VOCAL #7

133 3 0
                                    


"So, what's your plan, Lori?" Jameah asking me.

Nandito kami ngayon sa grocery, namimili kami ng mga kailangan naming sa dorm, mga pagkain; easy open can, bread, at kung ano-ano pang pagkain na kailangan namin for the whole week.

"Anong plan pinagsasabi mo?" Binaling ko na lang 'yung atensyon ko sa pamimili ng mga pagkain ko para sa buong linggo. Naubusan na kasi kami ng stock sa dorm.

Muntik ko na makalimutan bumili ng mga toiletries. Inubos pa naman ni Jameah 'yung stock ng napkins ko. Lahat ata ng mga grocery ko siya ang nakikinabang. Tamad kasing mag grocery, kailangan pang samahan.

Mas magastos kasi siya kaysa sa akin. Kaya siguro sinasama niya ako para matuto siya mag budget ng allowance niya.

Buti nga walking distance lang mula sa dorm, tipid pamasahe papunta dito.

"Duh, syempre mga plano mo sa buhay. Wala ka bang plano sa buhay?" sarkastikong pagkakasabi niya.

Minsan naisip ko talaga, simula nang mapunta ako dito sa Manila at mag-aral sa Southdale—wala pa kaming matinong pag-uusap ni Jameah. Mas lamang 'yung bangayan naming kaysa sa seryosong pag-uusap.

"Marami akong plano sa buhay ko. Isa-isahin ko pa ba sa'yo?"

Nilagay ko sa cart namin 'yung apat na packs ng napkins. Dumiretso ako sa beverages area, wala naman magagawa si Jameah kundi sundan ako.

"You know, you are so mean! Tinatanong ka lang naman kung anong plano." Ngumuso naman siya sa akin.

Puro mga unhealthy foods pa ang mga pinaglalagay sa cart namin. Siya talaga pagbabayarin ko sa mga groceries ko, halos karamihan dito ay sa kaniya.

"Kapag nagtatanong ka kasi parang lagi may halong pang-aasar."

"Anyway, gusto ko lang naman malaman kung anong plano mo next week." Pagbabago niya ng usapan.

Kulang pa yata 'yung push cart namin. Halos mapuno na kasi 'yung cart namin dahil sa mga walang kakwenta-kwentang pinagkukuha niya. Pinagmamasdan ko na lang talaga siya dahil ayoko nang magsalita.

Napa face-palm tuloy ako. "Why? Anong meron next week, bakit mo natanong?"

Hindi ko alam kung lutang lang ba ako o kulang lang ako sa tulog? Ang lalim kasi ng iniisip ko dito; iniisip ko kasi 'yung mga iba pa naming kailangan sa dorm, baka mamaya may kulang akong bilhin.

"Mag o-open kasi ulit 'yung lahat ng clubs for recruiting new members. Baka gusto mo mag join?"

Nagtipa siya sa phone niya habang ngumunguya ng bubble gum. Hobby na niya talagang ngumuya ng bubble gum kahit saan, buti hindi 'to nasisita sa loob ng klase nila kapag may bubble gum sa bibig.

"Hindi ba nag recruit na kayo last time, bago mag midterm exams?"

Nung first week of classes ang dami kong nakikitang mga flyers and posters na nakadikit sa mga bulletin board, maski sa labas ng campus may mga nakadikit na posters at kung ano-ano pa.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako sumali. Si Jameah kasi ang active nila sa club nila, kahit sa mga ibang extracurricular activities sumasali rin siya. Ang sabi pa niya sa akin last time; na promote na raw siya bilang secretary sa photography club.

Ang bongga lang talaga sa Southdale, iba't-iba ang klase ng mga clubs ang makikita mo rito. Mukhang kakabahan na ang Harvard at Oxford University.

"Oo, pero open na ulit kami. Ewan ko ba kasi sa'yo kung bakit hindi ka nagjoin last time. Niyaya naman kita sa club naming para hindi ka nag-iisa."

"Ang busy mo kaya palagi, tapos uuwi ka sa dorm sobrang gabi na. Alam mo naman tamad ako sa mga ganyan," paliwanag ko.

She sighed. "Ang dami mong dahilan! Since high-school tayo ganyan ka na talaga. Ayaw mo bang mag explore? O maka-discover ng mga bagay tungkol sa'yo?"

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon