Capítulo Especial III
Tagapagsalaysay
Galit na galit na bumaba si Klaus sa kanyang sasakyan at padabog na isinara ang pinto ng kanyang itim na Ferrari Spider. Wala na siyang pakielam kahit na mabasa siya ng ulan na parang may bagyo sa bigat ng buhos.
He badly needed to confront this girl dahil nakita niya itong hinahabol ang sasakyan niya.
Klaus looked at the crying girl infront of him. Basang basa ito sa ulan at tahimik na humihikbi habang pagod na pagod na hinabol ang sasakyan ng lalaki.
"What is your problem, Chesi? How many times do I have to tell you na hindi kita gusto at tigilan mo na ang kakahabol sa akin?!" His eyes looked at her with so much darkness and hatred.
The girl didn't respond, instead she looked down and continued crying her eyes out dahil hindi na niya mapigilan ang sobrang sakit na nararamdaman.
Mabuti na lang at walang ibang tao kundi silang dalawa lang. They are currently at Chesi's university open grounds. Mag gagabi na kaya wala na halos tao sa university.
Dumaan dito si Klaus para ibalik ang isang snow globe na may dalawang cute na penguin figurine, may isang lalaki at isang babae na naka winter hat at scarf na magkayakap. May naka engraved din na "Klaus and Chesi" habang tinutugtog ang kantang, Edelweiss, pag inikot mo ang winding key nito. Isa ito sa nareceive niyang regalo na pinadala sa kanyang opisina kanina dahil birthday ng lalaki ang araw na ito.
Late na pumasok ng opisina si Klaus ng araw na ito kaya hindi na nahintay ni Chesi ang lalaki dahil may morning class pa siya. She decided to just leave it in his office desk. Hindi na kasi nakatira si Klaus sa family house nila. Hindi din alam ni Chesi kung asan nakatira as of the moment si Klaus dahil tuwing nalalaman niya ay agad itong lumilipat ng bahay. Hindi din alam ng bestfriend niya na si Saab kung asan dahil alam ng Kuya niya na sasabihin lang ni Saab ang address sa kanya.
Alam naman nila na kulang na lang mag pa restraining order si Klaus para lang hindi niya ito magulo at hindi siya nito makita pa.
"You know that this will cause chaos between our families if they learned about this, right? Gusto mo bang masira ang pagkakaibigan ng nanay ko at nanay mo? I'm just here 'cos I want to give back the music box. I don't want it." Klaus firmly said with darkness laced in his tone. He shook his head and took a deep breath.
Hinawakan niya ang balikat nito ng mariin ng mapansin ang hindi pag imik. "Listen, you are a beautiful girl. A good girl, Chesi.. So many men out there will come running for you..." He looked away. "But not me, Ches, not me. I only see you as my little sister and you are fully aware that my heart is already taken by someone else. Can you please accept that? Stop making this hard for everyone." Klaus pleaded with firmness in his tone.
Chesi lifted her beautiful crying face and met his dark gaze. Bakas sa mga mata nito ang pagkatalo ngunit nagawa pa din niyang bigyan si Klaus ng isang maliit na ngiti bago magsalita.
"I.. love you, Klaus. Kahit kelan hindi naging Kuya ang tingin ko sayo. Hindi ko kasalanan kung bakit ikaw ang nagustuhan nito." She harshly patted her hurting and bleeding heart. "Kahit na ilang beses mong sabihin 'yan, I won't stop. I will never stop, Klaus..." Umiiyak at determinadong sabi nito sa lalaki.
Sasagot na sana si Klaus ng putulin ni Chesi ang kung ano mang lalabas mula sa kanyang bibig.
"No! You listen, Klaus!" She harshly removed his hands from her shoulders.
"I will only stop loving you when this.." She pointed at her heart. "... stops beating." Chesi declared with all her heart.
Klaus just continued looking at her eyes. Walang mabasa sa mga mata ng lalaki kundi awa at galit. Galit dahil sa kakulitan niya. Ayaw na ni Klaus mag salita at baka may masabi pa siya dito. Tama na siguro ang mga sinabi niya dahil hindi na din niya alam ang gagawin o sasabihin para tigilan siya ng babae.
Magkalipas ang ilang segundo na walang umiimik sa kanilang dalawa ay napagpasyahan na ni Chesi na ilapag ang hawak na snow globe sa harapan ni Klaus at dali daling tumalikod. Hindi niya na kasi kaya ang sakit at kahihiyan na nararamdam niya at that moment.
Oo, alam niya sa sarili niya na para siyang tangang habol ng habol sa isang taong hindi siya gusto. Pero hanggang sa huli, kailangan niyang magkaroon ng dignidad para sa sarili.
She's the Franchesi Ylina Dela Merced for goodness sake! Ang dami daming nagkakagusto sa kanya, from heirs to CEOs to sons of politicians and famous celebrities, you name it.
But here she is, crying and begging for someone to love her like how she loves him. Pero anong magagawa niya? Kung natuturuan lang ba ang puso na piliin kung sino ang mahalin nito eh matagal na niyang sana nagawang palitan si Klaus dito.
She will not stop and she will prove him wrong. Iyan ang promise niya sa sarili.
Darating ang araw, ikaw naman ang iiyak sa isang Chesi... Klaus Lorenzo Buenavista.
Hi! This is my short special update to thank my readers! I'll be back soon!! Hope you enjoyed this.
(THIS CHAPTER IS UNEDITED)
![](https://img.wattpad.com/cover/14704862-288-k677812.jpg)
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...