Cincuenta Y Siete
Tagapagsalaysay
Weeks passed by so quickly. Theo is currently with Gregory, discussing important things.
"Boss, ayos na po ang lahat. Naipadala na namin ang mga invitations niyo." Ani ng kakauwi lang galing probinsya na si Gregory.
Isinandal ni Theo ang likod sa kanyang swivel chair. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi bago nagsalita.
"Good. Did you make it a special delivery to Luke?" Tanong niya dito.
His assistant slash bodyguard nodded. "Yes, boss. I personally delivered it to his office. Ang secretary niyang si Grace ang tumanggap nito."
Pinagsaklop ni Theo ang dalawang kamay at tinanguan na lang ito.
"Boss, nga pala. Pinapasabi ni Detective na ayos na ang lahat. Hawak na natin ang lahat ng kakailangan para mahuli si Mr. Saavedra, just say the word, boss. Handang handa na kami para sa kanya." Sabi nito sa kanya.
"Hmm.. Yes. Mangyayari ang lahat ng 'yon sa gaganaping anniversary party ng kumpanya." He grinned evilly. "No one knows kung kanino ipapasa ng ama ko ang Buenavista Group of Companies and no one will know na doon na din gaganapin ang pagpapasa. It will be the party of the century. I'll make sure of that." Madiin na dagdag ni Theo.
Oh, yes. Alam ni Theo na aabangan iyon ng mga taga business world. Media will go crazy at this event especially that his family's empire is no joke. His family belongs to one of the top ten richest families in the Philippines. Naisip niya na i-sakto na lang din ang party sa 80th anniversary ng kumpanya ang pagpapakilala.
Nung namatay daw si Miguel ay pinagpyestahan ito ng mga taga media. Walang araw na walang media na umaaligid sa fake burol nito.
Mag mula na din kasi ng mangyari iyon ay usap usapan na sa mundong kinakagalawan nila kung sino na ang magiging tagapagmana ni Enrique Buenavista lalo na't only child ito at ang namayapa na niyang asawa.
Exaggerated as it may seems, it will be a big blow on Luke and Scarlett's faces. Of course, Theo didn't forget to invite that bitch. Knowing her, malamang ay hindi ito magpapatalbog sa gaganaping party.
Hindi na siya muli pang nakipagkita kay Scarlett. Kahit na kinukulit siya nito ng sobra sobra. He tried to avoid her like crazy but he still replies to her texts sometimes. Ayaw niyang maghinala ang babae. Palagi niya lang sinasabi na sobrang busy niya at matuto itong maghintay or else.
Madali namang masindak at mapaikot ito kaya para itong asong naging sunud sunuran kay Theo. A literal bitch. He thought.
Aura
Nagtatampo ako kay Theo. Nakalimutan na niya ba? O baka naman hindi mahalaga sa kanya ang araw na'to? First monthsary namin ngayon pero hindi pa siya nagpaparamdam ngayong araw na ito.
Tuluyan ko ng inalis sa isip ko ang possibility na iisang tao lang si Theo at Migi. Sobrang impossible kasi talaga. Maaaring may hawig ng kaunti pero magkaiba ang mukha nila e. Masyado lang madaming alam si Yenny kaya kung ano ano ang pinagsasasabi. Maluwag na ata talaga ang turnilyo ng utak non.
Pero bakit parang may parte sa puso ko na gustong paniwalaan 'yon? Hindi ko alam kung bakit pero may one percent chance na pwede itong mangyari.
Ay, ewan ko ba! Ayoko ng i-stressin pa ang self ko. Hindi niya 'yon magagawa sa akin. Mahal ako ni Theo at hindi niya ako sasaktan. Hindi niya ako lolokohin at pagmumukhaing tanga.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...