Ocho

195K 4.1K 55
                                    

Ocho

Migi

I'm currently inside the room that I've been staying for the past couple of days. Hindi na bago ito. Wala akong magawa pwera basahin ang librong pinaiwan ko kay Aura. There's a television but I don't want to watch anything.

Speaking of that Aura girl, where is she? Napahawak ako bigla sa mukha ko. Nakabenda pa rin ito. Sabi kasi ng mga doctor ay sobrang nalapnos ang balat ko kaya matagal talaga bago humilom ang mga ito. Masakit ito pag hinahawakan. Alam kong maibabalik pa ang dati kong mukha. I just need to pay a ton of money to do that. But something tells me not to call my father and ask for help or what. I really don't freaking know why.

Matagal ko na sanang ginawa yon. Pero hindi ko talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin iyon magawa. Para bang ayaw ko umalis mula sa lugar na ito.

I was looking at the window when the door opened. Expected ko na si Aura iyon. Minsan kasi hindi na talaga siya kumakatok. Walang manners.

"Hello, Migi!" She waved her hand at me. Ang laki ng ngiti niya sa mukha. Mukhang good mood na good mood ito.

I looked at her.

"What do you need?" I arrogantly said.

Hinampas niya ako ng mahina sa braso ko. "Nagsusungit ka nanaman!" She pouted.

I find it cute— wait what? What the hell are you saying, Miguel? Are you freaking crazy?

Nagiwas na lang ako ng tingin. Dahil naiilang ako sa mga titig nito sa akin.

Umupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama ko at humarap sa akin.

"Alam mo ba? Ang saya saya ko! Nadagdagan ang sweldo ko!" She genuinely smiled.

Napangiti na lang ako sa inasal niya. I don't know why, but I find Aura a very true person. Napansin ko na madali siyang mapasaya. Yung tipong kahit mga simpleng bagay lang ay naaappreciate niya. Kahit na saglit pa lang kami magkakilala ay parang magaan ang loob ko sa kanya even though ang pangit ng pakikitungo ko sa kanya nung una.

"Hindi mo man lang ba ako ico-congratulate? Grabe ka naman! Akala ko pa naman magkaibigan na tayo!" Kunwaring nagtatampo na sabi nito.

"Congratulations then."

"Tsk! Parang napilitan!" She crossed her arms na para bang bata na nagtatampo dahil hindi binigay ang gusto niya. Aura really looked like a freaking kid.

Humiga na lang ako at tumalikod mula sa kanya. "Bahala ka. Matutulog ako."

"Psh! Matulog ka hanggang gusto mo, Mr. Sungit!" Tumayo siya at padabog na sinira ang pinto pag kalabas.

Naiiling na lang ako. Crazy woman. But somehow I felt something. Hindi ko pa ito nararamdaman my whole entire life kaya bago lang ito sa akin. Not even with my ex or anyone. I'm very sure that may nabago sa akin simula ng makilala ko siya. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon.

To be honest, I don't miss my old life. Nakakagulat na kahit ako ay nagugulat din sa mga nangyayari. I'm aware that the old man is looking for me. Sana hindi nila ako makita agad dahil believe it or not, gusto ko pang makilala ang isang Aurora Reyes.

Aura

"Nakakainis talaga siya!" Inis na inis na sabi ko sa sarili habang inaayos ang gamit ko sa locker.

"Anong nangyayari sa'yo, teh? Kailangan mo na bang mag pa confine sa mental?" Pangaasar niya sa akin pag ka pasok niya dito.

Inirapan ko siya. "Tse! Maiinis ka nanaman!" Nakasibangot na sagot ko.

Pumunta si Yenny sa locker niya at tumingin sa salamin na nakadikit sa may pinto ng locker niya. As usual, magpapaganda nanaman.

"Ewan ko sayo, 'te! Para kang baliw dyan." Aniya habang naglalagay ng face powder.

"Wag mo nalang ako pakielam at mag paganda ka nalang dyan." Sagot ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin at nag bow gesture. "Okay, mahal na prinsesa."

"Tsk!" Padabog kong sinara ang locker ko. Natawa na lang si Yenny sa ginawa ko.

"Gusto mo, girl?" Inalok niya sa akin ang isang basket ng strawberries.

Lumapit ako. "Baka naman may bayad yan, ha?"

"Gaga! Wala ano kaba! Nagpabili talaga ako sa pinsan ko para sayo." Pambobola nito sa akin.

"Sus! Nambobola ka nanaman!" Kinuha ko ang basket. Syempre no? Alangan namang mahiya pa ako. At saka alam ko namang ipipilit talaga ni Yenny 'yan sa akin pag hindi ko tinanggap.

"Salamat, Yens!" Niyakap ko siya. Yumakap din siya pabalik.

Natawa ito. "Okay lang yan, ano kaba!"

Lumabas na si Yenny dahil bigla siyang pinatawag ng isang doctor dito. Napatingin ako sa hawak kong strawberries. Bigyan ko kaya si Migi? Kaya naglagay ako ng strawberries sa isang plastic bowl at dinala sa kwarto niya.

Kumatok muna ako bago pumasok. Pero nagulat ako dahil wala siya sa kama niya. Pumunta ako sa banyo para tignan kung nandoon siya pero wala rin. Saan nanaman kaya yung taong iyon? Lumabas ako ng kwarto niya at nagtanong sa nasalubong kong nurse.

"Jane!" Tawag ko.

"Oh, Aura?" Natigil siya sa paglalakad.

"Nakita mo ba yung pasyente sa room 329?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Ah! Nasa may garden. Nakita ko siya pagkadaan ko dun." Ngumiti siya pabalik.

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Naku salamat. Sorry sa abala." Tumango lang ito at naglakad na paalis.

Dumerecho ako sa garden. Dala dala ko parin 'yong bowl na may lamang strawberries.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Tahimik lang na nag mamasid sa paligid.

Nilapitan ko siya at tinabihan. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Tug...Tug...Tug...

Ano iyon? Saan galing ang tunog na 'yon? Pasimple akong napahawak sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok.

"Aura?" Aniya ng hindi ako nagsasalita.

"Ha?" Wala sa sarili kong sagot.

"What happened to you? Bakit ka namumula?" Tanong niya sa akin. Bigla naman ako tinamaan ng hiya.

"A-Ah..Wala. Nasobrahan lang ata ako sa blush on." Pagdadahilan ko. Nagiwas ako ng tingin dahil nakakailang ang mga titig niya. May kakaiba akong nararamdaman.

"You don't need to wear make up." Wika niya habang nakatingin sa kawalan.

Feeling ko namula tuloy ako lalo. Yumuko na lang ako para hindi niya makita ang namumulang mukha ko.

Nagchange topic ako. "Ano nga pala ginagawa mo dito?" Naisipan kong tanungin si Migi.

"I'm bored." Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa ulo niya at ginawang parang unan. Hindi naman nito natatamaan ang mukha niya kaya ayos lang 'yon.

Napa ahh nalang ako. Sabagay sino ba naman hindi mabobored dun? Bigla kong naalala ang hawak kong bowl ng strawberries. "Gusto mo?" Alok ko sa dala kong strawberries.

Tinignan niya ito at saka kumuha ng isang piraso.

"Thanks."

Tumango ako at ngumiti. "Para sayo talaga 'yan. Etong buong bowl."

Ginantihan naman niya ang ngiti ko at kinuha ang bowl sa mga kamay ko. "Okay, then. Let's eat together."

No choice ako kundi kumuha. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos namin yung strawberries. Feeling ko mas nagiging close kami habang tumatagal. Unti unting nagbubunga ang pagtiyatiyaga ko.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon