VOCAL #13

137 1 3
                                    


"Ano si Raizle may kahalikang babae?!" Halos malaglag ang panga ni Jameah nang sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa kahalikang babae ni Raizle.

Napakamot ako sa ulo. "Oo nga, Jam! Paulit-ulit tayo rito," nakasimangot kong sabi.

Dumukot ito ng isang pirasong fries at kinain muna iyon bago nagsalita. "Wait! Then who is the lucky girl?" naka arko ang isang kilay nito, may hawak itong fries at pinagduduro sa akin.

"Hindi ko alam. Basta nakita ko na lang si Raizle na may kahalikang babae–"

"Sa may rockwell, right?" aniya, pinutol ang sasabihin ko.

"Yup, kakasabi ko lang sa'yo. Don't make me repeat myself," inis kong sabi. Kumalumbaba ako sa lamesa niya dahil katabi ko lang siya sa gilid ko at naka upo sa kaniyang swivel chair.

Na kuwento ko sa kaniya simula umpisa kung paano ko nakitang may kahalikang babae si Raizle. Siinabi ko rin na nag text sa akin si Raizle that day na magkikita kami, hindi siya nag reply dahil nga may biglaang emergency raw siya. Well in fact, may kahalikan lang pala siyang babae sa meeting place namin.

I know I sounded so bitterly. Pero naiinis pa rin talaga ako until now.

"Edi alamin mo kung sino iyong kahalikang babae ni Raizle!" medyo tumaas ang boses niya habang sinasabi niya iyon.

Padaskol akong lumapit sa kaniya at tinakpan ang madaldal niyang bibig. Damn this girl! Napaka ingay! "Ang OA mo!" malakas nitong sabi, umiwas ito at inalis ang kamay ko sa bibig niya.

"Tanungin mo rin kasi si Raizle kung sino iyong kahalikan niya," sabi niya pa.

Parang ang daling gawin nang sinasabi niya sa akin. Iniiwasan ko nga si Raizle dahil ayokong umasa na may something special kami. Aminado pa naman ako sa sarili ko na may pagka assumera rin ako kung minsan.

Mamaya mabigyan ko pa ng konklusyon ang pagiging mabait niya sa akin at sa mga pangangamusta niya sa text.

Inirapan ko na lang siya. Mamaya may biglang pumasok at makarinig sa aming dalawa. Nandito pa naman kami sa headquarters ng club nila baka magulat ang mga tao na pinag-uusapan namin si Raizle.

"Kaya ka pala wala ka sa mood noong linggo! Broken pala ang mo ate girl," panunuyang sabi nito sa akin.

Nilingon ko siya at masamang tinapunan ng tingin. "Can you be serious at least once? Problemado na nga ako sa sarili ko tapos may gana ka pang mang-asar dyan!" inis kong sabi.

Lumapit ito sa akin at binulungan ako sa tainga, "Chill! Eto naman ang init ng ulo! Ano gusto mong gawin natin? Hanapin iyong babae na kahalikan niya?" Hindi ko siya pinansin.

Tumayo ako at kinuha ang isang supot ng burger sa tapat niya. Binuksan ko iyon at kinain ng mabilis.

Napahinto sa pagkain ng fries si Jameah. "Hoy burger ko 'yan!" sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Mabilis kong inubos at nginuya ang burger. "Gago ka talaga, Israh! Sabi mo sa'yo itong jolly spaghetti, eh!" maktol naman ng kaibigan ko.

Kinuha ko ang tumbler ko sa bag ang uminom doon.

Tinagilid ko ang ulo ko habang umiinom ng tubig. "Ayoko na ng spaghetti," sabi ko sa kaniya.

"Bwiset ka! Dinamay mo pa ang burger ko sa pagiging broken mo kay Raizle!" bulyaw niya sa akin.

"Hindi ako broken!" pagtanggi kong sab isa kaibigan kong nakapamewang na sa harap ko.

"Tigilan mo 'ko! You were so affected when you saw Raizle kissing another woman!" sigaw niya sa akin.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon