Dieciséis
Tagapagsalaysay
Kasalukuyang natutulog si Miguel ng biglang magring ang kanyang telepono. Nung una ay hindi niya ito pinansin dahil inaantok pa siya pero ayaw nito tumigil sa pag ring kaya inis na sinagot niya ito kahit na hindi pa niya tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Fuck! Who the hell is th—." Hindi na niya natuloy ang ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang nasa kabilang linya.
"I'm guessing that you have a hangover, son." Sarkastikong tumawa ito.
Napahawak si Miguel sa sentido. Tila mas sumakit ang ulo niya. Well his father's guess was right. He drank too much last night.
"What do you want, old man?" He sighed. Wala siya sa mood makipagaway dito dahil masakit ang kanyang ulo.
"Mabuti nalang at hindi ka tumuloy sa opisina nung pagdating mo. Mahirap na. Baka may mga umaaligid aligid na pala sa paligid. Mas mabuti ng mag ingat at baka masira pa mga plano mo. Good thinking, son." The old man said to him.
"I know, Dad. I'm smart enough to know that. Mahirap na at baka may makakita sa atin na magkasama. I seriously don't know what's gotten into you para papuntahin ako dyan." He mentally rolled his eyes.
"I just want to see you, son. It's been years since the last time I saw you. Meet me later."
"Fine." He said and hung up.
He stood up and went straight to the bathroom. He needs to have a warm bath para medyo mawala ang pananakit ng ulo niya.
Habang nakababad sa jacuzzi ay biglang sumagi sa isip niya ang nurse na nagalaga sa kanya noon. Tila ba bigla niya itong namiss. Oo gusto niya ang babae dahil napaka simple nito. Walang arte sa katawan at hindi siya pinandirian kahit given the fact na nurse ito. Pero mas lalo siyang nasigurado sa nararamdaman niya ng iwan niya ito.
Napangiti siya ng maalala niya ang matatamis na ngiti nito sa kanya.
"Wala naman sigurong masama kung magkita tayo ulit. " Tila wala sa sarili niyang nasabi.
Aura
"Ms. Aurora Reyes, here's the list of patients na naka assign sayo at i-eendorse ng ibang nurses mamaya sa nurse station. I know you know already what I'm saying." Iniabot ito sa akin ni head nurse.
Kinakabahan ako na excited. Syempre bagong environment.
"Opo. Salamat po." Ngumiti ako. Mabait naman siya hindi tulad ng ibang head nurses na sobrang sungit sa mga bagong salta na nurses tulad namin.
"Okay. That's it. Pwede niyo na simulan ang trabaho. Kung may tanong kayo, wag kayong mahihiyang lumapit sakin." Bilin niya bago umalis.
"Oh siya sige na, girl. Puntahan ko na itong sakin. Kita nalang tayo mamayang lunch." Sabi ni Yenny. Tumango ako bilang sagot.
Tinignan ko ang listahan. Agad akong dumirecho sa nurse station para masimulan ko na ang aking trabaho.
Una kong pinuntahan ang isang matandang lalaki na may sakit sa puso pagkatapos. Buong umaga ay wala kaming ginawa kundi puntahan ang mga inassign na pasyente samin para i-check sila at the same time ay para ipakilala ang aming mga sarili.
May ibang pasyente na mababait yung iba naman medyo masungit. Syempre ano pa ba ang ieexpect mo sa isang sosyal na ospital. Karamihan kasi ang nandito ay puro mayayaman.
Nakaramdam ako bigla ng tawag ng kalikasan. Agad akong pumunta sa pinakamalapit na cr dahil naiihi na ako. Papasok na sana ako sa loob ng cr ng babae ng may marinig akong malakas na ungol.
Pero dahil naiihi na ako ay ipinawalang bahala ko nalang at tumuloy sa loob. Baka naman kasi may nag ccr o ano. Nang makapasok ako ay nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang hawak kong folder.
"Ahh!!" Hindi ko maiwasang wag mapasigaw sa nasaksihan ko. Hindi naman ako inosente sa mga ganyang bagay pero iba parin talaga pag nakita mong live action!
"What the fuck?!" Tinulak ng lalaki ang babaeng nurse na ka chu chu nito ngayon at inis na tumingin sa akin ang kulay brown na mga mata nito sakin.
Agad kong tinakpan ang dalawang mata ko. Nakakatakot tumingin si kuya. Para kang kakainin ng buhay. Pero infairness ang gwapo niya. Parang model ng Bench! Ay! Ayan pa talaga ang inintindi mo, Aurora, ha?!
Lumunok muna ako ng ilang beses bago magsalita. "P-Pasensya na po! Wag po kayong magalala lalabas na po ako. Sige po tuloy niyo lang po 'yan.. H-Have fun po.. Bye!!" Nauutal na sabi ko at dali daling lumabas.
Sa ibang cr nalang ako iihi! Ayun ay kung makakaihi pa ako. Mukhang umatras ito dahil sa nakita ko kanina.
Tumakbo ako papuntang locker area at hingal na hingal na napaupo sa couch. Jusko! First day na first day yun agad ang makikita ko?! Nakakainis! Ang gandang welcome naman nun. Hay! Lord pasensya na po at nagkasala po ang mga mata ko ngayon!
Pinapangako ko po na hindi na po mauulit yun, Lord!
Ano nalang kaya ang sasalubong pa sakin sa mga susunod na araw? Wag kang paranoid, Aura! Nagkataon lang yun kanina!
Ang hindi ko maintindihan ay bakit dun pa talaga nila ginagawa yun? Bakit hindi sa mga bahay nila o kaya sa mga motel? Sa cr pa talaga ng mga babae?!
Mukha namang hindi pasyente yung lalaki. Tapos nurse pa dito yung babae. Baka mag dyowa na sobrang miss na miss ang isa't isa kaya pati cr ay ginawang motel.
"Erase erase erase! Delete delete delete! Wala na yung nakita mo kani—." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may bigla akong naalala. My eyes widened in horror.
Iyong folder na dala dala ko!
Ano ba 'yan! Bakit ba kasi nabitawan ko pa. Nandun pa naman yung mga pahabol na information ko na ibibigay ko sana mamaya kay head nurse at yung mga pangngalan ng mga in-assign sakin na pasyente.. Nandun lahat sa folder na 'yon.
"Ay, stupida ka talaga!!" Binatukan ko ang sarili ko.
Paano ko kukuhanin? Baka mamaya nandun pa yung mga mahahalay na tao na naghahasik ng lagim sa loob ng cr. Hindi pa siguro yun tapos dahil naudlot ko sila kanina sa pagpasok ko! Mukha pa naman silang hayok na hayok sa isa't isa.
Mahirap na at baka magkasala nanaman ang mga mata ko! Ayoko na ulit makasaksi nun 'no. Mamaya ko nalang siguro babalikan. Hindi naman siguro sila aabutin ng isang oras dun 'diba??
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...