Cincuenta Y Dos
Aura
Nakapag decide ako na hindi na tumuloy mangibang bansa. Kahit na kumpleto naman na ako sa requirements. Pasado ako sa lahat ng exams including TOEFL para maging isang ganap na licensed nurse doon. Ganon din si Yenny. Kailangan kasi if ever gusto mong mag work as a nurse or what abroad.
Isa na din iyon sa mga plano ko dapat. I've decided to join Yenny na mag abroad kaya nga nag exam ako dati although okay din naman sa akin kahit na sa Pinas lang ako mag work.
Pinaghirapan ko din kasi iyon nung mga nagdaang taon at may kamahalan ang exams. It costed me a lot when I took the TOEFL one time with Yenny dito sa Manila. Ang laki ng nabawas sa ipon ko dahil dun. Sa pagbayad palang ng exam fee nito ay libo libo na.
Pero hindi na kasi iyon ang gusto ko ngayon. Alam kong hindi na ako magiging masaya pag tumuloy ako. Oo, kikita nga ako ng malaki pero hindi naman ako sasaya talaga.
"Pasensya na po Mrs. Roces. Nagbago na po ang isip ko. Hindi na po ako tutuloy. Iyong kaibigan ko na lang po na si Ms. Yenny ang tutuloy." Hingi ko ng paumanhin sa Ginang na nasa harapan ko ngayon.
Nandito kasi ako sa agency. Ngayong araw na kasi ang deadline ng pagpasa ng lahat ng important documents.
Oo, may panghihinayang at lungkot sa puso ko, hindi naman maiiwasan 'yon e.
"Sayang naman, Ms. Reyes. It's a huge opportunity for you. Mas malaki ang kita and mas mabibigyan mo ng magandang buhay ang pamilya mo unlike here sa Pilipinas. Medyo mababa ang pasweldo sa mga nurses natin dito sa totoo lang." Anito, bakas ang sobrang panghihinayang para sa akin. Pinagsaklop nito ang dalawang kamay na nasa ibabaw ng lamesa niya.
I shook my head slowly and sadly smiled at her. "Alam ko po na napakalaking opurtunidad ito pero mas sasaya po ako pag hindi ako tumuloy. Pasensya na po talaga."
Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Alright, Ms. Reyes. Kung talagang desidido ka na ay wala na akong magagawa. But I want to let you know na you can contact our agency anytime. We're one of the top agencies here in the Philippines when it comes to job opportunities abroad. Baka magkaroon ulit ng open slots in the future." She smiled and tried to lighten up the eerie mood inside her office.
Nag usap pa kami saglit. Mabilis na lumipas ang mga minuto. Inabot din ako ng halos isang oras sa pakikipag usap sa kanya. Dahil kay Yenny kaya ko nakilala si Mrs. Roces, ang may ari ng agency na'to. Nakilala ito ni Yenny sa ospital nila Luke ng minsan niyang i-assist ang asawa nitong na confine doon.
Yenny asked for my resume so I gave it to her. Ayun, pinasa niya parehas iyong sa kanya at akin. Sa katapusan pa ng taon ang alis sa pagkakaalam ko. Hindi ako sigurado. Sakto lang ang tapos ng kontrata naming dalawa.
Mukhang tuloy tuloy pa din ang pagtatrabaho ko doon. Wala pa naman kasi akong planong lumipat ng ibang ospital as of the moment kahit na marami ng nangyari. Kung maisipan ko talaga, I'll go back to our province to work there.
Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko. Ganon din siya. I shook her hand and bowed my head to say good bye.
"Maraming salamat po, Mrs. Roces. Sige po. Mauuna na po ako." I gave her a sweet smile.
Nag absent ako ngayong araw para dito. Tapos na mag submit si Yenny nung kelan pa that's why she's really good to go. Approved na din ang US Visa nya. Approved din naman na iyong akin kaso ayaw talaga ng puso ko na umalis ako dito sa Pinas. Nag sayang ako ng pera, oo, pero alam kong tama ang naging desisyon ko.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...