Sisenta Y Dos
Aura
Sobrang sakit. Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi ng maayos. Para akong lasing kanina na hindi sigurado kung tama ba ang pinaggagagawa sa sobrang kalutangan ko.
I looked like a mess earlier. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao kanina. Hindi ko sila masisisi kung aakalain nilang takas ako ng mental.
Hindi ko inakalang magagawa niya ito sa akin. Sa dami ng taong pwede akong lokohin, bakit siya pa? Bakit si Theo pa or should I say, Migi?
Mabuti na lang at tulog na si Yenny ng makauwi ako. Hindi ko na muna kayang ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari ngayong gabi pag nagkataon. Binaon ko ang aking mukha sa unan ko at doon umiyak. Hindi pa ako nakakapagbihis. Gusto ko lang na mahiga at umiyak sa labis na sakit at bigat sa puso na nararamdaman ko ngayon.
"B-Bakit mo ako pinaglihiman at niloko, Theo? B-Bakit.." Hindi ko makapaniwalang sabi habang nanginginig ng husto ang boses.
Nang mag sink in sa akin ang lahat kanina ay rinig na rinig ko ang pagkadurog ng puso ko na para bang binato mo ng malakas gamit ang isang bato.
It shattered into millions of tiny pieces.
Alam kong hinabol ako ni Theo kanina pero natakot ako. Natakot akong harapin siya sa dami ng nalaman kong katotohanan ngayong gabi.
Natatakot ako na baka may masabi akong hindi maganda. Natatakot akong magalit ng husto sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong magawa kaya umalis na lang ako habang kaya ko pa ma kontrol ang aking sarili.
The fact that he was Migi all this time without me having the slightest idea na kasama ko na pala siya hurts so much. Siya din pala ang lalaking matagal kong hinintay sa pagaakalang babalikan niya ako. Siya pala ang lalaking una kong minahal.
I was even guilty tuwing naaalala ko si Migi bigla pag kasama ko si Theo. I was stopping myself from opening my heart to Theo at the beginning ng dahil sa pangako ni Migi na pinanghahawakan ko at ng dahil sa pagmamahal ko para sa kanya.
Na ayokong ibalik ang pagmamahal ni Theo hangga't mahal ko si Migi dahil gusto ko na pag ibinigay ko ang puso ko kay Theo ay buong buo na ito at wala na siyang kahati pa.
Wala din palang silbi ang guilt na nararamdaman ko dahil iisang tao lang pala silang dalawa. Hindi ko aakalain na siya din pala si Miguel.
Pinaniwala niya ako sa isang malaking kasinungalingan and I hate myself for believing and trusting this so-called new identity of his na ipinakilala niya sa akin. Ang galing niyang umarte. Paniwalang paniwala ako. Sobrang galing.
Hindi pala ako nagmahal ng iba. Kaya pala ganon na lang kabilis na nahulog ang loob ko kay Theo. Iisang lalaki lang pala ang minahal ko sa buhay ko.
Hinayaan ko lang ang sarili na ilabas lahat ng sakit sa pamamagitan ng iyak. Kahit alam kong hindi naman iyon mawawala pero atleast mabawasan man lang.
Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Nakatulog pala ako ng hindi man lang nakakapag bihis. Tumayo ako kahit na ang bigat bigat pa din ng pakiramdam ko.
Tinignan ko ang itsura sa harap ng salamin. This is not me. Hindi ito ang Aura na kilala ko. Namamaga ang mga mata ko at nagkalat ang make up ko sa mukha na hindi ko natanggal kagabi.
"You look crazy, Aura.." I whispered while staring at myself eye to eye on the mirror's reflection.
I looked like a total wreck. Kahit na umarte ako sa harap ng ibang tao na okay ako, hindi pa din sila maniniwala because of the screaming sadness that's showing in my eyes.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...