Sisenta Y Tres

144K 2.3K 98
                                    

Sisenta Y Tres

Aura

Almost half a year later...

"Bestfriend! Hindi ako makapaniwala na malapit na akong umalis ng bansa!" Nakangusong sabi ni Yenny habang kausap ko sa video call.

Natatawa ako sa pagdadrama niya. Aalis na kasi siya in about almost three weeks time. Ang bilis ng panahon. Mag aanim na buwan na pala akong umalis ng Manila para magtrabaho dito sa Siquijor.

"Sus! Drama drama ka dyan. Ang tagal mo na kayang iniintay na dumating 'yang araw na 'yan 'no.." Nakangisi kong sabi sa kanya sabay yakap sa unan na nasa gilid ko.

Sumibangot ito. "Eh! Mamimiss ko kaya kayo.. At saka medyo kinakabahan ako 'no! Hindi ko alam kung paano ang buhay abroad. First time ko kaya! Sabi nila mahirap daw e.."

Huminga ako ng malalim sabay ngiti. "Mamimiss ka din naman namin syempre pero kaya mo 'yan. Sa una lang mahirap 'yan. Kalma ka lang! I believe in you.."

Ngumiti na din ito pabalik. "Hay.. Sige na nga. Kakalma na ako. Nga pala.." She paused for a bit and then looked at me with a hint of hesitation.

"Napatawad mo na ba si you know? It's been almost half a year na kaya since you last spoke to him.." Yenny curiously asked sabay angat ng isang kilay.

Natigilan ako sa tanong niyang iyon saglit. Hindi ko alam ang sagot, ata? Napatawad ko na nga ba siya ng buong buo? Iyong tipong wala ng natirang masamang pakiramdam sa puso ko?

I shrugged my shoulders nonchalantly. "H-Hindi ko alam sa totoo lang.. Siguro??" Patanong kong sabi.

Nagulat ako ng bigla itong ngumisi. "Napatawad mo na yun. Kilalang kilala na kita kahit na hindi mo sabihin. Sa screen lang kita nakikita but I saw in your eyes that you're longing for him and you're still so in love with that man."

Nagkibit balikat ulit ako. Hindi ko alam. Pero tama nga si Yenny. Namimiss ko na si Miguel. He still owns my heart. May mga panahon nga na bigla na lang ako nalulungkot tuwing naaalala ko siya at iyong mga masasayang alaala namin nung bago pa man gumulo ang lahat.

Minsan pa nga ay napapa senti mode ako lalo na pag gabi habang nakatingin ng malayo sa dagat. Tabing dagat kasi ang bahay nila Nanay Marita, iyong mama ni Mrs. Roces. Namatay ang asawa nito last last year kaya na depressed ang matanda. Bumagsak tuloy ang katawan nitong ayos naman dati kaya kinailangan na nito ng personal nurse.

"Okay ka na ba? Iyong okay na okay na? Yung totoo, ha.." Dagdag na tanong ni Yenny in a don't lie to me 'cause I will know tone.

I nodded my head slowly and this time, I gave her a genuine small smile. "Oo naman. Okay na ako. Okay na okay na ako.."

Totoo iyon. Kung may isang bagay na sigurado na ako sa sarili e iyon ang katotohanan na naka moved on na ako sa mga nangyari. Alam kong sasabihin ng iba na mabilis pero iba't iba naman ang recovery period ng bawat tao. Nataon lang na nakatulong talaga sa akin ang paglayo at pag stay sa napaka gandang lugar na ito.

New environment. Friendly locals. A beautiful place. Sariwang hangin.

Siquijor is definitely love. Nagiging kilala na din ang lugar pero hindi pa naman gaano ito dinadayo unlike the other islands nearby. Hindi ito nakakatakot gaya ng sinasabi ng iba dahil kilala ang lugar na ito sa witchcraft pero hindi naman. Wala pa naman akong namemeet na gumagawa nun e.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon