Chapter 30

6.2K 122 3
                                    




Six months have been passed and Inigo is still trying to find Anastasia. Kahit magagaling na investigator na ang kanyang na hired ay hindi parin matagpuan kung nasaan ito. Laging mainit ang kanyang ulo at lahat ay damay duon. Kahit sa trabaho ay konting pag kakamali lang ay tinatanggal nya agad ang mga nag kakamali. Kahit ang pitong taon na nyang secretary ay wala narin.





"Get out, you're all fucking useless! Isang tao lang ang pinapahanap ko pero hindi nyo matagpuan kung nasan sya." Inigo burst out in anger and frustration.






"Sorry Sir." nakayukong turan ng tauhan nya.






"Pasensya na Sir, mukha ho talagang may humaharang samin para hindi kami makakuha ng impormasyon kung nasan ang pinapahanap nyo." paliwanag ng isa.








Nag tiim bagang sya dahil sa narinig. Alam nyang totoo yun at ang kaibigan nyang si Clydell ang paniguradong may kagagawan nun.







Fuck him!






"Get out of my sight." nag pipigil nyang saad. Huminga sya ng malalim saka lumapit sa may sofa at binalibag ang unang gamit nyang nadampot. Napahawak nalang sya sa kanyang sintido at hinilot iyon. Iniisip nya kung saan maaaring dalhin ng kaibigan nya si Anastasia.





"Damn! Your a mess man."






Hindi sya lumingon sa nag salita. Alam na nyang ang mga kaibigan nya iyon at paniguradong aasarin lang sya. Tuwang tuwa ang mga ito na makita syang ganon ang itsura.






"Tsk. Get out Ander, all of you! don't fucking tease me. Wala akong panahon sa inyo." he exclaimed.






Hindi nya pinansin ang mga ngisi ng kanyang mga kaibigan at sumandal nalang sya sa may sofa at sinusubukang kalmahin ang sarili.






"Sayang naman, alam ko pa naman kung nasan si Escadeja.....Well I guess kasama nya ngayon si Anastasia." parinig ni Hugo.





Bigla syang napamulat at napatingin kay Hugo. Sinubukan nyang basahin ang mukha nito kung niloloko lang ba sya.






"What? Do you need anything?" Hugo asked curiously.





"You know where are they?" paninigurado nya.





Ngumiti lang sa kanya ang kaibigan. Ngiting nang aasar.





"Stop playing with me. Lumayas na kayo kung ayaw nyong ipakaladkad ko kayo sa mga guwardya ko." inis nyang bigkas dahilan para pagtawanan sya ng mga kaibigan nya.






"Fuck! You're fucking inlove man.." Rowan laughed.






"Fix yourself man. Damn! You aged like your dad." Enzo.





"Tss. Stop pestering me cockroaches!" he said displeased.






"Okay let's go boys, mukhang hindi yan sasama sa pag dalaw kay Escadeja."





Lalong nangunot ang noo nya sa narinig. Hindi nya pinansin ang mga nag sisialisang mga kaibigan. Gusto nyang komprontahin ang mga kaibigan sa sinabi nila. Pero huli na at mga nag sialisan na ang mga ito. Kilala nya ang mga ito. Napailing nalang sya at dali daling tumayo at lumabas ng office nya. Alam nyang nais syang pasunudin ng mga ito. Ng makababa na sya ng building ay inabot sa kanya ng bodyguard nya ang susi tapos dali dali nyang pinatakbo ang ang sasakyan at sinundan ang mga sasakyan ng mga kaibigan nya.





Seafarer Escapade 3: Inigo Della Rovere Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon