Treinta Y Cuatro

154K 3.1K 75
                                    

Treinta Y Cuatro

Tahimik ang buong bahay ng makarating ako. Tulog na ata si Yenny. Agad akong pumunta sa kwarto at humiga. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at sumigaw. Sigaw nga ba o tili?

"Ihh!!" Wala na ang first kiss ko!

Kay Migi dapat—ay, ayoko na isipin! Nangyari na. Hindi na mababago 'yon. Nagsisisi ba ako?

Hay.. Kung tutuusin nga dapat matagal na ako nagkaroon ng first kiss! Ang tanda tanda ko na kaya.

Gusto ko kasi na si Migi ang first kiss ko kaso hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. I still have feelings for Migi. Alam ko 'yon sa sarili ko.

Pero napagisip isip ko rin na baka mauwi lang sa wala 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Tutuparin kaya niya yung promise niya na intayin ko siya dahil babalik siya?

Naguguluhan na ako sa totoo lang. But still, umaasa pa rin ako na one day ay bigla nalang siya magpapakita sa akin at ng mapatunayan ko na itong nararamdaman ko kay Theo ay crush lang talaga.

Tsaka kiss lang naman 'yon. Nothing big. Nadala lang talaga ako kanina. Matatanggap pa rin naman siguro ako ni Migi kahit hindi siya ang first kiss ko 'diba? Malamang may nahalikan na rin yun dati. Tsk. Nakakaselos isipin.

Tumayo ako at pumunta sa banyo para gawin ang night routine ko. Nilagyan ko rin ng gamot yung pasa ko sa braso. Pagkatapos nun ay nahiga na ako ulit.

Hindi ko na muna iisipin yung kiss na 'yan. Mas maraming importanteng bagay ang dapat isipin. Tulad nalang ng trabaho ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang pero ayos lang. Kesa naman mangyari ulit yung kanina. Magpapasa nalang ako ng resignation letter bukas kahit day off ko. Para mabilis at maayos na pagalis ko dun. At para na rin madaan ito sa legal na proseso.

Mamimiss ko tuloy yung iba kong inaalagaang pasyente doon. But what can I do? Maghahanap na rin siguro ako ng matitirhan bukas pagkatapos. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Yenny ang nangyari.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Hinanda ko muna yung resignation letter ko bago ako nag almusal. Mabuti na lang at may malapit na 24 hours computer shop dito. Naabutan ko naman si Yenny na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo pagbalik.

Naanigan ko ang picture ng isang magandang batang babae na mukhang teenager lang sa frontpage. Tapos may nakasulat na 'NEWS FLASH: THE PRESIDENT'S DAUGHTER IS MISSING!'. Grabe naman. Nawawala pala ang anak ni Pres. Rafael? Tsk. Sana mahanap nila agad.

Lumapit ako kay Yenny. "Good morning."

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. "Good morning din! Saan ka galing? Hmm.. nga pala, kamusta? Anong nangyari kagabi? Kayo ah!"

Pinamulahan ako ng mukha. Napaka chismosa talaga ang aga aga! Tss! Dapat ko bang ikwento sa kanya yung nangyari sa kotse? Kaso aasarin lang ako nito.

Hindi nalang ako sumagot at dumirecho ako sa kusina.

Tumawa siya. "Iwas iwas din pag may time ang peg mo? Bakit namumula 'yang mukha mo ah? Siguro may nangya—"

"Yenny!" Sabi na nga ba! Mangaasar nanaman 'to!

"Yenny, Yenny, ka diyan! Sus! Siguro may nangyari nga talaga e 'no? Kaya ka ganyan!" Usisa niya lalo.

Inirapan ko na lang siya at kumuha ng mainit na tubig. Kumuha rin ako ng isang lipton tea sa drawer.

"So ano nga? Magkwento ka naman! Wag kang madamot!" Aniya pag kaupo ko sa harapan niya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon