Cincuenta Y Cuatro

127K 2.4K 31
                                    

Cincuenta Y Cuatro

Aura

Kasalukuyan akong nasa condo ni Theo. Mag mula ng maging official na ang relasyon namin ay mas lalo itong naging sweet at clingy. Hindi naman ako nagrereklamo kasi binibigyan pa din niya ako ng personal space. Ganon din ako sa kanya.

Naliligo ngayon ang boyfriend ko. Galing kasi siya ng gym. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maganda ang katawan ng lalaking 'yon e. Adik sa pag woworkout. Napansin ko lang. Hindi ko siya pinagnanasaan 'no.

Nakaupo ako sa may living room ng penthouse niya at nagtitingin tingin ako ng mga pictures sa isang album na nakita kong nakaipit sa may book shelf niya. Na bored kasi ako kaya naisipan ko sanang kumuha ng libro at magbasa pero ito ang napansin ko.

Punong puno ng baby pictures ang album na hawak ko. Hindi ko maiwasan wag mangiti at manggigil. Ang cute cute kasi. Teka.. si Theo ba 'to?? Malamang siya 'to.

Napakunot ang noo ko ng mapagmasdan mabuti ang mga pictures. Bakit parang hindi naman niya kamukha iyong bata? Baka naman hindi si Theo 'to? Pero bakit nasa book shelf niya kung hindi siya 'to?

May kamukha yung bata pero hindi ako sure kung sino. Pamilyar na pamilyar iyong istura nito sa akin. Parang nakita ko na 'to dati.

Naguguluhan ako pero pinag patuloy ko pa din ang pag tingin. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa sarili ko. Nang mabuksan ko ang huling page ng album ay agad na nanlaki ang mga mata ko at napasinghap.

"M-Migi!?" Wala sa sarili kong ani. Bigla akong nanlamig sa nakita. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko for a while.

Bakit may high school graduation picture ni Migi si Theo!? Litong lito na ako. Paano.. siya nagkaroon ng picture niya? Wait, magkakilala ba sila o magkamaganak??

Agad kong sinira ang photo album at agad na binalik sa book shelf ng makarinig ako ng yabag sa kwarto ni Theo. Gustong gusto ko siya tanungin kung bakit pero nanatili akong tahimik.

Alam kong hindi ko pa lubusang kilalang kilala si Theo. Kahit nga patungkol sa pamilya niya ay hindi siya nagkukwento sa akin and yet here I am. His girlfriend already.

Madaming sikretong tinatago si Theo at aalamin ko 'yon. Kailangan kong alamin ang mga 'yon. Hindi pwedeng ganito! Kung ayaw niya sabihin sa akin ang itinatago niya, pwes ako mismo ang aalam nun.

"What happened to you? You look so pale.." Nag aalalang sambit nito at agad na naglakad papunta sa akin habang may twalya sa balikat.

Tinignan ko siya. Mata sa mata. "W-Wala.. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko.." I tried to smile at him pero hindi abot tenga.

Pinipigilan ko ang sarili ko na magtanong. Alam kong hindi ito magsasabi ng totoo sa akin. Malakas ang pakiramdam ko.

Ang mga mata ni Theo. Hanggang ngayon pala isipan pa din sa akin ang mga 'yon. Sobrang pamilyar ang mga mata niya. Sa totoo lang, kaparehas talaga sila ng mata ni Migi. Matagal ko ng napapansin iyon.

Hinagkan ni Theo ang noo ko. "You've been working so hard. Please get some decent rest, okay? I'm worried already." He whispered.

Napatango na lang ako. Kung alam mo lang Theo kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Hay.

"Opo. Promise." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mabilis siyang binigyan ng kiss sa lips. Kung dati ay nahihiya ako pag nagkikiss kami, ngayon ay iba na. Ako na minsan ang nauuna mag bigay ng halik sa kanya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon