Treinta Y Siete

155K 2.8K 46
                                        

Treinta Y Siete

Girfriend? Tama ba ang narinig niya? Tinawag siyang girlfriend ni Theo? Habang naglalakad papunta sa kung saan man ay hindi niya maiwasan wag mag kunot ng noo.

Huminto siya sa paglalakad.

"G-Girlfriend?" Mahina niyang tanong na mukhang narinig naman ni Theo.

Tumigil din sa paglalakad si Theo at nakangiting tumingin sa kanya.

"Yeah." He breathe.

Sinulyapan ni Aura ang lalaki. Nagtaka siya sa sinagot nito. "B-Bakit mo naman s-sinabi 'yon? H-Hindi mo naman ako girlfriend." Naiilang na aniya.

Tumawa lang ito at nagkibit balikat. Nagsimula na rin ito lumakad ulit.

Bumilis ang tibok ng puso ni Aura sa inakto ni Theo. Kanina nga ay halos himatayin siya ng sabihin nito na girlfriend siya ng lalaki. Over man pakinggan pero 'yon talaga ang naramdaman niya.

"Theo, wag ka namang ganyan. Ayoko na makita ang sarili ko na mahulog nanaman sa isang bagay na alam kong walang tutulong sa akin para makaalis doon." Sabi ni Aura sa kanyang isipan.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumunod kay Theo. Hindi niya kasi alam kung paano haharapin ito ng hindi siya maiilang. Lalo na at nangyari yung kanina. Pero naisip rin niya na hindi pa siya nagpapasalamat dito sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya kaya no choice siya kundi sumunod dito.

Sumakay silang dalawa sa sasakyang dala ni Theo at umalis na sa lugar na 'yon. Himala at hindi iyong motorbike niya ang dala niya.

Huminga si Aura ng malalim bago nagsalita. "S-Salamat sa pagtanggol mo sa akin kanina."

Sumulyap si Theo saglit sa kanya at binalik ang tingin nito sa daan. "No problem."

Ayun lang at wala na ni isang nagsalita sa kanila. Hindi namalayan ni Aura na nasa tapat na pala sila ng building ng tinitirhan niya.

Bago siya bumaba ay nagpasalamat siya ulit dito. Pero bago pa 'man niya mabuksan ang pinto ng sasakyan ay may sinabi si Theo dahilan para mapalingon siya dito.

"Don't trust anybody, Aura. Just don't." Seryosong sabi nito na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Nagtatakang nakatingin lang siya sa lalaki. Napalunok din siya dahil sa sinabi nito.

"A-Ah, o-okay. Salamat ulit." Nauutal na sagot niya at bumaba na ng sasakyan. Hindi na kasi niya kinaya ang tensyon na bumabalot sa loob nun. Bakas kasi ang sobrang pagiging seryoso ni Theo sa binilin niya.

Don't trust anybody? Ano ang ibig nitong sabihin? Tsaka bakit naman ayaw nitong magtiwala siya kahit kanino?

Naiiling na pumasok nalang si Aura sa building. Hay.. Nawiweirduhan na talaga siya sa inaakto ni Theo. Sumasakit ang ulo niya dahil sa dami ng mga nangyari sa araw na ito.

Hindi nalang muna niya iisipin ang mga iyon. Itutulog na lang muna niya dahil ramdam na rin niya ang sakit ng anit niya dahil sa pagsabunot ng nababaliw na girlfriend daw ni Luke. Pero pinakatumatak talaga sa sistema niya ng sabihin ni Theo na siya ay girlfriend nito. Aminin man niya o hindi ay nakaramdam talaga siya ng kilig. Yung tipong may mga insekto na lumilipad sa tiyan mo? Nako marahil nababaliw kana talaga, Aura.

Ilang araw na ang lumipas pero ni isang beses ay hindi na nagparamdam ulit sa kanya si Theo. Ayaw naman niya itong itext o tawagan dahil baka magmukha siyang babaeng patay na patay dito. Pero inaamin niya na namimiss na niya ang lalaki. Kahit pa naiinis siya dito dahil mukhang walang balak magparamdam sa kanya ito.

My Billionaire Patient (TLS #1) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon