malate na naman ito ng gising at hindi makapasok sa first period.

Pero mag a-ala sais pa lang naman ng umaga kaya medyo maaga pa. Kinailangan ko lang siya gisingin dahil magkikita kami ni Raizle mamayang ala siyete sa parking lot.

"Huy bumangon ka na!" nilapitan ko siya sa bandang tainga niya at sinigawan siya para magising pa.

"Hmmm..." mahingang ungol niya.

Aba bastos! Hindi man lang natinag sa paggising ko. Tinalikuran niya lang ako at nagtalukbong ng kumot sa mukha.

Nasapo ko ang noo ko at napakamot doo. "Pucha talaga," mahinang bulong ko.

Kinalabit ko pa siya ng maraming beses para magising na, pero hindi pa rin siya nagigising. Tulog na tulog pa ang magaling kong kaibigan at mukhang humihilik pa.

"Gumising ka na riyan!" sigaw ko pa sa kaniya habang pinagsisipa na siya sa bandang puwitan niyang nakausli.

Baka mamaya tumutulo pa ang laway nito.

"Malalate tayo niyan! Hindi ako sasabay sa'yo ngayon pumasok kaya walang gigising sa'yo!"

Tinalikuran ko na siya at kumain na muna ng almusal. Bumili ako ng pandesal kanina sa labas, may bakery kasi sa may tapat ng dorm na inuupahan namin.

Pagtapos kong lagyan ng palaman ang aking tinapay, nagtimpla ako ng brewed coffee. Mas masarap talaga ang kape sa umaga lalo na at may mainit na pandesal.

Pinasadahan ko pa ng isang beses ang kaibigan kong mahimbing na mahimbing pa ang tulog at ayaw pang bumangon. Napailing na lang ako, ang hirap talaga niyang gisingin. Tulog mantika kahit saang lugar matulog.

"Bahala ka riyan! Hindi ako sasabay sa'yo pumasok. Mauuna ako," sabi ko pa sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya iyon maririnig.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa huling text ni Raizle. Gusto ko sanang replayan at tanungin kung bakit kailangan ko siyang kitain parking lot ng ala siyete ng umaga.

Para na naman akong kinakabahan ng hindi ko malaman sa sarili ko. Pinaghalong kaba at excitement yata ang nararamdaman ko ngayon. Napaisip tuloy ako kung ano ang gagawin naming doon?

Hindi ko namalayan nakatulala na pala ako rito habang kumakain ng pandesal. Kung hindi pa nag vibrate ang phone ko hindi ako makakabalik sa katinuan ko.

From: Raizle

Goodmorning.

See you later.

Fucking shit talaga! Heto na naman ako sa kiliting bumabalot sa tiyan ko. Parang may butterfly akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag.

Napainom na lang ako ng kape ko at hindi na muna siya nireplyan. Minsan iisipin ko na rin talaga na assuming din si Raizle dahil hindi pa naman ako sumasang-ayon sa kaniya na magkikita kami ngayong umaga.

For now, magpapakipot na muna ako sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung babagalan ko ang reply ko.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kisame at sa wall clock namin. Hinihintay kong may bente minuto bago ko siya replayan. Naisipan ko na magpalate ng ten minutes sa meet up namin para naman hindi niya isipin na sabik na sabi akong makita siya.

Ginising ko ulit si Jameah at this time sinipa ko na siya ng malakas. Pinatayan ko na nga siya ng aircon para mainitan na at gumising na ng kusa.

Padabog na bumangon si Jameah. "Para ka namang timang, Israh! Kita mong natutulog ang tao, eh!" inis n ainis nitong singhal sa akin, habang ang kaniyang mga mata ay nakapikit pa at magkasalubong ang mga kilay.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon