Treinta Y Nueve

139K 2.8K 100
                                    

Treinta Y Nueve

"Stable na ang kondisyon ng pasyente, Aura. Mabuti na lang at walang tinamaan na kahit anong internal organ ang bala. So rest assured na magiging maayos ang lagay niya at kailangan lang niyang magpahinga." Paliwanag ng isang babaeng doktor kay Aura pagkalabas nila ng kwarto.

Kakarating lang nila ni Theo sa ospital na pinagdalhan sa kanyang Nanay. Pinuntahan niya agad ang kwarto nito. Naabutan niya doon ang mabait nilang kapit bahay at si Abby. Hindi na napigilang maiyak ni Aura ng makita ang lagay ng Nanay niya.

"S-Salamat po, dok. M-Maraming maraming salamat!" Aniya sa babaeng doktor na katrabaho niya noong nagtatrabaho pa siya sa ospital na 'yon.

Nakahinga na siya ng maluwag. Mabuti na lang talaga at ganon lang ang nangyari sa kanyang ina.

Ngumiti lang ito at nagpaalam na. Nakahinga ng maluwag si Aura sa ibinalita ng doktor. Napaupo siya sa upuan sa gilid. Tinabihan ni Theo si Aura at hinawakan ang nanlalamig niyang kamay.

"See.. I told you that your Mom's going to be okay." Theo sweetly smiled at her. Yung klase ng ngiti na makakatunaw sa buong pagkatao mo.

Ginantihan ni Aura ang ngiti na 'yon. "Maraming salamat din, Theo. Kung hindi mo ako tinulungan malamang nasa byahe pa rin ako papunta dito."


"Always remember that I will gladly help you anytime and anywhere. I'm your knight in shining armor, nurse Aura." He chuckled lightly.

Natatawang naiiling na lang siya sa sinabi nito. "Tara. Papakilala kita sa kapatid ko." Pag yaya ni Aura kay Theo.

He nodded. Tumayo sila at pumasok na ulit sa loob ng kwarto.

Naging maayos naman ang pagpapakilala ni Aura kay Theo sa kapatid niya. Bakas ang pagkatuwa ni Theo sa kapatid niyang si Abby. Pinauwi na 'rin ni Aura si Aling Mercy para magpahinga dahil ang laki laki na ng naitulong nito sa kanyang pamilya.

Kasalukuyan silang nasa kwarto at binabatayan ang Nanay niya. Nagkikipaglaro naman si Theo kay Abby sa isang tabi. Hindi niya maiwasang wag mapangiti sa nakikita. Bihira na lang din kasi ang mga lalaking tulad ni Theo na mahilig sa mga batang tulad ng kanyang kapatid.

"A-Anak.." Agad na napatingin si Aura sa Nanay niya ng marinig niya ang boses nito.

"Nay!" Dali dali siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay. Sumunod naman si Abby at tumabi sa kanya.

"O-Okay lang po ba kayo? Wala bang masakit, 'nay?" Nagaalalang aniya. Hindi niya mapigilang wag mapaiyak.

Mahinang tumawa ang kanyang Nanay. "O-Okay lang ako, anak. W-Wag ka ng umiyak dyan dahil ang pangit mong umiyak." Nagawa pa nitong magbiro kahit na medyo mahina pa 'rin ang katawan dahil sa nangyari.

Napanguso siya. "Nay, naman e! Nagawa pa akong asarin!" Marahas niyang pinahid ang kanyang luha. Humalik naman si Abby sa pisngi ng Nanay nila.

Napahinto siya sa pag punas ng sariling pisngi ng magsalita ang ina.

"S-Sino siya, anak?" Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa may bandang likuran niya.

Napatingin si Aura doon at binatukan ang sarili sa isipan dahil nakalimutan niyang nandoon si Theo.

"A-Ah.." Nahihiyang ngumiti siya at sinenyasan si Theo na lumapit.

Pagkalapit nito ay ngumiti muna ito sa kanya bago bumaling sa Nanay niya. Nagmano agad ito sa kanyang ina.

"S-Si Theo po pala, 'nay. S-Siya po iyong tumulong sa akin para mas mapadaling makapunta dito." Nag iwas siya ng tingin dahil nag init nanaman ang kanyang mga pisngi sa ngiting iyon.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon