Chapter 16: Bagyo

11.4K 172 19
                                        

Chapter 16: Bagyo

Isang umaga ginising ni Felicia ang panganay niya, “What happened? Is anything wrong?” tanong agad ni Jay pero ngumiti ang nanay niya. “Nothing, I just came here to stop your alarm clock. Suspended daw classes in all levels dahil sa paparating na bagyo” sabi ng nanay niya.

“E bakit mo ako ginising mommy?” tanong ni Jay. “Hindi ako yon” sabi ni Felicia kaya pagtingin ng binata sa paanan niya nakita niya ang kanyang tatay. “Sige na tulog ka na ulit” banat niya kaya natawa si Jay. “Daddy nakaganti ka din ano?” sabi niya.

“Oh yes” landi ni Jerome sabay lumabas ng kwarto. Nagsimangot si Jay sabay tinignan nanay niya. “This means I will not be seeing her today” sabi niya. Hinaplos ni Felicia mukha ng anak niya sabay puso nito. “Anak I really do not want you to get hurt” bulong niya.

“Ma, di ko siya matiis e. Sa totoo ang hirap hirap maging best friend niya. Alam ko meron siyang boyfriend, I respect that pero ma parang nagsisinguling ako sa sarili ko e. Happy ako sa ngayon as her best friend pero ma, ang hirap talaga e” sabi ni Jay.

“I really do not know what to say anak, may tiwala ako sa iyo na you will do what is right. You are a good boy, pero anak I do not want to see you get hurt” sabi ni Felicia. “Di naman na ako makabitaw ma, bestfriend na ako e” bulong ni Jay. “Lets talk later tutal wala naman kayo pasok, magluluto na ako” sabi ng nanay niya.

Isang oras lumipas nasa harapan ng dining table si Jay. Inalis niya salamin niya, pinunasan niya ito nang marining niya yung special tone sa phone niya. “Its her” sigaw niya sabay tumayo. Napatakbo si Jay papuntang living room, bigla siyang nadapa face first kaya napasugod sina Felicia at Jerome.

“Are you okay?” tanong ni Felicia. “Bakit ka kasi tumakbo?” tanong ni Jerome. Gumapang si Jay saka lumuhod, tumayo tapos nung nakapa yung sofa nagdive sabay kinuha yung phone niya sa lamesa. “Yes hello good morning Leilani” bigkas ni Jay.

Nagtitigan sina Felicia at Jerome, napangiti at napailing nalang. Nakahiga sa sahig si Jay, kahit may nararamdaman pang sakit dahil sa pagkadapa napangiti siya pagkat narinig niya boses ng crush niya. “Good morning Jay, hey no classes” sabi ni Leilani.

Lumapit si Jerome sabay inabot salamin ng anak niya. Sinuot ito ni Jay sabay lumipat sa sofa para mahiga. “Oo nga e, so what you doing? Have you eaten breakfast?” tanong ng binata. “In a few, how about you?” tanong ng dalaga. “In a few too” banat niya kaya bungisngis si Leilani.

“Di ko alam kung tatama talaga yung bagyo dito, tulog pa si John e. Siya kasi yung may hilig sa weather news. Alam mo na para maschedule niya yung no classes niya para maglaro” kwento ni Jay. “Hmmm I am watching the news right now, may possibility dawn a tumama so they suspended classes for precautionary measures lang” sabi ni Leilani.

“Well time to play with my Barbie dolls siguro” biro ni Jay kaya napatawa niya crush niya. “Hey, have you tried going out habang may bagyo?” tanong ni Leilani. “Once or twice pag may kailangan sa grocery” sabi ni Jay. “Ahh..okay” sabi ng dalaga.

Nag isip si Jay, huminga ng malalim sabay naglakas loob. “You wanna go out?” tanong niya. “Yes please” sagot ni Leilani agad. “Papayagan ka kaya?” tanong ni Jay. “Ewan ko, hmmm wait…” sabi ng dalaga.

ATOMICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon