Quince
Aura
"Mahal kong Maynila!!" Matining na sigaw ni Yenny pagkababa't pagkababa namin sa sinakyan naming van.
Hinampas ko ang braso niya. "Hoy! Para kang timang dyan. Nakakahiya ka."
Inakbayan niya ako. "Ano kaba, girl! Syempre excited lang 'no! Ngayon lang kaya ako nakarating dito!! Tsaka bakit parang hindi ka masaya?"
"Eh, kasi naman miss ko na agad sila Nanay kahit na kanina ko lang sila huling nakita." Humaba ang nguso ko. Pero miss ko naman na talaga sila kahit ilang oras pa lang kami nagkakahiwalay.
"Ang drama mo, girl! Iyong nanay mo nga tuwang tuwa na binigyan ka ng oportunidad na ganito tapos ikaw parang ayaw mo pa. Alam niyang matagal mo ng pangarap ang makapagtrabaho dito sa Maynila kaso mas nananaig ang kabutihan dyan sa puso mo! Mas gusto mong tumulong sa mga tao sa probinsya natin." Mahabang litanya niya habang naglalakad kami paakyat sa titirhan namin.
Oo, tama kayo ng narinig. Paakyat. Dito kami titira sa isang condominium building. Nung una ay sobra akong nagtaka dahil napakamahal tumira sa ganun. Kaso in-explain naman samin na pagmamay-ari din ito ng may ari ng ospital na pagtatrabahuhan namin at may mga unoccupied units pa ito under him.
Lahat kaming napiling nurse ay dito muna titira. Iba iba nga lang kami ng unit. Dalawang tao kada unit. Alam ko na sa isang sikat na ospital kami magtatrabaho. Nakalimutan ko lang kung ano 'yong pangngalan. At saka aminin ko man o hindi, naeexcite din ako.
Dito daw muna kami mag se-stay hanggang sa matapos ang kontrata namin. Hindi ko alam kung ano trip ng ospital na papasukan ko para magkaroon kami ng ganitong treatment. Baka mabait lang talaga? Ewan ko ba.
"Girl, eto na yung atin." Huminto kami sa harap ng isang pinto. Nasa fourth floor ito.
Kinuha niya ang susi at binuksan. Literal kaming napanganga ni Yenny ng makita namin ang loob nito.
"Wow! Ang ganda naman nito! Pang mayaman na pang mayaman! Wow talaga!" Binitawan niya ang hatak hatak niyang maleta at nilibot ang unit.
Naiwan akong tulala sa may sala. Ang ganda naman kasi talaga ng unit. Sure bang dito kami titira? Baka naman joke lang yun, 'di nga?
"Hindi nga?" Yun lang lumabas sa bibig ko. Kung titignan mo kasi itong unit ay parang nasa hotel ka. Sobrang luxurious ng loob. Hindi kaya nagkamali lang kami ng unit? Para kasi talagang pinaayos ito para sa mga taong titira dito.
"Ganito daw talaga ang mga unit dito." Biglang nagsalita si Yenny.
Tinignan ko siya ng buong pagtataka. "Paano mo naman nalaman 'yan?"
"Kanina dun sa baba. Sabi ni ate janitress. Hindi mo ba narinig?"
Umiling ako.
"Ah, baka binababa mo pa yung gamit mo nung time na 'yon kaya siguro hindi mo narinig yung sabi ni ate."
"Siguro nga. Bakit? Ano ba sinabi sayo?" Tumaas ang kilay ko.
Tumawa siya. "Sabi niya na wag daw tayo magugulat pag nakapasok na tayo sa unit natin. Ganito daw talaga ang mga unit dito. Parang pang hotel. Nung una nga kala ko nagjojoke lang si ate janitress pero totoo pala."
Napatango nalang ako. Siguro nga mayaman talaga ang may ari nito. Magpasalamat ka nalang Aura at dito kayo pinatira.
"Nga pala, girl! Eto nalang ang kwarto ko, please!" Tinuro niya ang isang pinto sa kanan.
"Bahala ka. Para namang may magagawa ako!" Kinuha ko ang dala kong maleta at pumunta na sa kwarto sa may kaliwang bahagi ng unit.
Bago pa man ako makapasok ay narinig ko ang pag thank you niya. Well wala naman akong balak makipag agawan sa kanya ng kwarto. Parehas lang naman yun. Baka lang mas trip ni Yenny yung sa kanan.
Inayos ko muna ang mga gamit na dala ko bago ako naligo at nagpalit ng damit. Alas-sais na pala. Nakaramdam na rin ako ng gutom.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Yenny na nanunuod ng tv.
"Gutom na ko, Yens." Hinimas himas ko ang nagrereklamo kong tiyan.
"Parehas lang tayo 'no!" Inoff niya ang tv bago tumayo.
"Wala pa tayong supply ngayon. Bukas nalang tayo mag grocery. Ano mas gusto mo? Padeliver o kain nalang tayo sa labas? Tutal maraming malapit na kakainan diyan." Tanong ko sakanya.
Saglit siyang nagisip. "Kasi pag nagpadeliver tayo baka mamaya pa dumating. Gutom na kasi talaga ako eh. Inintay lang kita lumabas ng kwarto mo kanina."
"Sige, kain nalang tayo sa labas." Nagpalit lang ng tshirt si Yenny bago kami umalis. Sinigurado din niyang nakalock yung pinto.
Nag jeep lang kami ni Yenny papuntang Mcdo. Nadaanan kasi namin iyon kanina habang papunta kami ng condominium kaya alam namin kung nasaan ito. Habang kumakain ay napagusapan namin ang kasalukuyang nangyayari samin.
"Parang ang bilis ng pangyayari 'no, Yenny? Parang kanina lang nasa probinsya tayo tapos ngayon nandito na tayo sa Maynila." Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari. Parang ang hirap isipin.
"Ganun talaga yun, girl! Magpasalamat nalang tayo at tayo ang napili nila. Tsaka ang gandang oportunidad kaya ito."
Napangiti ako. "Sabagay. Tama naman siguro yung naging desisyon ko na tumuloy dito. Gusto ko rin kasing makapagipon para mapagpatayo ko ng negosyo si Nanay."
"Tama! Basta ako pag medyo matagal na experience ko sa trabaho baka ituloy ko ang pagaabroad. Gusto ko rin makahanap ng gwapong papa!" Tuwang tuwa na sabi niya with matching palakpak pa. Hay nako.
Napailing nalang ako sa dahilan ng babaeng 'to. Alam ko naman kasi na nagjojoke lang yan. Ang tunay naman kasing dahilan kaya gusto niyang magabroad ay dahil gusto niyang hanapin ang kanyang nanay. Nagabroad kasi ito dati pero hindi na bumalik. Masyadong komplikado din naging buhay niyan. Wala na rin kasi siyang tatay kaya siya ang magisang bumubuhay sa dalawa niyang nakababatang kapatid.
Nasa isip ko din naman mag abroad kung bibigyan ng opportunity. Pero titignan ko pa. Okay lang naman sakin kahit na ano.
"Ewan ko sayo, Yenny!" Inirapan ko siya.
"Nga pala, Yenny, ano daw ulit pangalan ng ospital na pagtatrabahuhan natin? Nakalimutan ko kasi eh." Napakamot ako sa ulo. Baliw ka talaga, Aura! Hindi mo alam ang pangngalan ng ospital na pagtatrabahuhan mo?
Humagalpak sa tawa si Yenny. "Abnormal ka talaga, Aura! Eh ako nga kabisadong kabisado na kahit nung nasa probinsya pa tayo eh! Lumilipad talaga palagi ang utak nito."
Humaba ang nguso ko. "Grabe ka naman. Nakalimutan ko lang!"
"Hay nako! Laughtrip ka talaga, Aurora! SMH ang pangalan ng ospital! Short for 'SAAVEDRA MEDICAL HOSPITAL'."
Ay, oo nga pala. Stupid, Aura. Natatandaan ko na ngayon. Marami lang kasi akong iniisip kaya nalimutan ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon na doon kami lilipat. Hindi madigest ng katawan ko iyon. Kilalang kilala kasi ang ospital na iyon sa buong Pilipinas. Nanguna pa nga ito sa listahan ng pinakamagandang ospital dito. Magagaling kasi talaga ang mga doktor at nurses nila dun. Kaya isang karangalan para samin na makakapagtrabaho kami dun. At saka matagal ko na itong pangarap na makapagtrabaho ako sa isang sikat na ospital.
Pagkatapos namin kumain ni Yenny ay umuwi na kami agad. Sa lunes pa naman kami magsisimula pero ramdam na ramdam na namin ang pagod mula sa byahe kanina.
"Goodnight, Yens." Sabi ko bago pumasok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...
