Gabi ng sabado napagdesisyon namin na pumunta sa bahay nila Primrose para mag sleep-over. Nag-aya kasi si Primrose na kung pwede ay doon kami sa bahay nila gumawa ng mga assignments namin, group study daw kaming tatlo.
Syempre hindi naman papahuli si Jameah kaya sinama na rin siya ni Primrose sa bahay nila. Medyo nahihiya nga ako sa kaniya dahil hanggang sa kanila ay bitbit ko pa ang kaibigan ko.
Pero naisip ko na si Primrose naman ang mismong nag-aya sa kaibigan ko kaya feeling ko naman ay welcome kaming dalawa sa bahay nila.
"Sweetie, if you need something just tell to Manang Rita," It's her mom. Congresswoman Danita Villegas.
"Okay, mom! Don't worry will be fine," tugon naman niya sa kaniyang ina.
Nahihiya talaga ako nasa ibang bahay ako. Ganito talaga ako, hindi komportable at namamahay sa ibang lugar. Mukha naman mabait ang mommy niya pero parang nahihiya pa rin ako kahit mabait sila.
Samantalang itong magaling kong kaibigan ay feel at home sa bahay nila Primrose. Feeling close rin sa mga kasambahay nila, akala mo naman kilala niya ang mga ito.
The guts of Jameah Riche Saludar.
"Girls, don't be shy! Ituring niyo itong parang sarili niyong bahay. You know, ever since na nag college si Primrose ay wala pa siyang mga kaibigan na dinadala sa bahay. Kaya nagulat talaga ako nang sinabi niya na may pupuntang mga kaibigan dito sa bahay naming. I'm really happy for my daughter because she found a good friends in Southdale," malumanay na anas ng mommy niya.
Her mother looks so young. There is no trace of any wrinkles on her face.
Her mother's color is as pale as Primrose. Parehas din sila ng hugis ng mata, maski ang hulma ng kaniya mukha na medyo ma-panga. Congresswoman Danita has an hour glass body and looks like a Hollywood actress. Very attractive in one glance.
No wonder Primrose is as beautiful as her mom. Not only does it become obvious because she is not that well-groomed. At kung ano ang kina-simple ni Primrose sa katawan ay kabaliktaran naman sa mommy niya. Her mom is obviously a fashionista and loves to wear jewelry. Halata mo nang mayaman siya sa unang tingin palang.
"Nako, tita, hindi po kami mahihiya! 'Di ba, Israh?" si Jameah. Pasimple ko siyang sinikuhan.
Kahit saan mo siguro dalhin si Jameah ay hindi mahihiya. Ako pa yata ang mahihiya para sa kaniya. Feeling close masyado kay Congresswoman kung maka tita.
Pinasadahan ko ng tingin ang kaibigan ko at pinandilataan siya. "Thank you po sa warm welcome, Cong," iyon na lamang ang nasabi ko.
Ngumiti ito. "Good to hear that! If you need anything tawagin niyo lang si manang."
"Sure. Thanks, mom!"
"Okay, maiwan ko na muna kayo dito sa living room. Nagluto na rin ako ng dinner niyo, kumain na muna kayo bago gumawa ng school works. Nasa office room lang naman ako." Tumango na lang kami.
Tumalikod na ito sa amin at tinawag ang isa pa nilang kasambahay. "Pag dumating na ang Sir mo, pakisabi kumain na muna siya bago tumungo sa kwarto," bilin niya dito. Tumango lang ako kasambahay nila.
"Tara kain na muna tayo ng dinner natin," aya ni Primrose.
Sinundan namin siya papunta sa kanilang malaking dining area. Manghang-mangha ako sa laki ng bahay nila. Inikot ko ang buong pasilyo ng bahay nila at sobrang mamahalin ang mga gamit.
Halatang mamahalin ang mga muwebles at palamuti na makikita mo sa bawat sulok ng bahay nila. At ang mga disenyo sa kanilang bahay ay mukhang inspired sa Elegant Country interior design themes. White and fuchsia pink ang theme color ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomansaIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...