Chapter 28

6.1K 119 2
                                    





"Inigo." gulat na sambit ng ina ni Anastasia ng makita siya sa na nakaupo sa may sala. Dali dali itong lumapit sa kanya. Halata nya sa mukha nito na kakagaling palang nito sa iyak.




"Kumain ka na ba? Bakit ka naparito? Wala pa ang Daddy mo. Pero parating narin siguro yun. Do you want anything?"






Sunod sunod ang tanong nito sa kanya. Sa tuwing pumupunta sya dito para dalawin ang kapatid nya ay ganto lagi ang bungad nito sa kanya. Mabait naman talaga ang pakikitungo nito sa kanya. Pero ito parin ang may kasalanan kung bakit nag pakamatay ang ina nya. Kaya ayaw nya itong pakitunguhan ng ayos.




"No, I'm not here for Dad. I just want to ask if Anastasia already called." seryoso nyang sabi.





Pinagmasdan nya ito na tila naluluha. Nag dadalwang isip kung sasagutin ba ang tanong nya.





"Actually, kanina lang sya tumawag sakin. Ang sabi nya ayos lang sya. Kasama sya ng Daddy nya. Pero hindi parin ako mapanatag. Kilala ko si Arnold, baka saktan na naman nito si Anastasia. Hindi ko alam kung anong gusto nito at bigla nalang nag pakita sa anak ko."




Nangunot ang noo nya sa narinig. Mas lalo syang nag aalala sa lagay ni Anastasia. Lalo nat ang tunay na ama ang kasama nito.




"Where is she? Did she tell you kung saan sila pumunta?"



Naluluha itong umiling. "No."




"Kuya Inigo!" napalingon sya sa kapatid nyang tumawag sa kanya. Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap sya.





Niyakap nya ito pabalik "Hey, how are you?"






Agad itong bumitaw sa pag kakayakap at malungkot na tumingin sa kanya. "Did you know where's ate Anastasia is? Pinapahanap na sya ni Daddy, pero hindi parin sya makita. I'm worried about her. Baka kung ano ng mangyari sa kanya. Saka she don't know anything pa naman. She's kinda brat and mataray baka----"





Naputol ang sinasabi nito ng biglang nag salita ang ina ni Anastasia.





"Alizza, your ate is fine. She called me already."




"Really Mommy? Where is she? Is she okay?" hindi maka paniwalang tanong ng kapatid nya.






"She's with her father. She's fine."





"Her real father?" paninigurado ni Alizza.





"Yes." seryoso nitong sagot. Pag katapos ay binalingan sya nito ng tingin. "Stay here for dinner."





"No, I have something to do." pag tutol nya. Rinig nya ang angil at pag padyak ng  paa ng kapatid nya kaya napatingin sya dito.





"Kuya, stay here for dinner na kasi. Saka wala pa si Daddy. Minsan ka na nga lang umuwi dito tas wala ka pang one hour na nag sstay aalis ka na agad. Magagalit ako kapag umalis ka agad. Sige ka! "




"Alizza is right. Hintayin mo na ang Daddy mo." may maliit na ngiti sa labi nito, ngunit halata sa mata nito ang lungkot. "Maiwan ko muna kayong dalwa, I will help Manang Lucing to cook our dinner."




....





HALOS isang oras ng nag kekwento ang kapatid nya. Kahit wala syang naiintindihan sa sinasabi nito ay tumatango nalang sya minsan. Nag lalakbay ang isipan nya kung nasaan si Anastasia. It was all his fault, kung pinilit nyang mag paliwanag dito ay baka naayos pa nya ang gulo. Two months ng  ginugulo ni Anastasia ang buo nyang sistema at pag katao. Minsan ay pakiramdam nyay masisiraan na sya ng bait kapag naiiisip kung anong ginagawa nito kasama si Clydell.



Seafarer Escapade 3: Inigo Della Rovere Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon