Prologue

22.9K 290 37
                                    

Atomic

Prologue

Sa isang tambayan sa isang tanyag na unibersidad nakaupo ang tatlong pares ng magnobyo at magnobya habang nagmemeryenda. Isang binata na nakasalim, medyo kulot ang buhok at may bitbit ng isang supot na puno ng canned drinks ang paparating.

“O yan na si Jay” sabi ni Jenny. “Dalian mo nga pare nauuhaw na kami” sigaw ni Ronald, ang nobya ng dalaga. Nakalapit si Jay, agad siya naupo sabay inabot isa isa ang mga inumin ng kanyang mga kaibigan.

“Thanks Jay” sabi ni Paulette. “Pare nasan na yung sukli?” tanong ni Bryan, ang nobya ng dalaga. “Nandon, ayaw sumama e” sagot ni Jay kaya nagtawanan ang mga dalaga. “Nakalimutan mo?” tanong ni Bryan. “Ang kulit mo talaga, sinabi ko nga sa iyo ayaw sumama e. Ano gusto mo pipilitin ko?” banat ni Jay kaya lalong natawa ang mga dalaga.

“Pare ibigay mo na, di nanaman makakatulog yang Ilokano na yan” biro ni Stephen. “Oo nga, alam mo naman na gano kahalaga ang pera sa kanya” dagdag ng nobya niyang si Vivian. Tumayo si Jay, naglabas ng pera sabay inabot sa kaibigan niya. “Kulang to” sabi ni Bryan.

“Excuse me, naglakad ako papunta sa store. May bayad din yung effort ko” sabi ni Jay. “Nilibre na nga kita ng meryenda mo diba?” sagot ni Bryan. “O nilibre mo nga ako, iba naman usapan yung bayad sa pag utos sa akin na lumabas para bumili. Wala nang libre ngayon boy” sabat ni Jay.

“Dude, understood na yon” sabi ni Bryan. “Soli mo na Jay” sabi ni Stephen. “O yan” sagot ni Jay sabay abot ng pera. “Pare kulang pang bente” sabi ni Bryan. “Awww, ang Ilocano talaga ang galing galing sa math” landi ni Jay kaya napatawa niya yung mga kaibigan niya. “O yan, saksak mo sa bakal mong piggy bank! Iwelding mo narin yung butas sabay ikadena mo yung baboy mo sa kama mo para pag pinasok kayo ng magnanakaw sa gabi pati ikaw matatangay nila” banat ni Jay.

“Siraulo, kukupit pa kasi e mas madami ka naman pera kesa sa akin” sabi ni Bryan. “Tanga tinetesting ko lang math skills mo” sabi ni Jay kaya umariba ulit sa katatawanan. “Uy Jay, kailan ba mabubuo yung friendship of eight natin? Kulang nalang ng isa o” pacute ni Vivian.

“Lucky seven nga e” sabi ni Jay. “Lucky nga pero yung isa diyan lonely naman” sabi ni Paulette. “Sino nagsabi lonely ako? Di naman ako lonely ah” sabi ni Jay. “Pare diba sabi natin noong high school tayo dapat by third year college may girlfriend na tayong lahat” paalala ni Ronald.

Inayos ni Jay salamin niya sabay napabuntong hininga. “Alam niyo do not rush me, nasa third year palang tayo. Kakasimula palang ng school year. Siguro wala pa talaga yung babaeng nararapat para tanggalan ko ng salamin. Alam niyo naman pag tinaggal ko salamin ko para maging Superman niya” banat ni Jay kaya kinilig ang mga dalaga.

“Dami mong alam” sabi ni Bryan. “Hello naka glasses ako, alam ng lahat ng matatalino ang mga naka glasses” landi ni Jay. “Ulol, malabo lang mata mo kaya ganyan” sabat ng kaibigan niya. “Uy don’t be like that to him” sabi ni Paulette.

“Dapat kasi pare tinuloy mo na ligaw mo kay Sharon e” sabi ni Ronald. “Diyos ko yung babaeng yon napaka possessive” sabi ni Jay. “Ay ayaw mo ba ng ganon?” tanong ni Jenny. “Unless e may playboy tendencies ka na di namin nalalaman ha” dagdag ni Paulette.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon