This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system or transmitted in any form by any means electronics, mechanical, photocopying, recording or otherwise, except being extracts for the purpose of reviews without written permission of the author.
© Assyla Vemen
Cero/Prologue
Palabas na sana ako ng hospital ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad.
"Aura, bestfriend!" Sigaw ng isang boses babae na kilalang kilala ko naman kung sino. Si Yenny.
"Hmm?" Dahan dahan akong lumingon sa likod ko.
Nagtaka ako ng di oras dahil ngiting ngiti ito. Ngiting nakakaloko. Napaka weirdo naman nito ngayon sabi ko sa sarili.
Magsasalita na sana ulit ako ng may bigla itong inabot sa akin na isang regalo.
"Huh? Para saan 'yan?" Pagtataka ko dahil hindi ko naman birthday at wala 'ring mahalagang okasyon ngayon sa pagkakaalala ko.
Bahagya itong natawa sa sinabi ko. May nasabi ba akong nakakatawa?
"Ano ka ba! Naiwan mo kaya yan sa locker mo. Kukunin ko na dapat yung binilin mo kanina para sa isang pasyente. Sakto pagbukas ko nahulog iyan. Akala ko nakalimutan mo lang kunin 'yan kaya hinabol kita." Turo niya sa regalo.
"Huh?" Buong pagtataka ko. Binigyan ko siya ng Hindi-Ko-Alam-Ang-Sinasabi-Mo look.
Mukha namang nainitindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Ibig sabihin hindi mo 'yan nilagay o naiwan lang doon? O wala ka talagang tinanggap na regalo mula kanino?" Takang tanong din niya at kumunot ang noo.
Tumango ako dahil wala talaga akong alam. Wala naman kasi 'yan kanina nung kinuha ko ang mga gamit ko.
Napatingin kami pareho sa hawak kong regalo.
"Tignan mo nga kung may card." Suggestion niya.
Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa upuan na malapit sa amin at unti unting binuksan ang regalo.
Nakabalot parin ang loob nito kaya di pa namin malaman kung ano ang laman nito.
"Ayan yung card oh!" Kinuha ito ni Yenny at iniabot sa akin.
Dali dali ko itong kinuha at binasa.
Bigla akong nanlumo sa nabasa ko at hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang hawak hawak kong card. Naramdaman ko din ang pag init ng mga sulok ng mga mata ko.
Pinulot ito ni Yenny at malakas na binasa..
'I'll be back. Wait for me. - Migi'
BINABASA MO ANG
My Billionaire Patient (TLS #1)
RomanceAurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tahimik na buhay niya. Pero nagulo ang kanyang sistema ng makilala niya ang isang bagong pasok na pasy...