Uno
Aura
"Nay!" Tawag ko sa aking Nanay na masayang nagluluto ng agahan naming magiina.
Yumakap ako mula sa likuran nito at hinalikan ang kanyang pisngi. Ganito talaga ako sa kanya ever since I was a kid.
"Asus! Naglalambing nanaman 'tong baby damulag ko." Natatawa niyang pangaasar habang umiiling.
"Nay, naman! Masama ba mag lambing sa'yo? Tsaka 'di ako baby damulag 'no!" Kunwaring nagtatampong sabi ko at pinahaba ang nguso. Lakas talaga mang asar kahit kailan.
Humarap si Nanay sa akin at kinurot ng pinong pino ang aking maypagka matabok na pisngi.
"A-Aray! Nanay, naman! Ang sakit!" I cried out loud.
Tinawanan lang niya ako at pinisil ng mahina ang aking ilong.
She faced the stove again. "Oh siya, sige na. Umupo kana dyan at matatapos na ang niluluto ko."
Dali dali ko naman siyang sinunod at humatak ng isang upuan. Ako na sana kukuha ng mga pinggan at iba pang utensils pero nakita kong nag lagay na si Nanay sa lamesa.
Natapos ang masayang agahan naming pamilya. Si Nanay at si Abby nalang ang natitirang pamilya ko. Namatay na si Tatay dahil inatake ito sa puso nung sanggol pa lamang si Abby. Meron akong kuya kaso binawian na rin siya ng buhay noong fifteen years old siya dahil nadamay siya sa isang frat war.
Nahuli naman ang mga nakapatay sa kanya pero hindi na nila maibabalik ang buhay ng kuya ko.
Ang aming bunso na si Abby ay may down syndrome. Pero kahit na ganito ang nangyari sa amin, na kahit sinasabi ng ibang tao na ang malas malas naman ng nangyari sa pamilya ko ay ni minsan hindi namin sinisi o kwinestyon ang Diyos dahil alam kong may dahilan ang lahat ng ito.
"Aura.." Napahinto ako sa pag iisip ng biglang tinawag ni Nanay ang pangalan ko.
Lumingon ako sa kanya at kinunot ang noo. "Ano po 'yon?"
She playfully rolled her eyes at me. "Aba, ikaw bata ka! Mamaya kana mag muni muni diyan at malelate kana!" Aniya sabi turo sa orasan na nasa kusina.
Natauhan ako bigla sa sinabi niya at dali daling kinuha ang aking bag. Masyado palang napalayo ang paglipad ng pag iisip ko. Muntik pa nga ako masubsob sa kakamadali. Ano ba 'yan, Aura!
"Sige po, 'nay! Alis na po ako."
Mabilis kong hinalikan sila Nanay pati na rin ang kapatid kong si Abby sa pisngi nila.
"Bye, baby girl! Kita tayo ni ate mamaya, ha? I love you." Nakangiting sabi ko kay Abby.
Ngumiti ito pabalik at nag I love you rin.
"Ingat ka, Ate." Paalala ni Nanay bago ako makalabas ng pintuan ng bahay namin.
Naglakad ako papunta sa may sakayan ng tricycle sa kanto palabas ng lugar namin. Medyo malayo kasi kung lalakarin ko. Pero pwede naman kung gugustuhin mo at hindi ka nagmamadali. Hindi lang pwede ipasok ang mga malalaking sasakyan dito dahil masikip ang daanan.
Sakto naman na may mga kasabay na ako. Habang palabas kami ng lugar namin ay hindi ko naiwasan wag tignan ang mumurahing relo ko na nabili ko sa isang night market.
Seven thirty na. I only have less than an hour to travel. Malayo layo pa naman kaunti ang ospital na pinagtatrabahuhan ko at medyo traffic sa daan ng ganito oras dahil rush hour. Lagot nanaman ako nito pag nagkataon.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...