Cuarenta Y Seis
Tagapagsalaysay
"Palagi niyo akong i-update 'nay, ha. Alam niyo naman na sobra akong nag aalala sa inyo ni Abby parati." Matamang bilin ni Aura sa kanyang Nanay habang kausap ito sa telepono.
Hindi maiwasan ni Aura na huwag mag alala para sa ina at kapatid. Kung hindi lang talaga niya kailangan mag trabaho sa Manila ay uuwi na talaga siya. Pero paano pag nag abroad pa siya? Edi mas lalo niyang hindi mababantayan ang mga 'to.
Nakahilata siya ngayon sa kama niya. Pasado alas diyes na din ng gabi. It's already late but she can't sleep. Ang dami niyang iniisip.
Pamilya. Trabaho. Lovelife.
Hindi maiwasan ni Aura na huwag mamula tuwing maiisip niya ang kanyang lovelife. Aminin man niya o hindi. Unting unti ng lumalaki ang puwang ni Theo sa puso niya.
Isa pa sa pinoproblema niya talaga ay ang makulit at mayabang na boss na si Luke. Hindi niya alam kung anong klaseng pag iwas pa at pag tanggi ang kailangan niyang gawin para tigilan na siya ng lalaki.
Sa kabilang banda naman ay hindi din makatulog si Theo. Tulad ni Aura, marami ding iniisip ang lalaki. He's currently looking at the view of the city lights while holding a glass of whiskey on his right hand.
"Malapit na. Makukuha ko din ang hustisyang inaasam ko. Babagsak kayong lahat. I will make sure of that." Wala sa sariling sabi ni Theo. His lips curved into a sly smile.
Aura
"Ateng! Iyong boyfriend mo nasa lobby na at iniintay ka. Naks naman! Ang sweet talaga ni Papa T." Kinikilig na sabi ni Yenny sa akin pagkapasok niya sa locker area. Ang laki din ng ngisi nito sa kulay pink na labi.
I shook my head and smiled at her. "Tsk. Boyfriend ka dyan. Hindi pa kami 'no. Ang advance mag isip!"
Humalakhak ito. "Whatever! Advance ako mag isip, sorry ka nalang, girl. Para na din kayong mag dyowa sa pinaggagagawa niyong dalawa e. Bat 'di nalang kasi maging kayo officially? Daming niyong arte."
"Baliw ka talaga! Alangan naman ako ang mag tanong kay Theo diba? Huy, dalagang Filipina dapat baka nakakalimutan mo, babae ka." I rolled my eyes at her habang patuloy na inaayos ang aking gamit.
Yenny frowned dramatically. "Dapat lagyan niyo na ng label ang relationship niyo. Ang pangit naman na wala. Check the label, beshie! Para din pag may umaligid kay Theo e may say ka. Ikaw rin sige ka." Pananakot pa nito.
"Ewan ko sa'yo." Tanging nasabi ko at sinarado na ang aking bag.
May point naman si Yenny. Hindi ko din talaga kasi ma pinpoint kung ano talaga kami ni Theo. Ang alam ko lang talaga ay may gusto siya sa akin. At alam kong may gusto din ako sa kanya. There I said it out right. Confirm na confirm na 'yon.
Hindi lang talaga ako naka react ng maayos nung mag confess siya sa akin. Hindi naman sa first time yun nangyari sakin pero ano ba mararamdaman mo pag nag sabi ang crush mo na gusto ka din niya 'diba?
Crush. Oo, crush ko naman talaga si Theo. I'm just stoping myself kasi masyado kong iginigiit sa puso at isipan ko na hindi ko dapat makalimutan ang first love ko na si Migi.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...
