Pagtapos namin kumain sa Alberto's Alfresco, bumalik na agad kami sa Condo dahil mag a-alas onse na rin ng gabi. Nag dahilan na lang ako kay Jam na may ginawa kami sa club kaya hindi na ako nakapasok sa shift ko kanina.
Ang dami ko na ring sikreto kay Jam, baka pag hindi ko sinabi sa kaniya na boyfriend ko na si Raizle, bala hindi na ako patawarin no'n.
Kaya sasabihin ko na lang din sa kaniya bukas ng umaga. Pagod na rin kasi ako mag-explain ngayon, marami na rin masyadong nangyari ngayong gabi. Hindi ko na rin magawang alalahanin pa lahat ng mga sinabi ko kay Raizle kanina.
Lutang akong sumama sa kaniya, lutang din ako umuw. Hayst! Hindi ko alam pero parang nabudol yata ako.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko na pumayag ako sa gusto ni Raizle, pumayag ako na magka-label kami. Ang bilis ng pangyayari, kaya pakiramdam ko nabudol ako.
May boyfriend na ako for real!
"Thank you," sabi ko, at bumaba ng sasakyan niya.
Pinark niya ang sasakyan niya sa mismong parking lot ng condo. Sabi ko sa kaniya sa may entrance na lang niya ako ibaba, kaso hindi naman niya ako pinakinggan. Hinatid pa talaga niya ako hanggang rito sa parking lot.
"Israh..." aniya
Hindi ko napansin na bumaba na rin pala siya ng sasakyan niya. Hindi na naman ako mapakali, gusto ko na talaga makapasok sa loob ng condo ni Jam para mag sink-in lahat ng nangyayari, baka nanaginip lang ako o nanaginip ng gising.
"Hmm?"
"Thank you for saying yes to me," malambing nitong sabi.
Gulat naman ako sa presensya niya, nasa harapan ko na siya agad at malapit na naman ang distansya naming dalawa. Nang wa-wars shock talaga ang lalaking 'to! Balak pa yata akong atakihin sa puso.
"H-ha? Nag sabi ba ako sa'yo ng yes?" maang-maangan kong sabi, gusto ko kasi makita ang reaksyon ng mukha niya.
Is he annoyed or something?
Napahilamos siya ng mukha niya at umiwas ng tingin sa akin. "I-I thought we're officially together..." mahinang sabi nito.
"Sabi ko, okay. Wala naman akong sinabing yes," katwiran ko.
"But I held your hand earlier while I'm driving—kissing your back hand and all—"
"Stop it! Nahihiya ako..." pigil ko sa kaniya.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang hiya. Hindi pa ako sanay sa ganito. Hindi pa naman ako magaling magtago ng kilig ko kapag sobra-sobra na 'yung paru-paro sa tiyan ko.
"So, we are?" he asked me again.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya, pero naramdaman ko ang mainit na naman niyang palad ang lumapat sa kamay ko. Nanlalamig pa naman ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba.
Oo, hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako kapag magkalapit kami ng husto ni Raizle. Kailan ba kasi ako masasanay?
"As you say so..." I whispered to him.
Naramdaman kong bahagya niyang pinisil-pisil ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"My baby is shy..." he whispered behind my ear.
Palibhasa mas matangkad siya sa akin kaya abot na abot niya ako. Kailangan ko pang tuumingala para makita ang ekspresyon ng mukha niya, kung kinikilig din ba siya katulad ko.
"I'm not your baby..." sabi ko
"Yes, you are. Because you are mine now."
"Hindi ka sure," natatawang sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomanceIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...