Warning: R-18 (SPG)
Sorry na po agad sa mga typo and grammatical errors ko.
Sayang lang talaga at hindi kami natuloy magpunta sa Sagada, iyon pa naman ang pinakagusto kong puntahan. Mahirap na rin kasi bumiyahe papunta roon at medyo foggy na.
Kaya nagpunta na lang kami sa Mines View at Burnham Park, nagbike kami ni Raizle. Muntik na nga may makakilala sa kaniya. Sabi ko nga magsuot lang siya ng hoodie habang nasa labas kami.
Kinagabihan naman ay nagpunta kami sa night market, hindi niya pa raw nararanasan iyon kaya natutuwa talaga ako sa reaksyon niya nang ma-experience niya.
Bumili na rin kami ng mga pasalubong. Syempre makakalimutan ko ba si Jam The Bitch? Este ang bestfriend kong walang preno ang bibig.
Strawberry Jam kasi ang favorite niya kaya binilhan ko siya, syempre kasama na rin si Primrose. Tig dalawang bote sila ng Jam. Ako kasi iyong ube ang gusto ko.
Marami akong binili, kagaya ng mga T-shirts na may printed na Baguio City, keychains, ref magnet, walis tambo, at kung ano-ano pa.
Nagtataka na siguro si Raizle dahil ang dami kong binili talaga, syempre sinama ko na rin ng pasalubong sila Tita Melissa at Marcus, pag nakauwi ako sa Cebu ay tsaka ko ito iuuwi.
Minsan lang naman ako makapagbakasyon. Sa sobrang dami kong binili hindi ko na matandaan kung nabayaran ko ba lahat. Si Raizle kasi halos nagbayad ng iba, sabi ko babayaran ko na lang pag-uwi namin sa penthhouse.
"Magkano pala, lovey, iyong mga binayaran mo?" tanong ko sa kaniya habang pauwi kami.
"I inisist, don't pay me back," sagot niya.
"Hala ang dami kong binili, babayaran ko iyong iba," pagpupumilit ko.
Sa Good Shepherd kasi kami bumili kanina, 'yung iba alam kong ako ang nagbayad. Pero iyong iba naman halos si Raizle na ang kumuha at siya ang nagbayad.
Natatagalan siguro sa akin kanina habang namimili ako. Bumili rin kasi ako ng gulay kasi ang mura. Baka naiinip siya kaya siya na ang nagbayad.
"Don't mind it, love," aniya.
"I brought you here, so it is my responsibilities," dagdag pa niya.
Nag pout na lang ako sa kaniya. Gusto kong bayaran dahil halos sa akin lahat na pasalubong itong binili ko. Nahihiya naman ako sa kaniya. Hindi ko naman siya sinagot bilang boyfriend ko para umasa sa kaniya, lalo na sa financially needs ko.
I have part-time work, I afford to buy.
Umiling-iling ako sa kaniya. Nakauwi na kami lahat-lahat ay ayaw pa rin niya na bayaran ko.
"Bayaran ko na lang iyong binili ko na mga gulay? Kahit iyon na lang. Tsaka yung mga keychains at t-shirts. May pera naman akong dala," pagpupumilit ko pa.
"No, it's okay, love. I'm the man here, my responsibilities is to provide all your needs. I know, you have money and you afford to buy things..."
"But I am here, wala akong nakikitang masama sa ginawa kong pagbayad sa mga gusto mong bilhin. Besides, I am willing to buy it, If it makes you happy, then I am happy to buy it for you."
"All for you, love."
Nangingiti ako bigla sa mga sinasabi niya. Siguro mukha nang ewan ang itsura ng mukha ko. Hindi ko alam ang ire-react ko sa harap niya.
He always surprised me.
Napapakamot ako sa ulo nito. "Baka kaya binayaran mga pinagbibili kong pasalubong kasi ang tagal kong mamili kanina, alam ko naghihintay ka sa akin at nainip ka na sa siguro—"
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomanceIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...