Veintiuno

178K 3.6K 221
                                    

Veintiuno

"Aura? What happened to you? What took you so long?" Kunot noong tanong niya sa akin pag kabalik ko sa table namin.

Tipid akong ngumiti. "I'm sorry. M-Medyo sumama lang pakiramdam ko."

Sinabi ko nalang 'yon para hindi na siya magtanong ng magtanong. Hindi ko alam kung may isasagot pa ako pag nagtanong pa siya ulit.

Tumango lang siya at sinenyasan ang isang waiter ng bill out.

"L-Luke, pasensya na talaga." Nahihiya kong sabi. Ni hindi ko nga siya matignan sa mata. Sa totoo lang ay gusto ko ng umalis. Para kasing may nagmamasid sa bawat kilos ko. Alam mo yung feeling na para bang may mga matang nakatingin sayo? Kanina pa kasi ako nakakaramdam ng pagka-ilang.

Nagulat ako ng ngumiti ito sakin. Akala ko kasi magagalit siya. "It's okay, my angel. Your health is more important than this date."

Dapat ba akong makonsensya? Hindi. Hindi dapat dahil kahit papaano ay may naganap namang 'date'. Yun nga lang, mukhang maagang matatapos ito. Pero okay na 'yon. Bayad na ako sa utang ko sa kanya. Sapat na 'yon para hindi niya ako sisantehin.

Pagkabayad niya ay agad niya akong inalalayan palabas at papunta sa sasakyan. Hinayaan ko na siya. Wala namang masama sa pagalalay. Ngunit mas tumindi ang naramdaman kong pagka-ilang at kaba mula sa kanina ko pang nararamdaman na nakatingin sa amin. Bago pa man kami makalabas ay nilibot ko ang paningin ko sa buong restaurant. Wala naman akong nakitang kakaiba. Siguro ay guni guni ko lamang 'yon. Nasobrahan ata ako sa kape kaninang umaga.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narating din naman agad ang building na tinitirhan ko.

"So.. Can we continue this again next time?" Basag niya sa katahimikan.

Nilingon ko siya at umiling. "S-Sorry, Luke pero wala ng next time. Sapat na siguro tong date na ito para makabayad ako sa utang ko. T-Tsaka nangako ka rin na pagkatapos nito ay wala na akong utang sayo. H-Hindi mo na ako sisisantehin."

Tumaas ang isang kilay niya. "Kelan ko sinabi 'yan?"

Nanlaki naman ang mga mata ko. Anong pinagsasasabi nitong lalaking ito?! S-So ibig sabihin hindi siya seryoso nung sinabi niya 'yon?! I-Ibig sabihin nagsinungaling siya sa akin?!

"L-Luke?!"

Nakita ko ang pagngisi nito sa naging reaksyon ko. Ginulo niya ang buhok ko. "Nah. I'm just kidding! Ikaw talaga! I'm not the kind of man na hindi marunong tumupad sa mga pangako."

Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko 'yon. Nakahinga din ako ng maluwag. Hay.. Buti naman nagbibiro lang siya kanina. Akala ko iba-black mail nanaman niya ulit ako.

"But.." Sumeryoso ang pananalita niya. "I can't promise you one thing."

Kumunot ang noo ko. "A-Ano naman 'yon, Luke?" I stammered.

He flashed his million dollar smile.

"I can't promise you that I will not court you after this."

What!? Tama ba ang pagkakarinig ko?! Akala ko ba pagtapos nito ay wala na?

"Luke, akala ko ba pagtapos nito ay wala na?!" Hindi ko napigilang wag tumaas ang boses ko.

He just laughed. "My angel, I won't black mail you anymore. Tapos na 'yon. Ibang usapan na ito. You know what? I really like you. That's why I've decided to court you. You can't do anything about it anymore."

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon