Chapter 8: Seat Belt

11K 179 41
                                    

Chapter 8: Seat Belt

“I have loved you only in my mind but I know there will come a time to feel this feeling I have inside. Youre a hopeless romantic they say nyanyanyanya I don’t know what to say…to saaaaayyyy” birit ni Jay kaya super halakhak ang kanyang mga barkada.

“Dunno what to do whenever you are near, dunno what to say, my heart is floating in…when you pass by I could fly. Every minute, every second of the day I dream of you in the most special waaaayy” hirit niya kaya halos maluha luha na ang mga kaibigan niya sa sintunadong boses niya.

“Alam ko my voice does not give justice to the song pero it is not about my voice. It is about what I really feel inside and that song sums it up” sabi ni Jay. “Naks, kakaiba ka today pare ah” sabi ni Bryan. “Pasensya na kasi umaapaw talaga yung feelings na naipon sa loob loob ko ng matagal”

“You have been my friends for a long time and I wish to share my happiness with you all. So ahem ahem…let me continue” sabi ni Jay. “Please wag na, we get it already. As in” sabi ni Paulette kaya natawa si Jay sabay tumayo. “Di pala ako makikilunch sa inyo today. I will ask her out” sabi ng binata.

“Bry sino yan?” tanong ni Paulette. “I really don’t know who this guy is” sagot ni Bryan. “Pare seryoso ka you will ask her out to lunch?” tanong ni Jenny. “Alam mo ba classroom niya today?” dagdag ni Vivian. “Nope, I want to treat her to lunch. I will find her and I will treat her out. I am going to make it happen” sabi ni Jay sabay umalis na.

“What the hell did you three do to him?” tanong ni Bryan. “Bakit kami? He is doing that on his own” sabi ni Paulette. “Pero kayong tatlo lagi niya pinaghihingian ng advises so what the hell did you tell him?” tanong ni Stephen. “Wala naman no. Respect naman for him, sabi niya he wants to do it so he will do it” sagot ni Jenny.

After lunch nakita nila si Jay sa tambayan nag iisa at mukhang malungkot. “So how was lunch?” tanong ni Paulette. “Nothing happened” bulong ni Jay. “Ano nangyari?” tanong ni Vivian. “Nandon ako, hinanap ko siya. Nung nakita ko kagagaling nila ata sa labas para kumain. So nagtago nalang ako kesa mapahiya pa” sabi ni Jay.

“Bakit ka nagtago?” tanong ni Paulette. “Imagine this, pag nakita ako ano naman sasabihin kong rason bakit ako nandon? Alangan na gagamitin ko nanaman yung visiting friends reason. Alangan na sabihin ko yayain ko sana siya maglunch e kitang kita na katatapos lang nila”

“So to save the embarrassment nagtago nalang ako. Badtrip lang ako kasi wrong timing. Dapat hindi ako tumambay dito kanina at dumiretso na ako sa kanya. Oh well no one to blame but me” sabi ni Jay. “O sige na classes pa” sabi ni Jenny. Nagpaiwan si Bryan sabay inakbayan niya kaibigan niya.

“Pre, hinay hinay din konti. Porke something nice happened does not mean sige ka lang ng sige. Oo tagal ka namin inaasar at pinipikon pero pare take your time. No pressure, kasi pag padalos dalos ka baka magkamali ka bigla” sabi ni Bryan.

“Yeah, tsk, di ko lang kasi macontrol yung nararamdaman ko pre. I like being with her, I know that in order for that to happen kailangan ko kumilos” sabi ni Jay. “I know that feeling pare, remember you were with me before nung nanliligaw ako. Naalala mo ba nung desperate moments ko you kept me calm”

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon