Cuarenta Y Nueve
Aura
Nagagalit ako at naiinis. Kanina pa namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak. Alam ko na wala akong karapatan pero nasasaktan ako. Ganito pala ang pakiramdam.
Kakalabas lang ni Yenny sa kwarto ko. May sinabi siya sa akin na ikinasakit ng puso ko. Nagtaka pa nga ako kaninang umaga dahil tahimik ito at mukhang may iniisip. Tapos sinabihan niya ako na may sasabihin daw siyang importante sa akin pag uwi namin.
Ayun na nga, ikwinento niya ang mga nakita niya kagabi. Ayoko nga maniwala agad pero hindi naman ako lolokohin ng bestfriend ko at mag iimbento ng kung ano ano. And besides, alam kong sobrang boto siya kay Theo para sa akin kaya bakit naman siya mag jojoke patungkol dun diba? It doesn't make any sense.
Medyo nagdadalawang isip nga siya nung una kung sasabihin niya ang mga 'to sakin pero hindi daw kaya ng konsensya niya. At saka mahal daw niya ako at ayaw niya akong masaktan in the future kaya dapat kong iyong malaman.
Huling kausap ko kay Theo ay kaninang tanghali. Nagriring ang phone ko ngayon pero hindi ko pa siya kayang kausapin ulit dahil naiinis talaga ako. Oo na, nagseselos ako at pilit kong iniaalis sa isip ko na mag isip ng masama patungkol kay Theo. Nangako ako na magtitiwala ako sa kanya pero ngayon pa nga lang ay parang sinusubukan na ako ng tadhana.
Pambihira talaga pero dapat ko iyong panindigan hangga't kaya ko.
Pinatay ko ang aking telepono. Nayayamot ako. Sabi ni Yenny ay babaeng may pulang buhok daw ang kasama ni Theo. May pumasok agad sa isipan ko kung sino 'yon. Siya lang naman ang may pulang buhok na umaaligid kay Theo.
Pakiramdam ko si Scarlett yung nakita ni Yenny kagabi na kasama niya. Aware na aware ako na type na type nun si Theo. Inaway pa nga ako nun nong minsan diba. Hindi ko makakalimutan 'yon kasi first time na may sumugod sa akin out of nowhere.
Pero bakit sila magkasama kagabi? Ang sabi ni Theo, magiging busy siya sa pag aaral ng ilang dokumento na may kinalaman sa trabaho niya tapos malaman laman ko na may kasama itong babae kagabi!?
"Kailangan mo talaga ako bigyan ng reasonable excuse, Theo." Inis na bulong ko sa sarili.
Dapat ko ba siyang tanungin ng derechahan o hayaan ko na muna na kusa siyang mag sabi sa akin at wag pangunahan? Pakiramdam ko ay dapat magkunwari muna ako na walang alam at ako mismo ang aalam kung ano ba talaga ang purpose ng pagkikita nilang 'yon.
Sabi ni Yenny na mukhang hindi daw aksidente ang pagkikita ng dalawa dahil hinatak daw ito ni Theo papunta somewhere. Niyakap at hinalikan pa nga daw nung babae si Theo in public.
Anong gusto niyong isipin ko diba? Sinong hindi magagalit at magkakaroon ng kaba sa dibdib na baka may itinatago ito at niloloko ka lang?
I don't want to jump to conclusions. Kailangan ko muna ng solid na ebidensya. Para hindi ako magmumukhang tanga pag nagkabistuhan na if ever man na may ginagawa talaga sila behind my back.
Sinasabi ni Theo na ako lang tapos meron pa palang iba on the side. Oh, diba? Nakakaloka at nakakagigil talaga. Hindi ako selosang tao pero hindi ko alam, pag dating kay Theo ay naging selosa ako bigla.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...