Cuarenta Y Tres

138K 2.8K 103
                                    

Cuarenta Y Tres

Aura

Kasalukuyan kong iniintay na dumating si Theo. Hindi ko mapigilang wag maging excited. Ewan ko ba! Basta wag ka masyadong magpahalata na excited ka Aura pag dumating si Theo at baka mag mukha kang ewan.

Umuwi muna ako pag ka out ko sa trabaho. Mabuti na lang at hindi gaano karami ang mga pasyente ngayon kaya hindi nakakaubos ng energy. Nag suot lang ako ng isang simpleng puting sleeveless dress na above the knee ang haba. May design ito na kaunting lace sa baba. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok.

Wala si Yenny ngayon. Sumama sa mga co-nurse namin manuod ng sine. Tutal wala naman daw ako sa bahay kaya magliliwaliw din siya.

Maya maya lang ay may narinig akong kumatok sa pinto. Nako! Si Theo na ata iyon!

Tama nga ako. Isang napaka gwapong lalaki ang bumungad sa akin. Naka v-neck ito na kulay itim na hapit na hapit sa magandang katawan niya. Casual na casual lang ang ayos nito pero mukhang mas dumagdag ang appeal nito sa akin.

"Hey. Good evening to you, baby." Nakangiting ani Theo. May hawak itong tatlong stem ng roses na kulay pula.

Ningitian ko siya pabalik. "G-Good evening din." Medyo naiilang pa rin ako pag tinatawag niya akong 'baby'.

Iniabot niya sa akin iyong hawak niya. "For you."

Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Hmm.. Bakit kaya tatlo lang? Hindi naman sa choosy ako o ano. Usually kasi isang dosena ang ibinibigay. Pero sa totoo lang ay kinikilig ako ng bonggang bongga.

"So, let's go?" Inilahad ni Theo ang kanang kamay niya na tinanggap ko naman agad.

Mag iinarte pa ba ako? Syempre hindi na. Nagulat lang ako ng pinag intertwined niya ang mga daliri namin. Hindi ba sa mga mag jowa lang iyon? Akala ko kasi simpleng hawak lang ang gagawin niya.

Dinala ako ni Theo sa isang French restaurant. Siya na lang ang pinag order ko dahil wala akong idea kung anong pagkain ang sineserve nila dito. Usually sa mga asian cuisine na fast food lang ang napupuntahan ko.

Mabuti at umayon naman ang suot ko dito. Sabagay, kahit naman ang kasama ko ay naka casual lang.

Nagkwentuhan lang kami ni Theo ng mga bagay bagay habang kumakain. May mga bago akong nalaman tungkol sa kanya. Mayaman nga talaga ito.

Muntik pa nga akong mahulog sa kinakaupuan ko ng malaman ko ang mga business niya. Jusko po! Hindi pala basta bastang tao si Theo. Mas lalo tuloy akong nanliit sa sarili. Pero may na realized ako, hindi porket mayaman siya ay ipinagyayabang na niya.

Akala ko nga dati ay may kaya lang siya. Hindi ko naman inakalang sobrang yaman niya pala dahil simple lang ito kahit na nakita ko na siyang naka tie and suit noong minsan.

May pagka sweet din pala ito. Kaya mas lalo akong kinikilig. Hay.

Pagkatapos namin kumain ay dinala niya ako sa playground kung saan kami nagusap dati. Yung araw na inaway ko siya ng dahil sa isang strawberry cupcake. Akala ko nga ay iuuwi na niya ako pero hindi pa pala. Umupo kami parehas sa magkatabing swing.

Nakatingin ako sa kalangitan na punong puno ng stars ng tumikhim siya.

"Baby.." Mahinang wika niya na nadinig ko naman.

Napalingon ako sa kanya at nagtama ang tingin namin. Umakyat tuloy ang dugo ko sa mukha. Mabuti at madilim. Hindi gaano kahalata ang pamumulaj ko.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon