VOCAL #12

123 2 0
                                    


Tulala akong sumakay ng tricycle pauwi ng dorm, muntik na ako lumagpas ng dorm dahil sa sobrang pag-iisip ko sa nakita ko kanina. Kahit anong gawin ko hindi mawala sa utak ko kung sino 'yung kahalikang babae ni Raizle sa rockwell.

Hindi pa rin nag rereply si Raizle sa text ko. Pagkadating ko sa dorm ay nakapatay pa ang mga ilaw, mukhang nauna pa akong umuwi kay Jameah. Panigurado ay abala iyon sa club nila.

Padaskol kong ibinaba ang aking bag at iba kong dala. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman kahit na hindi ko naman dapat itong maramdaman.

Dumiretso ako sa kama ko at humiga roon, hindi na ako nag atubiling magpalit ng damit. Walang gana akong tumitig sa kisame at muli inalala ang mga nakita kanina.

"Tangina bakit ba ko umiiyak?" sabi ko sa sarili ko, sabay pinalis ang mga luhang umaagos sa aking pisngi.

Kada pumipikit ako naalala ko lang kung paano yapusin at hawakan ni Raizle ang likod ng babae. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan sa nadatnan ko. Hindi pwede, hindi dapat, hindi ko dapat ito maramdaman.

For God's sake! I am just one of his thousands of fans. Kaya wala akong karapatan na masaktan o makaramdam ng ganito sa dibdib ko. Mali ang magselos ako sa babaeng kahalikan niya.

Hindi ko alam na may girlfriend si Raizle. Wala naman ako nababalitaan sa TV o sa mga kumakalat na balita na mayroon siyang rumored girlfriend.

Napahawak ako sa dibdib ko, sobrang lakas ng pintig ng puso ko... parang sasabog na. Para akong sinasaksak ng libo-libong punyal sa aking dibdib. Muli koong ipinikit ang aking mga mata pero ganoon pa rin ang nakikita ko.

Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naalala ko lang si Raizle at ang kahalikan niyang babae.

Nasa gitna ako ng pag e-emote nang bigla nag ring ang cellphone ko. Kinabahan pa akong para tignan kung sino ang tumawag. Akala ko si Raizle na, si Jameah lang pala.

Sinagot ko ka agad ang tawag niya. "Jameah," mahina kong sabi.

"Nakauwi ka na ba?" tanong niya.

"Oo, kanina pa..." paos kong sabi.

Wala ako sa ganang kumausap ng kahit sino. Pero kailangan kong sagutin ang tawag ng kaibigan ko. "May sakit ka ba?" nagtatakang tanong niya sa kabilang linya.

"Wala," agap ko.

"Bakit parang may sakit ka? Parang paos ka, ang hina ng boses mo," aniya.

Umiling ako. "Pagod lang ako..." malungkot kong sabi. Tila maiiyak na naman ako! Kahit kausap ko si Jameah sa telepono ay naalala ko pa rin ang nakita ko kanina.

Mas lalo akong nalulungkot.

"Sigurado ka?"

"Oo," agad kong sabi. Kahit na parang basag na ang boses ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak.

"Teka umiiyak ka ba? Bakit parang iba 'yung boses mo?" mausisang tanong niya pa.

"Wala... biglang lang sumama ang pakiramdam ko," alibi ko sa kaniya.

Damn! Kakasabi mo lang na wala kang sakit tapos ang idadahilan mo masama ang pakiramdam mo. Ang bobo mo sa part na iyon, Israh!

"Sabi mo wala, ayos ka lang ba talaga?" ani Jameah, "Uminom ka na agad ng gamot. Mamaya pa ako uuwi, may tinatapos lang kami rito."

"Oo ayos lang ako, Jam. Huwag ka mag-alala... Kulang lang talaga ako sa tulog kaya wala akong energy... pagod lang siguro ako," paliwanag ko sa kaniya.

Nagpaalam na ako sa kaniya na matutulog ako ng maaga. Pagkababa ko ng tawag sa kaniya ay bumangon na ako para magpalit ng damit.

Marami dapat akong gagawin ngayong gabi pero dahil nga nawalan ako ng gana, wala na akong motibasyon para gawin pa. Siguro bukas ko na lang gagawin ang pinagagaw sa akin ni Janice.

The Vocal Enthusiast (Algorithm Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon