Sisenta Y Uno
Tagapagsalaysay
Ilang minuto ang lumipas ng magpaalam si Theo kay Aura na may pupuntahan lang saglit. Sabi ng lalaki ay may gagawin lang daw itong importante. Sinundan niya ito ng tingin at napansin niyang sinalubong ito ng lalaking nagngangalang Gregory.
Bakit kaya? She asked herself mentally. It's probably business talk.
Kahit ayaw maiwanan ni Aura ay tumango na lang siya at nagsabi na bumalik ito kaagad. She decided to check her phone while waiting. Para na din hindi siya mukhang loner kahit loner naman na talaga siya as of the moment.
Napukaw ang atensyon niya ng umakyat ulit ang host. May sinabi ito dahilan para makuha ang atensyon ng mga bisita.
"May I have your attention please? Thank you." The host trailed off. "We all know that we're currently celebrating the company's anniversary, right?" The people nodded. "But that's not all! Mr. Enrique Buenavista wants to announce an important announcement to the world."
Balak sana ni Luke na lumabas na muna para manigarilyo pero nahinto siya sa paglakad ng marinig ang sinabi ng host.
His forehead creased and he got curious that's why he decided to go back to his seat. Napansin din niya na pinapasok na ang mga taga media at mas dumami ang mga bodyguards na nagbabantay sa mga exits.
"Ano nanaman kaya pakulo ng matandang 'yon?" Tanong niya sa isip. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayari.
Ganon din si Scarlett. Nakuha din ng host ang kanyang atensyon. Wala ata sa hall ang hindi naging interesado sa inanunsyo ng babae sa stage.
Napaayos ng upo si Aura at ibinigay ang buong atensyon sa harapan.
"May we call on stage, Mr. Enrique Buenavista!"
Tumayo ang matanda at dahan dahang naglakad papuntang stage. Nagsipalakpakan naman ang mga tao. Binigyan ito ng host ng isang microphone.
Enrique Buenavista cleared his throat before speaking. "Goodevening everyone.." The old man paused for a bit.
"We all know that the Buenavista Group Of Companies have been in the business world for a long time already. I've been handling the empire for about 40 years, as far as I can remember.. It's obvious that I'm pretty old already to work like a carabao." Humalakhak ito. Natawa naman ang mga bisita sa sinabi nito.
"I should be passing my empire to my rightful heir and retire. But we all know what happened to my one and only son.. The one who's going to own it when I step down the ladder.." Sumeryoso ang boses nito and lumamig bigla.
The visitors gave the man a sympathetic look. Of course! Most of the people knew what happened to the Buenavista's only heir.
Hindi makatingin sa stage si Scarlett because she's guilty as fuck. Nanlamig siya bigla for no reason. Habang si Luke naman ay naguguluhan sa mga nangyayari.
"Because of what happened to my only son, I've been asked a lot of times kung kanino ko ipapasa ang napakalaking imperyo ko at kung sino ang magmamana ng lahat ng ari arian ng pamilya.."
Aura bit her lower lip as she listened to Migi's father. Aware siya na napabalitang patay na ito dati but she knows that Migi is alive and kicking. Hindi niya alam that time kung bakit ganon ang pinalabas ng pamilya. Maybe for safety reasons?
Nagulat ang lahat ng biglang ngumiti ng napakalaki ang matanda. Hindi ito palangiti at mas lalong hindi dapat ganito ang reaksyon ng matanda ngayon na para bang hindi ito namomroblema kung kanino ipapasa ang lahat ng mayroon ito.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...
