Dieciocho
"Mr. Inoue, ito na ho iyong information ng taong ipinapahanap niyo sakin." Iniabot ng isang lalaking nasa edad kwarenta ang isang folder.
Inabot niya ito at may kinuhang isang sobreng puti sa loob ng maliit na drawer na nasa kanyang harapan.
"Here's the balance. Dinagdagan ko pa 'yan." Sabi niya pagkabigay dito.
Mas lalong lumapad ang ngiti ng mamang lalaki sa sinabi ng kanyang Boss. "Salamat po, boss. Sige ho at mauuna na po ako. Tawagan niyo lang po ako pag may ipapagawa kayo ulit sakin."
Tumango lang ito bilang sagot. Umupo siya sa swivel chair niya at binuksan iyon.
"Aura.. We'll see each other again soon.." And by that a smile appeared on his handsome face.
Aura
Katatapos ko lang maligo at magayos. Medyo binilisan ko nga kasi late na ako. Nalate kasi ako ng gising dahil nanuod kami ng sine ni Yenny kagabi kasama ng ibang mga co-nurses namin. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan kong kumakain ng almusal si Yenny.
"Good morning, Yens." Bati ko bago kumuha ng plato at umupo.
Nagangat naman siya ng tingin at binati rin ako pabalik. Hindi niya siguro ako namalayan kanina paglabas ko dahil busying busy siya sa kanyang cellphone.
"Girl, bilisan mo kumain ah? Kailangan natin makapunta sa ospital bago mag seven." Aniya habang nililinis ang pinagkainan niya.
"Bakit daw? Diba 7:30 naman yung in natin dapat?" Tanong ko. Ano kayang meron?
Napaisip siya sa tanong ko. "Ay, oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin sayo kagabi. Darating kasi 'yong may ari ng ospital kaya kailangan maaga tayo ngayon. Pinapatawag daw tayong mga bagong nurse. Nawala kasi sa isip ko kagabi kaya nalimutan kong sabihin sayo."
Ah! So makikilala na pala namin sa personal yung boss namin? Medyo nakakanerbyos ah. Baka kasi masungit. Pero ayos lang naman. Ang importante ay makilala namin siya ng personal.
"Okay. Saglit lang 'to." Kumain ako ng mabilisan para hindi kami malate. Nakakahiya naman kasi kung pagdating namin dun ay nandoon na yung may ari.
Maaga kaming nakarating ni Yenny. Mga 6:45. Buti nalang at walang traffic kaya madali kaming nakasakay. Kasalukuyan akong nasa may locker area ng mga nurses. Tumayo ako at humarap sa salamin na nandito.
Inayos ko ang nurse cap ko. Uso dito sa ospital namin ang nurse cap. Required na magsuot kami ng ganito kasi daw ito ang nagsisimbolo na isa kang tunay na nurse. Ang dami nilang ek ek sa totoo lang. Medyo maarte sila pag dating sa itsura namin. Kailangan lagi kaming presentable kasi karamihan ng mga makakaharap namin ay mga mabibigating tao. Which is true naman. Dito nga nakaconfine ang isang kilalang senador eh.
Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Simple lang ayos ko as usual. Baby powder lang at lip balm. Hindi naman kasi ako tulad ni Yenny na maraming nilalagay na kung ano ano sa mukha niya. Natural na maganda naman talaga si Yenny. Ewan ko lang kung bakit kailangan pa niya maglagay ng mga kolorete sa mukha. Tsaka hindi ako marunong maglagay ng ganun. Kontento na ako sa baby powder at lip balm.
"Attention to all our new nurses. Please go to head nurse Joana now. I repeat, go to head nurse Joana now." Sabi ng isang babae sa may intercom. Nandito na siguro 'yong may ari. Chineck ko ulit ang itsura ko bago lumabas. Syempre ayoko naman magmukhang gusgusin sa harapan ng boss namin no. Nakakahiya kaya pag ganun.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...