Warning: R18 (SPG)
Disclaimer: Hindi po ako expert gumawa ng BS kaya bear with me po huhu. Ayan lang po nakayanan ko. Tatlong BS lang po ang gagawin ko rito. Salamat po sa pagbabasa.
Agad naman kaming nagpaalam ni Raizle sa mga ka-banda niya, pinangunahan niya na akong magpaalam, since nahihiya rin kasi akong umalis agad.
Alam kong pagod na rin talaga siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod at antok. Hindi rin kasi siya makapag pahinga ng maayos dahil ang dami niyang trabaho.
Shooting, gig, hatid at sundo pa sa akin. Sinasabi ko naman sa kaniya minsan na huwag na niya ako sunduin pa o ihatid sa school, ayaw niya naman magpa-awat. Buti na lang talaga at maingat kami at sa awa naman ng Diyos, wala pang nakakakita sa amin na magkasama.
Pinandilatan ko na lang ng mga mata ko si Jameah, kilalang-kilala ko na ang buong pagkatao ng kaibigan ko kaya alam ko na ang himutok ng bawat titig niya sa akin.
"Basta magsabi ka kung uuwi ka o hindi. Para naman hindi ako naghihintay sa wala," sabi ni Jam bago ako sumakay sa kotse ni Raizle.
Ako kasi ang mag dri-drive dahil hindi na kakayanin ng boyfriend ko mag drive pauwi sa condo niya.
"Don't worry, I'll call you, Jam. Stop being paranoid," bulong ko sa kaniya.
Kapag kasi kausap mo siya parang palaging may kaaway. Lalo na ngayon masyadong mataas ang energy niya for today's video.
"Bye, Primrose. Ingat kayo pauwi ni Jam," paalam ko kay Primrose na kumakaaway na sa akin.
"At ikaw naman, Jameah, ihatid mo ng ligtas at maayos si Prim. Baka mamaya puro kalokohan gawin mo," dugtong ko pa sa kaniya.
"Oo na! Enjoy!"
Inismiran ko na lang siya at agad na rin nagpaalam kila Savannah at Bjorne, sila lang kasi ang medyo kakilala ko na kaya kong kausapin. Kumaway at nginitian ko na lang 'yung kambal ni Archie na si Betti, ganoon din ang isa niya pang kasamang babae.
Nagpaalam na rin si Raizle sa mga ka-banda niya na mauuna na siya pauwi. Hindi na raw niya iintayin 'yung manager nila.
"Ingat, Rai! Ayan na ang hinihitay mong bebe time," asar sa kaniya ni Connor.
"Awit sa'yo, pre! Si Israh pa talaga mag mamaneho para sa'yo. Sana all! Hatid ko na nga lang din si Sav," sabi ni Archie.
"Mga gago..." walang ganang sabi sa kanila ni Raizle.
"Take care, Israh," si Cole.
"Dahan-dahan lang pagmamaneho, Israh. Baka mauntog ka bigla!" pahabol pa ni Archie.
"Bye, Israh!" paalam ulit ni Primrose.
"'Yung binigay ko sa'yo dinala mo ba?" si Jam. Pinandilatan ko siya at hindi na lang pinansin ang huling sinabi niya. Alam ko naman ko ano 'yung tinutukoy niya.
Ngumiti lang ako at nagpaalam na sa kanilang lahat bago makapasok sa kotse. Naunang sumakay sa akin si Raizle sa loob ng sasakyan niya, sa front seat siya umupo.
"Love, tulog ka muna. Gisingin kita kapag nasa condo mo na tayo."
Hindi siya kumibo, instead he held my hand so tight at hinalik-halikan ang likod ng kamay ko.
"I love you..." he whispered while his eyes are closed.
He's really sleepy, pero kahit na alam niyang nakikita kong pagod at inaantok na siya, He would always express his love for me. He does it all the time. Kahit sa phone call or text.
"I love you more... pero paano naman ako makaka-drive kung hawak mo kamay ko, hmm?" malambing kong sabi sa kaniya.
Tulog na tulog sa buong biyahe si Raizle dahil sa sobrang pagod. Alalay lang din ang pagmamaneho ko, baka kasi magising siya o maalog sa biyahe. Hindi rin ako sanay mag drive ng ganitong dis oras na ng gabi.
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomansaIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...