VOCAL #5

153 4 0
                                    


"Huh?" gulat na gulat si Raizle sa sinabi. Kumunot pa ang noo niya, siguro hindi niya lang lubos na maisip na nasabi ko 'yon.

"Pwede po bang mag pa-autograph sa inyo?" inulit ko 'yung tanong ko. Baka sakaling palarin ako ngayong araw at pumayag siya mag pa-autograph.

"You mean, you want my signature?" he asked. Bakit iba 'yung atake kapag naririnig ko mag English si Raizel in person? Ang gwapo lalo ng boses niya!

"Yes po, if okay lang?" nakangiting sad ko. Matagal niya akong tinitigan, para bang kinikilatis niya ako mula ulo haggang paa. Parang matutunaw pa ata ako sa mga titig niya.

Self, huwag kang marupok! Alam kong si Raizle 'yan, pero dapat kalmado ka lang,

Kinakalma ko pa 'yung sarili ko dito, baka kasi bigla akong tumili sa sobrang saya. Malaman pa nila na probinsyana ako. Ang sabi ni Jameah, dapat daw huwag daw ako magpahalata na hindi ako taga Manila, dahil kapag nalaman daw nila na hindi ako taga dito, mag-iiba raw ang tingin nila sa'yo.

"Are you a fan?" he asked using his husky voice.

"Ahm... Oo... f-fan n-niyo po... ako..." nauutal na naman ako. Bakit naman kasi ang gwapo kapag magtatanong.

Inayos ko ang sarili ko para hindi naman ako mukhang haggard sa paningin niya, baka pwede rin mag papicture sa kaniya mamaya after class. Na bo-bothered tuloy ako baka mukhang nerbyosa ako sa harap niya. Dapat kalma ka lang, Israh.

"Sure, come here,"

Tangina! Come here daw, Israh! Manatiling kalamado ka pa rin dapat, Israh. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na kumalma, pero deep inside 'yung kaluluwa ko sa loob, nagwawala na sa sobrang kilig at saya!

"S-sige, w-wait... lang," nanginginig pa 'yung boses ko habang kinukuha ko sa bag ko 'yung poster at 'yung latest album nila. Pumayag naman siyang magpa-autograph kaya sulitin ko na, minsan lang naman.

Sana hindi na pumasok 'yung prof namin para naman masaya ako ngayong umaga. Medyo nag-aalangan pa ako tumayo dahil napansin ko kaagad ang buong paligid ko na maraming nakatingin sa akin at kay Raizle. Wala naman silang sinasabi, pero may iilan na nagbubulungan.

Hindi naman sobrang layo ng pagitan ng upuan namin ni Raizle, sakto lang kaya kahit maririnig mo talaga siya kapag kinausap ka niya. Tinignan ko muna sila bago tuluyang lumapit kay Raizle, syempre dala-dala ko 'yung poster at album ng Algorithm.

"Nice, you bought our latest album, huh?" nakangising sabi niya, nang iniabot ko sa kaniya 'yung album at poster.

"Opo. Solid rhythm po ako at matagal niyo na po akong fan," proud na proud na sabi ko pa. Kapag fan ka ng Algorithm band ang tawag sa mga fans nila ay rhythm.

"Lahat ba 'to pipirmahan ko?" Jusko! Gwapo rin ang boses niya kapag nagtatagalog sa personal. Para akong ewan dito, siguro para na akong tanga sa lapad ng ngiti ko ngayon.

Wala akong masabi kaya tumango na lang ako. Nararamdaman ko na 'yung buong pagkatao ko kinikilig na ng sobra at nagwawala na sa saya, gusto ko magsisigaw habang isa-isa niyang pinipirmahan 'yung album at poster.

"Done." Iniabot niya sa akin 'yung album at poster na napirmahan niya.

Nangangatog pa ako ng slight dahil hindi ako makapaniwala na napapirmahan ko ang mga 'to, at mismong kay Raizle pa. Kung panaginip lang talaga 'to, ayoko nang magising pa.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang hawak ko na 'yung mga napapirmahan ko sa kaniya. Tingnan niya ako pabalik at pinandilatan ng tingin.

"T-Thank y-you po," namamaos kong sabi. Hindi makilala ang sarili kong boses dahil sa sobrang kaba ko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko na nakaharap ko na siya in person.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon