VOCAL #23

153 2 6
                                    

Hello! Now lang ulit nakapag-update dahil ang daming ganap sa life. Hihimlay na yata ako this 2nd sem namin huhu. Anyway, salamat po sa nga taong nababasa kung mayroon man po. Happy reading!

Hindi ko na namalayan ang sarili ko na nasa loob na ng sasakyan ni Raizle, ni hindi ko naramdaman ang mga paa ko na naglalakad kanina. Tila ako nakalutang at wala sa sarili habang kinakausap ako ni Raizle.

Literal na hindi ako makapag-salita pagtapos niya sabihin ang mga salitang iyon. Basta ang huli ko na lang naalala ay ang paghila sa akin ni Raizle papunta sa kotse niya.

I was startled to speak to the point where I couldn't put words together. Hindi maintindihan kung ano ba dapat ang maramdaman ko, kinakabahan na parang gusto ko nang mag back-out sa mga pagkakataong ito.

Dumagdag pa sa isipan ko ang paglapat ng palad niya sa aking balat kanina habang hila-hila niya ako.

At hindi ko na rin mabilang pa kulang ilang beses ako lumunok ng laway ko habang nasa loob ako ngayon ng sasakyan niya, hindi ako makapag focus—naamoy ko 'yung pabango niyang amoy mamahalin.

Kingina. Hindi ako makahinga sa loob ng sasakyan niya. Hindi dahil sa matapang na amoy ng sasakyan niya, pero parang mahihimatay ako sa kaba.

Wala rin akong ideya kung saan ako dadalhin ni Raizle, basta sumama na lang ako sa kaniya na wala sa sarili at lutang. Para akong naging isang lobo na puno ng hangin kanina habang hinahayaan si Raizle na tangayin na lang ako.

Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

Paulit-ulit ko pa rin naririnig sa utak ko ang mga sinabi ni Raizle.

Talaga bang may gusto sa akin si Raizle? Si Raizle na matagal ko ng crush at idol simula high-school ako?

Totoo ba talaga nangyayari ito sa kasalukuyan ng buhay ko? O baka nanaginip lang ako ng gising? Pero paano nangyari iyon? Alam niya ba na may gusto ako sa kaniya?

Sumulyap ako ng tingin kay Raizle habang nag ma-maneho siya, hindi ko magawang titigan siya ng matagal. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon, halo-halo na rin ang mga nararamdaman ko.

Suminghap ako ng ilang beses at lumunok din ng maraming beses. Hindi ako makap focus ng iniisip dahil naamoy ko talaga ang pabango niya sa loob ng sasakyan niya.

Mga kinse minuto na rin siyang nag ma-maneho at walang kibo. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin.

I hate dead air... Mas lalong awkward kapag ganitong walang gustong magsalita. Hindi tuloy ako kumportable.

Tumikhim muna ako ng maraming beses bago magsalita.

"R-Raizle..."

"Israh."

We said it in chorus. Damn. Kinakabahan ako lalo ng malala, anytime mag pa-palpitate na ako.

"You go first," sabi niya.

"Sige, ikaw muna..." pabalik kong sabi.

"I've already said what I wanted to say."

Nakatingin siya sa akin habang sinasabi niya iyon, samantalang ako ay hindi ko magawang tumingin sa kaniya pabalik. Pakiramdam ko manginginig ako sa kaba.

"S-sige..." my voice is shaking.

Wala naman talaga akong gustong sabihin kay Raizle, kung mayroon man ay hindi ko na rin maalala. Masyado pa rin akong nagulat sa mga kaganapan.

"What do you want to say, hmm?" He's using again his bedroom voice for real!

"A-ano... saan ba tayo pupunta?"

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon