Chapter 9: Bubuyog

11K 176 51
                                    

Chapter 9: Bubuyog

Kinabukasan bad mood si Jay pagkat wala siyang natanggap na text message mula sa crush niya. Pagkatapos mag agmusal pinagmadali niya kapatid niya papunta sa kotse. “Why are you so grumpy?” tanong ni John.

“Di mo ba nabasa yung news? Namatay na yung isang dwarf, ako na papalit sa kanya” sagot ni Jay. Di tumawa si John pagkat alam niya bad mood ang kanyang kuya. Pagpasok niya sa kotse may nakita siyang pink phone sa flooring. “Kuya kanino to?” tanong ni John.

Nanlaki ang mga mata ni Jay, “Kaya naman pala..she left it” bigkas niya sa tuwa. “She? Your crush?” tanong ni John. “Wow, huh akalain mo naman. May rason ang lahat John kaya wag ka agad agad magagalit. Now be a good boy and take out the phone charger sa glove compartment” sabi ni Jay.

Chinarge ni John yung phone tapos nagulat siya pagkat ang bilis magpatakbo ng kuya niya. “Kuya slow down” sabi ni John. “Please John you do not understand. This is a chance for me. I can go to her now and return her phone, akalain mo nga naman something negative turned into a positive” sabi ni Jay.

“Kuya please slow down, ayaw ko pa mamatay” sabi ni John pabiro. “Magkano ulit ang taxi papunta sa school niyo?” tanong ni Jay. “Fast is good, ang galing galing mo magdrive kuya” kabig ni John kaya natawa si Jay. “Good boy, ngayon lang to John. Hindi mo maiintindihan ano ibig sabihin ng chance na ito” sabi ni Jay.

Pagkahatid sa kapatid niya dumiretso siya agad kina Leilani. Pumarada siya sa tapat ng gate, bigla siyang tinamaan ng nerbyos kaya sinubukan muna niya pakalmahin ang sarili. “Hi, you left your phone in the car…” bulong niya. “Hi Lei, uy naiwan mo phone mo sa kotse kahapon. Nakita lang ng bro ko kanina” bulong ulit niya sabay inuga ang kanyang ulo.

Lumabas na siya ng kotse, inayos muna ang sarili bago lumapit sa gate. Pag pindot ng buzzer doon siya tinamaan ng pagkaduwag. Di na siya mapakali, palakad lakad siya at hinahanda na speech niya para sa magbubukas ng gate. “Ay hello po naiwan po ni Leilani phone niya kahapon…” bulong niya pero napatigil pagkat naririnig niya na nagbubukas na yung gate.

Nagulat si Jay pagkat crush niya yung nagbukas nito, “Oh Jay” bigkas ng dalaga. “Lei, good morning. Eto pala o yung phone mo. Naiwan mo sa kotse. Sorry at kaninang umaga ko lang nakita nung ihahatid ko na brother ko” sabi ng binata.

“Oh thank God, I thought I really lost it at school. Akala ko nga nadukutan ako habang nasa shade ako” sabi ng dalaga. “Ah baka nahulog nung pinapasok mo yung pulvoron” sabi ng binata. “Oo nga, uy thanks ha” sabi ni Leilani. “Sure, ah nacharge ko narin siya konti while on the way here. Baka kasi naisip ko na kailangan mo gamitin today so..ayon at hindi ko inopen yan” sabi ni Jay. “I trust you Jay” sabi ng dalaga kaya napakamot si Jay sabay napangiti.

“Thank you talaga” sabi ng dalaga sabay ngumiti. “Hey Lei..would you like to ride with me going to school?” tanong ni Jay. Napatigil ang dalaga, ngumiti sabay nag nod. “Great, I will wait for you here” sabi ng binata. Humarap si Jay sa kotse niya pero nagulat siya nang nasa tabi na niya crush niya at dala na ang bag.

“Kasi I was waiting for kuya Ton, pinacheck lang saglit yung brakes ng car kasi nabasa kahapon” sabi ng dalaga. “Oh okay” sabi ni Jay kaya binuksan na niya yung pintuan. “Watch your head” bulong niya. Pagkapasok ng dalaga sinara niya yung pintuan. Napatingin siya sa langit saglit sabay ngumiti.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon