Naka itim na shades pa talaga siyang suot ngayon. Gulat na gulat naman ako masyado sa porma niya ngayon. O baka hindi lang siguro ako sanay na makita ulit siya sa personal?
Gusto ko siyang titigan ng matagal pero hindi ko magawa, ang gwapo niya masyado.
Kainis! Bakit ba ako nagpapadala sa kagwapuhan niya, alam ko naman na matagal na siyang gwapo at mabango. But today, he is now different. May nag-iba sa kaniya na hindi ko mawari. This is the first time na makita siya pagkatapos noong gabing iyon, mga kaganapan sa SU Fair.
Bakit ba ako kinakabahan na lapitan siya?
Nag-aalangan pa akong lapitan siya dahil kinakabahan ako. Pero masyado yatang mabilis ang mga mata ni Raizle at agad niya akong nahagilap nang tinanggal niya ang kaniyang suot na shades.
My knees are trembled. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pansinin at dedmahin na lang ang presensiya niya, o maglakad na lang ng mabilis palayo sa kaniya.
Na-estatwa na ako sa kinatatayuan ako at hindi ko na magawang makapag-isip ng maayos sa pagkakataong ito. Mabilis niya akong nilapitan.
Nagulat na lang ako nasa harapan ko na siya.
"Israh," malambing nitong sabi. What's in his voice?
"Ah- Raizle..." muntik na akong mautal.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. I did not expect to see him right now, at talagang sa parking lot pa talaga kami pinagtagpo. It's been a while since the last time na nag-usap kami. Well, he texted me naman pero ako lang itong hindi nag re-reply sa kaniya.
But I greeted him on New Year's Eve.
"Finally, I saw you again after that night," he replied.
"W-why are you here?" Bigla akong pinagpawisan ng malamig nang marinig ko ng buo ang boses ni Raizle.
Nakakapanibago siya makita ngayon. Aaminin ko, masaya naman akong makita siya ngayon, dahil nakikita ko naman na maayos na siya pagkatapos sa nangyaring issue nil ani Demi.
Raizle is back.
"Parking my car. I was surprised when I saw you here... I thought I can't able to talk to you anymore..." marahang sabi ni Raizle.
Naramdaman kong nanghihina ang mga tuhod ko. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, naninibago rin kasi akong kausap siya ngayon.
"I see..."
"Israh," tawag niya.
"Can I buy your time again?"
Nakita ko ang mga sunod-sunod na text sa akin ni Jam pagkasilip ko ng phone ko. May mga iilang missed calls din siya sa akin.
From: Jam the basher
Pick up your phone!
Ubos na 'yung kape ko kaya nauna na ako sa room!
Papasok daw si ma'am. Saan ka ba nagpunta?
Nag park ka lang ng sasakyan ko, hindi ka na pumasok?!
Where the fuck are you?!
Napasinghap na lang ako nang mabasa ko ang mga text messages sa akin ni Jam. Ramdam ko ang malalim na tingin ni Raizle sa harapan ko ngayon. Hindi naman ganoon kalayo ang pagitan naming dalawa, pero naamoy ko ang mamahalin niyang pabango.
"Bakit gusto mo 'ko kausapin?" tanong ko. Nilabanan ko rin ang mga tingin niya sa akin.
Malalim siyang huminga bago niya ako sagutin. "Can we go to a private place? If that's okay with you?"
BINABASA MO ANG
The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)
RomansaIsrah Lorielle Samonte admires Raizle Wallace Briones ever since high school. Israh really wants to be close to her all time favourite band. Just to get closer to her idols, she ventured to Manila to study at a popular and prestigious University whe...