"What are you doing?" Inigo's eyes were looking at her seriously.
She didn't know how to react, nakatulala lang sya sa mukha nito. Nagulat sya sa biglang pag hila nito sa kanya. Hindi nya iyon inasahan. Kinakabahan din sya sa isiping ramdam nito ang ginawa nyang pantititig kanina. Samahan pa na hindi sya komportable sa kanilang posisyon ngayon.
Pero pinilit nyang alisin ang pangamba sa sarili. Hindi dapat sya mag pahalata dito. Baka sa halip na wala itong alam ay baka mas lalong maging halata na guilty sya sa harapan nito.
"I was about to wake you." Normal ang tono mg boses nya.
Si Inigo naman ay hindi na alam ang sasabihin. Hindi nya pinag isipan ang ginawa nya. Nang ramdam nyang lalayo na si Anastasia kanina ay nakaramdam sya ng pag kadismaya kaya nahila nya ito.
"And why did you pulled me like that?" may kalakasang sambit ni Anastasia.
Muli ay hindi sya nakasagot at tila nag sisi sa ginawa nyang paghila dito. Sa kanilang dalwa ay mas halata na sya ang mas na apektuhan. At sya ang nag mukhang assuming at nag hangad ng may iba pang gagawin ang step sister nya. Dahan dahang lumuwag ang hawak nya sa palapulsuhan nito saka naman mabilis na umalis si Anastasia sa kanyang kandungan at naupo ito sa tabi nya.
"Hindi na sana kita gigisingin kaso naisip ko na baka mangalay ka sa pwesto mo. Saka baka kinabukasan magalit ka sakin dahil hindi kita ginising. Paalisin mo ako dito dahil dun."
Hindi sya makapag salita. Tila binabalot sya ng hiya dahil sa inasta nya. Pinilit nyang kalmahin ang sarili, ayaw nyang mag isip ng kung ano ano si Anastasia. Baka kung anong isipin nito sa paghila nya dito. Hindi pa maganda ang kinalabasan nuon dahil sa kandungan nya ito napa upo.
"I'm sorry. I was just carried away by the presence. I thought you were my girlfriend." pag dadahilan nya.
Iyon lang ang pumasok sa kanyang isip na pwedeng idahilan. Abot langit ang kanyang panalangin na sana ay hindi na ito mag tanong ng kung ano pa.
Napanguso naman si Anastasia sa narinig. Tila hindi nya nagustuhan ang huling sinabi nito. Hindi nya alam na may girlfriend na ito. Lagi nyang nababalitaan na may kasama itong ibat ibang babae. Pero sa balita nya ay wala ditong nag tatagal.
Sino kaya ang girlfriend niya ngayon? Maganda kaya? O baka mas maganda pa ako.
"You have a girlfriend?" Tanong nya.
"Yeah." Tango nito. "Maaga pa ako bukas. Aakyat na ako." paalam nito at tumayo na.
Tumayo rin sya para mag kapantay sila nito tapos ay ngumiti sya ng malapad na parang walang nangyari. "Okay, goodnight."
Napatitig naman si Inigo sa ngiti ni Anastasia. Hindi na nya nagugustuhan ang nararamdaman nya. Parang unti unti na syang tumitiklop dito at hindi iyon maganda para sa kanya.
Napahinga sya ng malalim.
"Goodnight." mahina niyang sambit pag katapos ay lumakad na sya patungong hagdan at hindi na tiningnan o tinapunan ng tingin si Anastasia hanggang sa maka akyat na sya sa hagdan.
....
Pang anim na nilang araw sa barko. Nasa Surabaya Indonesia na sila at duon sila sunod na itu-tour. Wala sana syang balak mag pakita duon pero baka magalit na sakanya ng tuluyan ang step brother nya. At iniiwasan nya rin itong makita dahil nahihiya parin sya sa ginawa nyang pagnanasa dito kagabi.
BINABASA MO ANG
Seafarer Escapade 3: Inigo Della Rovere
Romance⚠️ WARNING: R18/SPG ⚠️ Aside from the owner of Rovere Oil Corporation, Inigo Della Rovere is also one of the most exemplary ship captain in all over asia and most eligible bachelor in town. There is two things that he always want to avoid. First is...