Chapter 21: Atomic
Kinabukasan ng dismissal habang papunta si Jay sa parking area may isang binata na tumakbo papunta sa kanya. “Jay, may lalake don na nakatambay sa kotse mo. Pinapaalis namin pero ang siga siga niya e” sumbong nito.
“Sino?” tanong ni Jay. “Di namin kilala pero pinagsabihan ko na, ayaw parin umalis e” sabi nung lalake. Nagmadali silang maglakad at pagdating sa parking area napailing si Jay nang makita si Xavier. “Ayan o” sabi nung lalake. “Sige na, salamat pre, ako na bahala dito” sabi ni Jay.
Lumapit si Jay sa kay Xavier na nakasandal sa kanyang kotse. “I told you babalik ako, o eto payong mo. Salamat” sabi ni Xavier. Kinuha ni Jay yung payong sabay pinagmasdan ito. “Ang dami mo namang arte, walang sira yan” sabi ni Xavier. “Tinitignan ko lang kung may bahid ng dugo. Baka ginamit mo tong armas, baka ginamit mong panaksak” sabi ni Jay.
“Tss…you really think I am a bad person” sabi ni Xavier. “Wala akong sinabi, ikaw mismo nag isip niyan” sagot ni Jay. “Maganda dito sa school niyo…” bulong ni Xavier sabay napangiti. Sinundan ni Jay mga mata ng binata at nakita ang isang magandang babae sa malayo.
“May boyfriend na yan” sabi ni Jay. “Oh so type mo pala siya” banat ni Xavier kaya nagtitigan sila. “Gago” bulong ni Jay. “Diba ganon type mo? Yung may boyfriend na” hirit ni Xavier. “Look who’s talking” sabat ni Jay. “Well I didn’t know she had one” sabi ni Xavier.
“Me too” sabi ni Jay. “E bakit ngayon alam mo na umaasa ka parin?” landi ni Xavier. “I am just being a friend to her. Nung nalaman ko na may boyfriend siya it was too late. Naging magkaibigan kami, nung nalaman ko alangan na iiwan ko nalang siya sa ere” sagot ni Jay.
“Bro relax. Orientation noon, may hangover ako, nakatabi ko siya. Nabighani ako agad pare. Nawala hang over ko. After orientation…tss ayun na nakita ko meron na pala siya, bumalik hang over ko. It should have been over right there pero biniro pa ako ng tadhana, naging kaklase ko pa siya” kwento ni Xavier.
“Jay pangalan ko at hindi Charo” banat ni Jay kaya napailing si Xavier. “Bro, I just wanted to help you. Alam ko kasi ano nararamdaman mo” sabi ni Xavier. “Tapos mamaya kakantahan mo ako ng…you just call out my name and you know wherever I am I will come running” birit ni Jay sa sintunadong boses kaya natawa si Xavier.
“Tang..tss uulan nanaman” sabi niya kaya si Jay naman ang natawa. “Hey you wanna go get some snacks?” tanong ni Jay. “Tapos ano mangyayari? Maghahalikan tayo mamaya ganon ba?” sabat ni Xavier. “Siraulo, alis ka na nga diyan baka sagasaan pa kita ng sadya” sabi ni Jay.
“Tol, you will end up like me if you continue that path” sabi ni Xavier kaya bigla siyang tinignan ni Jay. “No I wont” sabi niya. “You will, we are alike even if you don’t want to admit it. There is a reason why I am this way, yours maybe different but I know we are alike” sabi ni Xavier.
“Kahapon lang tayo nagkakilala, you cannot possibly know me that well already” sabi ni Jay. “Nung nagsuntukan tayo, sapat na yon upang makilala kita at alam ko nakilala mo din ako” sagot ni Xavier at ang tagal nilang nagtitigan.
“So anong brand ng lipstick mo?” tanong ni Jay. “Avon, ikaw?” sagot ni Jay. “Ganon din, di nauwi ni daddy dearest yung mga gusto ko e” sabi ni Jay sabay binuksan na yung kotse. Pumasok yung dalawa at biglang nagtawanan, “Parlor or snack house?” tanong ni Xavier.

BINABASA MO ANG
ATOMIC
Roman d'amourSundan ang kwento ng isang third year college student sa lakbay niya sa paghanap ng pag-ibig. Sa iba simpleng binata lang siya...ngunit may bahid na mysteryo ang kanyang pagkatao... ATOMIC