Cuarenta

151K 3.5K 124
                                        

Cuarenta

Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na si Aura kahit na gabing gabi na siya nakatulog kagabi.

Naisipan niya munang maghilamos bago pumunta ng kusina para makapaghanda na ng almusal nila. Habang naglalakad siya papuntang kusina ay hindi niya maiwasang wag mapahinto at sumulyap sa kwarto niya na tinutulugan ni Theo ngayon. Sarado pa rin ang pinto nito, marahil tulog pa ang lalaki. Sabagay, mukhang napagod ito ng husto sa ginawa nilang pagbiyahe dito mula Maynila.

Pagkatapos niyang magsaing, magluto ng agahan at bumili ng pandesal sa malapit na bakery ay bumalik siya sa kwarto upang gisingin si Abby. Hindi naman ito nag tantrums o ano.

"Kain ka na baby girl para mapuntahan na natin si Nanay mamaya." Nakangiting aniya pagkatapos na ipagtimpla ng mainit na gatas si Abby. Pinagtimpla na rin niya ang sarili ng tsaa at mainit na kape naman para kay Theo. Hindi siya sigurado kung anong oras ito magigising pero bahala na.

Kumuha siya ng pandesal dahil nakaramdam na siya ng pagkagutom. Gusto pa niya sanang intayin si Theo para may kasabay ito kaso gutom na talaga siya.

Kakagat na sana siya sa pandesal ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Iniluwa nun ang isang nakatopless na Theo! Naka kulay gray nga itong pajama kaso wala namang pangtaas! Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Dahan dahang humagod ang kanyang paningin sa katawan nito. Hindi niya namalayan na nabitawan na pala niya ang pandesal na hawak. Saktong napatingin naman si Theo sa kanya at nagtaas ng kilay.

Ngumiti ito ng nakakaloko dahil sa naging reaction niya at naglakad palapit sa kanila. "Good morning, ladies."

Doon lang siya bumalik sa ulirat. "Ah.. Eh.. G-Good morning din." Nag iwas siya ng tingin.

Hindi niya kasi kinakaya ang nakikita niya ngayon! Sobrang pula na siguro ng mukha niya. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita siya ng lalaking may magandang katawan pero literal na napanganga siya sa isip ng masilayan ang napaka gandang katawan ni Theo! Laman ata ng gym ito araw araw. Hindi lang kasi apat o anim ang pandesal nito sa katawan kundi walo! Aba't nagawa pa talaga niyang bilangin ang mga ito! Ibang pandesal na tuloy ang nasa isip niya ngayon.

Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman na niya itong tumabi sa kanya.

"Aura? Is there a problem?" Nakangising tanong ni Theo sa kanya. Kakaiba na kasi ang inaasal niya e. Ayan tuloy napansin na ito ng lalaki.

Napalunok siya ng ilang beses bago nagangat ng tingin. Umiling siya. "W-Wala 'no! A-Ano kaba! Kumain ka na dyan. Pinagtimpla na din kita ng kape. Ayan yung nasa harapan mo."

Tumawa lang it at nagkibit balikat lang tsaka kinuha ang tasa ng kape.

Pinilit ni Aura na wag talaga tignan ang katawan ni Theo kaso makukulit ang mga mata niya e! Maharot! Ayan tuloy para na niyang pinagpapantasyahan si Theo.

Hindi na rin siya makakain ng maayos dahil sa presensya ng hubad nitong pantaas kaya nagpasya na siyang tanungin si Theo.

"Uhm... Theo hindi ka ba nilalamig?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo. Totoo naman ang tanong niya. Medyo malamig pa kaya ang simoy ng hangin.

Kumunot ang noo nito. "Nope. Why?"

Napatingin si Aura sa kanya at bumaba ang tingin sa katawan niya. Hindi ito sumagot pero mukhang alam na ni Theo ang dahilan ng pagtatanong nito.

Sumilay ang isang nakakalokong ngiti ulit sa gwapo nitong mukha. "Oh.. Now I know. Someone's bothered.." He chanted.

Tumayo ito at may sinabi bago naglakad pabalik ng kwarto niya dahilan para mas lalong mamula si Aura.

My Billionaire Patient (TLS #1) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon