Treinta Y Dos

147K 3.4K 123
                                    


Treinta Y Dos

Sumakay kami ni Theo sa isang mamahaling sasakyan. Sa pagkakakaalam ko ay isa itong sports car. Mukha naman na mayaman talaga itong si Theo. Kahit na naka casual wear lang siya ay sumisigaw pa rin ang karangyaan niya sa buhay. Kahit nga siguro mag suot ng basahan 'yan eh ganon parin.

Medyo nahihiya nga ako kasi ang ganda ganda ng sasakyan niya. Baka madumihan ko. Pero teka? Para namang first time mo makasakay sa ganitong klaseng sasakyan Aura ah? Bakit hindi mo naramdaman 'yan nung pinasakay ka ni Luke sa kotse niya?

Tahimik lang ang buong byahe. Walang nagsalita ni isa sa aming dalawa hanggang sa nakarating na kami sa harapan ng event's place ang ALBERGO DI EUONI. Nakita ko itong hotel na ito sa mga dyaryo dati. Isa ito sa mga kilalang hotels sa buong Pilipinas at sa ibang mga Asian countries.

Naunang bumaba si Theo. Lumapit naman ang isang staff at pinagbuksan ako ng pinto. Inayos ko muna ng kaunti yung damit ko bago bumaba. While Theo on the other hand offered me his hand. Kahit nahihiya ay tinanggap ko iyon.

Napansin kong may papalapit na babaeng naka uniform din. Staff rin siguro.

Nakangiti nitong binati ang kasama ko na para bang kilalang kilala nito si Theo. Baka madalas dito ang lalaking ito? Dito siguro niya dinadala ang mga— ah wala.

"Good evening, Mr. Inoue, this way please." Sabi nung babae. May lalaki din na taga valet ang lumapit sa amin at pumasok sa kotse ni Theo.

Ginayak kami ng babaeng staff papunta sa isa sa mga function rooms ng hotel. Namangha ako sa structure ng hotel na ito. Napaka ganda at napaka sosyal. Mas lalo tuloy akong nanliliit sa sarili. Hindi naman kasi talaga ako bagay dito. Hindi ba nakakaramdam si Theo ng hiya na ako ang isinama niya dito?

Hindi ko namalayan na narating na pala namin ang function room. Wow! Ang laki laki niya! Ito ata ang pinaka malaki na function room sa buong hotel! Ang ganda ganda pa.

Nilibot ko ang tingin ko at tinignan ang ibang tao. I sighed. Nanliit talaga ako. Kumpara mo kasi sa mga tao dito, mukha akong basahan. Hindi sa nilalait ko ang damit ng kaibigan ko or what.

I mean ako, overall, mukhang basahan pag tinabi sa isa sa kanila. Ang gaganda ng mga suot nila. Pagandahan ang mga babae dito. Wala atang magpapatalo. Ang gwagwapo rin ng mga kalalakihan. Puro may lahi ata ang karamihan. Merong mga matatanda na pero bakas pa rin sa itsura nila ang kakisigan nila noong sila ay bata pa. Kahit na ang mga may edad ring mga babae. Doñyang doñya ang itsura ika nga ni Yenny.

Nagulat ako ng may binulong sa akin si Theo habang naglalakad kami papunta sa table namin at pinagtitinginan ng mga tao. Marahil na pansin nila ang itsura ko. Ang cheap siguro ng dating ko sa kanila dahil naiiba ako. Hindi tulad nila na alam na alam mong may kaya.

"Hey, your hand is so cold. Are you nervous?" He asked. There's a hint of concern laced in his tone.

"M-Medyo. P-Pakiramdam ko kasi na hindi ako belong dito." Diretsong sagot ko sakanya. E sa yun ang totoo. Out of place ako dito.

He gave me a reassuring smile. "Don't think that way."

Huminto kami sa isang table na malapit sa stage. May mga nakaupo na rin dito. Hay. Dito siguro kami uupo. Grabe. Malapit talaga sa stage? Ang alam ko kasi na kadalasan, ang mga nakaupo sa harapan banda ay mga VIP's. So ibig bang sabihin ay VIP si Theo? Nakakahiya talaga.

"Mr. Dela Merced." Rinig kong bati ni Theo sa isang matandang lalaking nakaupo sa lamesang ito katabi nito ang isang ginang na napakaganda rin. Ang sopistikado ng itsura ng tinawag niyang Mr. Dela Merced kahit na may edad na ito. Gwapo rin ito para sa edad niya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon