Veintiocho
"Nurse Aura, pwede bang pumunta ka sa room 329?" Sabi sa akin ng head nurse.
329? Hay.. Naalala ko nanaman tuloy si Migi dahil sa room number na iyon. Iyon kasi ang room number niya dati nung nasa ospital pa siya. Bakit kaya hindi pa yun nagpapakita sa akin? Ilang taon na ang nakalipas ah? Kahit man lang mangamusta o ano. Pero baka ayaw na niya talaga ako makita kaya hindi siya nagpaparamdam sakin. Nakakalungkot isipin kung ganun nga.
Tumingin ako dito. "Uhm, sige po."
May iniabot siya sa aking chart na agad ko namang tinaggap. "Check mo lang yung kalagayan nung pasyente for updates. Bata 'yan ah. Si Nurse Trinity dapat ang gagawa nito kaso namumutla at nahihilo ito ngayon."
Tumango lang ako at pinuntahan na yung kwarto. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Nadatnan ko doon ang isang cute na batang babae na tantya ko ay nasa sampu pataas ang edad at ang napakagandang nanay ata nito na mukhang may kaya talaga sa buhay dahil sa klase ng damit na suot nito.
"Good afternoon po. Check lang po natin si baby girl." Masayang bati ko sa kanila.
Ngumiti ang mama nito sa akin pero inirapan lang ako nung bata. Aba, mukhang maldita ata itong batang 'to.
"Sure, nurse. By the way.. Maiwan ko muna kayo saglit kung pwede? May kukuhanin lang ako sa sasakyan. Hindi kasi ako makalabas dahil walang maiiwan na bantay kay Kelsey. Umuwi kasi yung yaya niya muna para kumuha ng damit." Aniya.
"Sige po, ma'am. Ako po muna bahala sa anak niyo." I smiled at her.
"Thank you, nurse. Oh baby, pakabait ka kay nurse ah! Saglit lang si Mommy." Hahalikan niya sana noo ang cute na batang babae na tinawag niyang Kelsey ngunit umiwas ito na bahagya ko namang pinagtaka.
Nahihiyang ngumiti nalang ito sakin at naglakad na palabas. Pagkalabas ng Mommy niya at sinumulan ko ng i-check ang vitals niya. Okay naman na ito. Nagkaroon kasi ng mataas na lagnat ang bata, buti nalang at hindi ito dengue.
"Hello, Kelsey! Ako nga pala si nurse Aura! Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko.
"I'm fine." Masungit na sagot niya. Nako mukhang tama nga talaga ang hinala ko, may pagkamaldita ang bata.
Imbes na patulan ko siya ay mas lalo akong naging mabait sa kanya. "Mabuti naman kung ganun. Ang ganda ganda mo naman. Mana ka sa Mommy mo!" Puri ko habang nagchecheck ng lagay niya. Maganda naman talaga ang batang ito. Pwede siyang maging artista pag laki.
Nagulat ako ng irapan niya ako. "Hindi mo pa nakikita ang Mommy ko."
Nagugulahan na tinignan ko siya. "Huh? Eh 'diba Mommy mo yung kanina?"
Nakita kong nagsisimula ng mamula ang mga mata nito. Mukhang paiyak na. Jusko po! Anong bang ginawa ko?!
Kung kanina nagulat ako sa pagirap nito sa akin, ngayon mas lalo akong nagulat sa sinabi nito. "She's not my real Mom! My Mom's dead already!"
So ibig sabihin hindi niya totoong Mommy yung kanina? Kaya pala umiwas siya ng hahalikan siya nito.
Nilapag ko ang hawak kong chart at umupo sa kama niya. I caressed her cheek. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi niya. Namumula na ang ilong nito at nakalabi. Ang cute cute talaga. Hindi ko mapigilan huwag manggigil.
"Wag ka ng umiyak, baby. Sige ka, malulungkot si Mommy mo."
"Paano siya malulungkot eh she's dead already? She can't see me anymore." Bakas sa mga mata nito ang sobrang lungkot.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...