Chapter 4: Pagbabago

12K 201 13
                                        

Chapter 4: Pagbabago

Lunes ng umaga paglabas ng kwarto ni Jay agad niya nakasalubong kapatid niya. Lumapit si John sabay inamoy ang kanyang kuya sabay napangiti. “Naclick mo na?” tanong niya. “Tsk go down and eat breakfast na” sabi ng panganay.

“Duwag, di nadadaan sa pabango yan” banat ni John kaya nang abutin siya ni Jay bigla ito tumakbo sabay tumawa. Inamoy ni Jay sarili niya at sakto naman lumabas ng kwarto ang nanay nila. Lumapit si Felicia sabay inamoy ang kanyang anak.

“Ah ma wait, ah kasi medyo nagsawa ako sa amoy ng Downey. Nagkaka allergic reaction ata ilong ko” palusot ng binata. “Go change your shirt iho” utos ni Felicia. “Di maganda amoy?” tanong ni Jay. “Hindi, sige na go change your shirt and wait for me” sabi ni Felicia.

Pumasok si Felicia sa kwarto ng panganay niya, “Not that shirt” sabi niya sabay lumapit siya sa closet at naglabas ng shirt na may kwelyo. “This one” sabi niya kaya sinuot ni Jay yon. “Ma ano yan?” tanong ng binata nang nilabas ng nanay niya isang pabango mula sa karton.

“Shhhhh” sabi ni Felicia sabay inisrpayan ng pabango ang anak niya. “Konti lang dito..dito…there you go” sabi niya sabay ngiti. “Ayan ma, wala na amoy ng Downey” sabi ni Jay. “This smell is right for you so let me just leave this here” sabi ni Felicia.

“Ma kanino ba ito? Kay daddy ba?” tanong ni Jay. “No, I bought that one for you” sabi ni Felicia. “Bakit mo ako bibilhan ng pabango?” tanong ng binata. “You are welcome anak, sige na go down and eat breakfast” sabi ni Felicia sabay lumabas ng kwarto na nakangiti.

Sa loob ng kotse inamoy amoy ni John kuya niya. “Iclick mo na” landi niya. “Little bro, di na kailangan yan kasi magkakilala na kami” pasikat ni Jay sabay ngisi. “Wow, ano nanaman pinahiram mo ngayon? Lapis? Papel?” banat ni John. “Huh…five pesos” sabi ni Jay kaya natawa ang kanyang kapatid.

“That is not the point, yang limang piso na yan or should I say bond paper ay sinyales ng tadhana. Tinatawanan mo yung ballpen, pero yung ang naging daan upang magkakilala kami sa wakas” sabi ni Jay. “Araw araw ko pinapahiraman ang classmate ko ng ballpen o kaya binibigyan ko ng paper” hirit ni John.

“Alam mo John kailangan mo ng exercise, ano kaya kung maglakad ka nalang papuntang school today?” banat ni Jay. “Kuya naman nagbibiro lang ako. Di na nga kita aasarin” sabi ng kapatid niya. “Good boy” sagot ni Jay.

Pagdating sa school pinag aamoy ng girls si Jay. “Tsk naman e” bulong ng binata. “Yeah that will work” sabi ni Paulette. “Oo nga, good choice” sabi ni Jenny. “Really?” tanong ni Jay. “Oo sakto lang siya, di masakit sa ilong” sabi ni Paulette.

“Wow I feel so lucky having three pretty fairy god mothers. Feeling ko tuloy ako si Cindirella” banat ni Jay. “So what is your plan?” tanong ni Jenny. “Tatambay sa store, magdasal na may quiz siya” biro ni Jay kaya nagtawanan ang mga girls. “Jay magkakilala na kayo, puntahan mo na siya” sabi ni Paulette.

“Grabe ka naman, oo magkakilala na kami pero ayaw ko naman yung maging aggressive agad agad. Ligawan ko agad ganon ba? Baka naman isipin niya na masama ang habol ko sa kanya. Porke nagkakilala na kami ligaw agad, parang bad impression naman ata ang ganon” sabi ng binata.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon