Chapter 13: Bodyguard
Isang araw pagkatapos ng exams week napadalaw si Leilani sa tambayan ni Jay kung saan nag iisa lang yung binata. “Hi” bati ng dalaga. “Uy Lei, come sit” sabi ni Jay kaya ang dalaga nakitabi sa kanya.
“Mentally drained?” tanong ni Jay. “Medyo, ikaw ba?” tanong ng dalaga. “Oo e, pinarusahan kami ng husto nung isang professor namin. Pero okay lang ata ako” sabi ng binata. “Well at least tapos na. Nasan sila?” tanong ni Leilani.
“Ayun, may kanya kanyang date” sabi ni Jay. “I see” sagot lang ng dalaga. “How about you?” tanong ng binata. “Wala yung dalawa, umuwi sila sa probinsya nila. Hey, I have this friend who is a photographer and he was inviting me to a photoshoot” sabi ni Leilani.
“Wow, so magiging model ka na?” tanong ni Jay. “Not really pero alam mo medyo pangarap ko din yon” sabi ng dalaga. “Ha? Bakit not really?” tanong ni Jay. “Well parang gagawa lang ng portfolio ko then…bale parang yung ginagawa nung iba”
“Post ng photos sa Facebook hanggang sa madiscover sort of” sabi ni Leilani. “Sorry di ako masyado nagsosocial network kasi” sabi ni Jay. “Some who are really pretty get discovered right away without doing anything. Some use Youtube, they do video logs”
“Some do model for photographers tapos ipopost nila sa Facebook. Its just a tiny dream of mine actually” sabi ni Leilani. “So kailan yan?” tanong ni Jay. “Saturday, out of town” sabi ng dalaga. “Out of town? Sino kasama mo? Yung photographer lang?” tanong ng binata.
Tinignan ni Leilani mga sapatos niya, “Samahan kita” sabi ni Jay kaya dahan dahan siya tinignan ng dalaga. “Sasamahan mo ako?” tanong niya. “Well if you want…no no, sasamahan kita, I want to” sabi ni Jay kaya napangiti ang dalaga.
“I would really appreciate you accompanying me Jay” sabi ni Leilani. “Done, sasamahan kita. So san ba yan?” tanong ng binata. “Somewhere out of Manila, malapit lang daw. I actually came here to…” sabi ng dalaga. “So just tell me what time I shall pick you up” sabi ni Jay.
“Salamat talaga. Its just a really tiny dream of mine, at matagal narin niya ako kinukulit kasi. Nakikita ko naman mga photos sa fan page niya and he is good so maybe now is the right time to cross this off my list of things I wanted to do” sabi ni Leilani.
“Lei, medyo creepy. May sakit ka ba?” tanong ni Jay. Natawa ang dalaga sabay kinurot ang binata. “Baliw wala no, bakit ikaw wala ka bang mga goals or dreams? Mini dreams, tulad ng matuto lumangoy” sabi ni Leilani. “Aray, naman diniin pa. Meron din naman” sabi ni Jay.
“O why not start chasing those mini dreams? Kung wala kang gagawin e di hanggang pangarap nalang sila diba? For me hindi naman sa gusto ko maging real model, I just want to have the feeling of what it is to be one. The opportunity is here so why not grab it?” sabi ng dalaga.
“Pero di naman lahat ng pangarap pwede maabot e” bulong ni Jay. Biglang sumandal si Leilani ng madiin sa kanya, “You will never know unless you try” pacute niya. “Pag nasubukan mo na at di talaga maabot ano gagawin mo?” tanong ng binata. “Hmmm…try again. May two lives ka pa tapos pag ubos na pa gift ka sa friends mo” banat ni Leilani kaya nagtawanan sila.
BINABASA MO ANG
ATOMIC
RomanceSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC