Treinta Y Cinco
Tagapagsalaysay
"What the hell, Luke!" Bungad ng isang galit na galit na Scarlett pagkapasok niya sa opisina ni Luke sa SMH.
Hindi tinapunan ng tingin ni Luke ang babae at pinagpatuloy lang ang pagbasa ng mga papeles na nasa lamesa niya.
Mas lalo siyang nainis ng hindi siya nito pinansin. "I'm talking to you!! Don't ignore me!" Malakas na hinampas ni Scarlet ang kulay itim na Chanel flap bag sa lamesa na ikinagalit ng lalaki.
Tumayo siya at marahas na hinablot ang braso ng babae. "What the fuck is your problem?!"
Nagmatapang si Scarlett at malakas na binawi ang braso niya mula dito. Nangagalaiti si Scarlett sa galit dahil may nalaman siya mula sa mga kaibigan nito.
"Anong problema ko, huh?! Ang problema ko ay ikaw! Kaya pala hindi kana nagpaparamdam sa akin gago ka! May iba ka na palang kinakalantari ng hindi ko alam!" Nagbibintang na sigaw niya sa lalaki.
Someone told her that Luke, her boyfriend is courting or should I say pursuing someone else gayong girlfriend siya ng lalaki.
Akala niya ay magagalit si Luke sa sinabi niya pero nagulat siya ng bigla itong tumawa ng malakas.
Kulang nalang ay sumakit ang tiyan niya sa katatawa. Nainis lalo si Scarlett sa inakto niya. Hindi man niya mahal talaga si Luke pero ayaw niya na niloloko at ginagago siya! She won't allow it!
"That's it? Ayan ang dahilan ng ikinagagalit mo?" He mockingly said while raising his right eyebrow.
Scarlett's teeth clenched. "That's it?! Huh? That's it?! That's all you can say?! So ano? Totoo ba?! Totoo ba na niloloko mo ako?!" Dinuro duro niya ito.
"Yeah, it's true. And if I'm going to choose between the two of you, siya ang pipiliin ko." Bored na bored na sagot ni Luke sa tanong niya.
Bigla siyang sinapal ng malakas ni Scarlett. He glared at her.
"Ang kapal ng mukha mo walang hiya ka!! Fuck you asshole! Pagkatapos kitang piliin kesa kay Miguel! Niloko ko siya ng dahil sayo! Tapos eto ang igaganti mo sa akin?! I'm your girlfriend, Luke!" Pinaghahampas at pinagkakalmot siya ng babae.
Umiiyak na ito dahil sa galit na nararamdaman. She felt betrayed. Kumalat na rin ang mascara nito sa mukha kaya kulay itim na ang luhang tumutulo mula sa mga mata niya.
Dumilim ang mukha ng lalaki at tinignan siya ng masama. "Wala kang karapatan na isumbat sa akin 'yan dahil pinili mong umayon sa mga plano ko." He hissed. "At girlfriend? Who told you na girlfriend kita? Masyado atang mataas 'yang pangarap mo?" Mapangasar na dagdag niya.
"I'm your girlfriend!" Giit ng babae. "Akin ka lang kung ayaw mong isumbong kita sa mga pulis sa ginawa mo kay Miguel!!" Ngising aso nito.
Hinablot ni Luke ng marahas ang dalawa nitong kamay at hinatak palapit sa kaniya at binulungan si Scarlett.
"Sige, magsumbong ka. Pero ito ang tatandaan mo. Pag ako nahuli at nakulong, sisiguraduhin ko na mabubulok ka rin sa kulungan tulad ko dahil isa ka rin sa naging dahilan kung bakit namatay si Miguel." Banta nito sa kaniya.
Tumaas ang balahibo ni Scarlett sa sinabi nito. Ayaw niyang makulong! Never na mangyayari 'yon! She will do everything para hindi mangyari 'yon!
Napatili ang babae ng marahas siyang kaladkalarin ni Luke palabas ng opisina niya.
Pagkalabas nilang dalawa ay agad silang nakita at dinaluhan ng kanyang secretaryang si Grace at ng isang gwardiya. Hinagis ni Luke si Scarlett na para bang hindi ito tao at binalingan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...