Veintinueve

149K 3.1K 62
                                    

Veintinueve

"Hay! Sino ba kasi yung sinasabi ni Yenny na lalaking nagiintay sa akin sa parking lot?" Sabi niya sa kanyang isip.

Lumabas ng ospital si Aura at tinungo ang daan papuntang parking lot. Nasa may right side ito ng ospital. Nang makarating siya doon ay nagpalingalinga siya ngunit wala naman siyang makitang lalaki na ayon sa kwento ng kaibigan ay sobrang gwapo daw. Ang tanging tao na nakita niyang nandun lang ay isang matandang babae na inaalalayan ng isang nurse.

"Napaka ano talaga ng babaeng 'yon. Tsk! Asan kaya 'yung sinasabi niya na gwapong papa daw eh wala naman akong makita? Gwapong papa ba talaga 'yon?" Wala sa sariling sambit niya. Naisip niya na baka nagbanyo lang marahil ang lalaki kaya wala ito doon ngunit sampung minuto na ang nakalipas pero ni anino ng lalaki ay wala siyang makita.

Ganoon nalang ang pagkagulat niya ng may biglang nagsalita sa likod niya.

"Gwapong papa?" Ani ng isang baritonong boses out of nowhere.

Biglang napalunok si Aura ng magsalita ito. At tila bang umakyat ang dugo sa mukha niya dahil narinig nito ang sinabi niyang gwapong papa. Huminga muna siya ng malalim bago ito unti unting hinarap.

"H-Ha?? Wala— Theo?!" Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang lalaking nasa likuran niya.

Nalaglag ang panga niya ng makita niya ito. Ibang iba sa Theo na nakasama niya noong mga nakaraang araw o linggo. Nakasuot ito ng kulay abong three piece suit na bagay na bagay sa mala adonis nitong katawan. Napakasopistikado at dominante ng dating. Mas lalo itong gumwapo dito. Malayong malayo sa Theo na ala bad boy ang datingan. Alam naman niya sa una palang na mukhang may kaya ang lalaki pero iba pala talaga pag nakita mo itong naka business attire.

"Tigilan mo nga 'yan, Aurora! Nagiging manyak ka na!" She mentally scolded herself. But to be honest, she's liking I mean loving what she's seeing right now.

Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa mukha ni Theo ng makita ang reaksyon niya.

"Hi, Aura." Bati nito sa kanya.

"Aura? Bakit niya akong tinawag sa pangalan ko lamang eh 'diba nurse rin ang tawag niya sakin tulad ni Luke?" Wala sa sariling napaisip siya.

Bumalik lang siya sa katinuan ng magsalita ulit ito. "Um, hello?"

"Ayy! Sorry! May sumagi lang sa isip ko. Pasensya na." Hingi niya ng paumanhin.

Ngumiti ang lalaki. "It's okay."

Biglang tumahimik ang paligid na para bang may dumaang anghel. Nagkaroon ng isang awkward silence kumbaga.

Tumikhim si Aura para mabasag ang katahimikan na nagpapailang sa kanya. "Ah.. Ano nga pala ang ginagawa mo dito? At saka ikaw ba yung sinasabi ni Yenny na gwapong papa este 'yung lalaking nagiintay sa akin dito?" Binatukan niya ang sarili sa isip niya. Nakakahiya ang mga pinagsasasabi niya.

"Yes, it's me. Nandito ako dahil gusto sana kita yayain sa isang event sa darating na sabado. Bid For A Cause iyon ng kaibigan kong si Yvo Dela Merced." May kinuha si Theo sa loob ng coat niya at iniabot sa kanya.

Isang itim na sobre na mukhang mamahalin ang itsura kahit na isang pirasong sobre lang iyon. Yvo Dela Merced? Parang pamilyar ang pangalang iyon.

Ay, oo tama! Napanood nila ni Yenny sa isang interview ng lalaking iyon sa tv noong nasa probinsya pa sila. Ayon doon ay isa itong shipping magnate. Crush na crush din nga ito ng kaibigan dahil napakagwapo daw nito ayon sa kaibigan niya. Meant to be daw silang dalawa dahil Yenny Dela Cruz siya habang Yvo Dela Merced naman ang lalaki. Ibang klase talaga ang kabaliwan ng kaibigan niyang 'yon sa totoo lang.

Nagtatakang tumingin siya kay Theo. "Ano 'yan kung 'di mo mamasamain?" Hindi niya muna ito tinanggap hanggang hindi niya alam kung ano ang nasa loob nito.

Naaliw na tumawa si Theo. "Don't be cute, Aura. Invitation 'yan para sa event."

Invitation? Ay, oo nga pala! Ito yung sinabi niya na Bid For A Cause daw at teka! Ano daw? Cute? Sinong cute? Ako?!

In-offer ulit sa kanya ni Theo ang invitation kaya no choice si Aura kundi kunin iyon dahil ang bastos tignan kung hindi.

"Ah, eh, teka.. Bakit mo nga pala ako iniinvite?" Aniya. Mukhang hindi basta basta lang ang event na iyon dahil hindi basta bastang tao lang si Yvo Dela Merced.

"Because I want you to be my date." Diredirecho nitong sagot.

Kumunot ang noo ni Aura. "H-Huh? A-Ako? Date?" Turo niya sa sarili habang nakakunot ang noo at nanlalalaki ang mga mata.

Theo chuckled then pointed at her. "Yes. You."

Nakakahiya man sabihin pero biglang namawis ang mga kamay niya at idamay mo na rin pati ang kili kili niya. Ang dugyot naman masyado!

"B-Bakit naman ako? T-Tsaka mukhang 'di naman ako bagay doon. Invitation palang mukhang mamahalin na. Paano pa kaya kung 'yung mismong event na?" Ayaw man niyang i-discourage ang sarili pero yun naman ang totoo. Hindi bagay ang isang katulad niya sa mga ganoong klaseng party.

Sumeryoso ang tingin ni Theo. "Don't degrade yourself. I don't like that. I'm the one who's inviting you, not them. I want you to be my date. Simple as that. And it's for a cause, Aura. Para iyan sa mga batang may down syndrome na hindi kayang ipagamot at pag aralin sa isang special school ng mga magulang nila."

Dun lang natauhan si Aura. Mga batang may down syndrome? Bigla nalang siya nakaramdam ng kung ano sa sarili. Naalala niya ang kapatid niyang si Abby. Tulad ng mga batang iyon ay may down syndrome din ang kapatid kaya mahal na mahal niya ang mga batang iyon. May espesyal na lugar iyon sa puso niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Kung ayaw mo hindi na kita pipilitin. I guess I will have to go alone then. Have a good day, Aura." Kinuha ulit ni Theo ang invitation sa kanya in a nice way.

Tumalikod si Theo at nagsimula ng maglakad. Medyo nakalayo na ito ng bumalik sa tamang pagiisip si Aura.

Nataranta naman siya bigla. "Theo!"

Tumigil ang lalaki at tumingin sa kanya. Nagtakbong lakad siya para maabutan ito.

"T-Theo! S-Sige na.. Uhm, sasama na ako!" Hinihingal niyang sabi.

Theo sweetly smiled at her at binigay ulit ang invitation sa kanya. "Good. So see you there." Ginulo nito ang buhok niya at naglakad na paalis. Nang mawala na ito sa tingin ni Aura ay may sumagi bigla sa isip niya na ikinalaki ng mga mata niya.

"Hala! Anong susuotin ko?!"

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon