VOCAL #11

130 1 0
                                    

"Israh, pwedeng paki abot naman itong mga flyers kay Janice? May next class pa kasi ako baka hindi ko siya maabutan, kailangan na raw niya 'to," sabi ni Clariza sa akin.

Member din siya ng Music Club at ka grupo ko sa pinagagawang project agenda sa amin ni Miss Haidee para sa nalalapit na fair.

"Sige bigay ko na lang sa kaniya 'to kapag dumaan ako mamaya sa headquarters," sabi ko at kinuha ang dalawang brown envelope na may lamang mga flyers.

Malawak itong ngumiti sa akin. "Thank you talaga, Israh! Bawi ako sa'yo next time!" sabi pa nito bago kumaripas ng takbo.

Hindi ko pa naman sigurado kung makakadaan ako sa headquarters mamaya dahil magkikita kami ni Primrose. Baka mamayang hapon ko pa ito maibigay sa kaniya. Wala naman akong gagawin masyado dahil araw ng sabado ngayon at pupunta rin naman ako sa headquarters mamaya.

Siguro ichat ko na lang muna si Janice na nasa akin 'yung mga flyers na na-iprint ni Clariza para sa upcoming fair. May kaniya kaniya kasi kaming group o committee na naka assign sa amin. Iba-iba bawat grupo ang gagawing project, depende kung saan ka naka assign.

Si Janice ang aming team leader sa Information Committee. Bale kami 'yung mag-a-announce kung sino ang mag peperform sa at mga sasali sa gagawin naming project. 'Yung flyers na binigay sa akin ni Clariza, ito 'yung ipopost namin sa bulletin board at ibibigay sa mga students para mag promote.

Medyo busy rin si Janice at mahirap hagilapin kaya mas mabuti pang ichat ko na lang siya sa group chat namin.

Info Commitee

Israh Samonte: @Janice Mendoza sa akin mo pala hanapin 'yung mga flyers, binigay sa akin ni Clariza.

Walang nag seseen sa group chat namin. Baka may klase pa ang iba at mga busy.

Nilagay ko sa bag ko 'yung mga flyers para hindi ko malukot. Dadaan na muna siguro ako sa locker area para ilagay itong mga ibang gamit at libro ko sa locker ko. Ang bigat na kasi ng bag ko at baka magusot pa iyong mga flyers.

Sa sobrang dami kong iniisip muntik ko ng makalimutan na may pasok pa pala ako mamayang ala una. Akala ko ay wala na akong gagawin.

Mga alas tres ko na siguro ito mabibigay kay Janice. Chat ko na lang ulit siya mamaya.

Wala masyadong tao sa corridors dahil may mga klase. Kakatapos lang kasi ng klase ko kanina nang makasalubong ko si Clariza sa corridor. At hindi pala pasok ang isa kong prof tuwing sabado. May pinagagawa lang na mga activities na kailangan ipasa on time.

Ganoon siguro kapag nasa college ka na. Minsan walang mga professors ang pumaposk. Hindi rin kasi spoon feeding pag nasa college na, hindi tulad noong high-school.

Nakarating na ako sa locker ko para ilagay 'yung mga gamit ko. Muntik na ako mapatalon sa kinatatayuan ko nang bigla may nag vibrate sa bulsa ko.

Nagtext pala si Raizle.

From: Raizle

You don't have class today?

Nanliit ang mga mata ko nang mabasa ko iyon. Pero hindi ko maitago ang kaunting silay na ngiti sa aking labi.

Mabilis akong nagtipa para replayan siya.

To: Raizle

Hmm... later

From: Raizle

What time? Be specific, Israh.

Bahagya akong napahagikgik nang mabasa ko ang format ng pagkakatext niya sa akin. Na turn on naman ako dahil bukod sa tama ang spelling ng pangalan ko ay tama rin ang mga punctuation niya. Very formal!

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon